Bitter No More: Ikasampung Bahagi

in #nobela6 years ago (edited)

Ikasampung Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

Nang dumako ang paningin niya sa labi ng binata ay tila may kung anong pwersang tumutulak sa kaniya na halikan ito. At bago pa man niya napigilan ang puwersang iyon ay dumampi na ang labi niya sa labi nito. May kung anong sayang naramdaman ang kaniyang puso nang muling matikman ang matamis na halik ng dating nobyo.

"I still love you, Jade," bulong niya sa pagitan ng paghalik niya sa labi nito.

Hindi nagsalita ang kaharap niya pero tinugon nito ang kaniyang halik. Lalo siyang nakaramdam ng saya dahil sa ginawa nito.


Ngunit hindi nagtagal ang eksenang iyon dahil may biglang humablot sa buhok niya kaya nawalan siya ng balanse at natumba sa sahig.

"I knew it!" Napaangat siya ng tingin nang marinig ang sigaw ng isang babae sa harapan niya. "Aagawin mo si Jade sa 'kin! Bitch!"

Sumugod pa ito sa kaniya at sinabunutan siya. Hindi naman niya magawang lumaban dahil pumatong ito sa tiyan niya habang sinasabunutan ang buhok niya.

"Tama na!" Inawat ni Jade ang nagpupuyos sa galit na kasintahan at tinulungan siyang tumayo.

"Pathetic bitch! Bakit ba hindi mo matanggap na ako na ang mahal ni Jade?" Susugurin na naman sana siya nito, pero buti na lang at napigilan ni Jade ang nobya.

"Hindi ka niya mahal! Ako pa rin ang mahal niya!" Tumingin siya sa mga mata ni Jade at nginitian ang binata. "The way he kissed me, I felt that he still loves me."

Ngunit ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay agad na naglaho nang marinig niya ang sinabi ni Jade.

"No, Anchelle! I told you, wala na akong feelings sa 'yo. Can you just please leave us alone? Please do me a favor. Forget our past and please, just please move on!"

Matapos nitong sabihin ang mga salitang dumurog sa puso niya ay iniwan na siya nito at lumayo sa kaniya kasama ang nobya.

Napaupo na lang siya sa sahig habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. Nang makalayo na ang mga ito ay napapikit na lang siya at nagsimulang kumawala ang luhang hindi nagpaawat sa pagbagsak.

Mayamaya ay bigla niyang naramdaman ang isang kamay na humahagod sa kaniyang likod, pero pinabayaan lang niya ito at hindi pinansin.

"Tayo na, An An. Iuuwi na kita sa inyo." Itinayo siya nito at inalalayan sa paglalakad.

"I know it, Ariel. He still loves me!" sambit niya sa gitna ng kaniyang mga hikbi.

"Stop it, Anchelle! Don't be in denial that it's over!" Tinaasan siya ng boses ng kaibigan. "That's rule one point eight."

Hindi na siya nagsalita habang naglalakad sila palabas ng gate nina Jesa, pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak.

"Pumasok ka na sa loob," utos ni Ariel nang makarating na sila sa pinaparadahan ng sasakyan nito.

"Why are you here? Are you invited?" pagtataray niya sa kaibigan.

"Jesa called me to fetch you because you're drunk," paliwanag naman ng binata sa kaniya. "Now, get inside!" Pinilit siya nitong ipasok sa loob ng sasakyan.

Nang maipasok na siya nito sa loob ng kotse ay agad nitong pinaandar iyon.

"I know that Jade still loves me. He still kissed me passionately like the way he kisses me before. He loves me, Ariel! He loves me!" Parang baliw nitong sigaw habang iyak pa rin nang iyak.

"Shut up! You're drunk!" naiirita nitong saway sa kaniya.

Tinitigan lang niya ang kaibigan tsaka tumawa habang umiiyak.

"You have to forget him. So, don't talk continually about him with your friends, family, and anyone who will listen. And that's rule one point nine," wika nito habang ang mga mata ay nakatuon sa daan at seryoso ito sa pagmamaneho.

"Alam kong magkakabalikan pa kami ni Jade. Alam kong mahal niya pa ako. Sana bukas ay magiging maayos na ang lahat. Sana mauntog na siya at balikan na niya ako. Tatanggapin ko pa rin siya kasi mahal na mahal ko siya." Tinakpan niya ng kaniyang palad ang mukha at humagulgol sa pag-iyak.

Itinabi muna ni Ariel ang kotse at inihinto ang pagmamaneho para yakapin siya.

Kumawala ito sa pagyakap sa kaniya at hinawakan nito ang kaniyang mukha para magkaharap ang mga mukha nila. "Listen to me. Rule one point ten, don't wish and hope that he'll come back for you". Muli siyang niyakap nito at hinagod ang kaniyang likod. "You don't deserve this. I know you are in so much heartache. But please, be strong! Jade's not deserving for your love. I know you'll get over this. Just help yourself, Anchelle. And as your friend, I'll also do everything to help you."

Lalo siyang humagulgol sa pag-iyak dahil sa sinabi ng kaibigan. Kaya niyakap niya rin nang mahigpit si Ariel at isinubsob niya ang mukha sa balikat nito.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Kuya Ayel!!! Ako na lang yakapin mo plith!!! Hahaha

Yayakapin ka raw ni Ayel, mam @romeskie mamaya pagtulog mo. hehehheh

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74