Bitter No More: Ikalimang Bahagi
BITTER NO MORE
Ang nakaraan...
Napakunot-noo naman siya at kinuha ang inabot nitong panyo sabay punas ng luha niya. "Bakit na naman, Ariel? Pabayaan mo na ako. Ito na nga lang 'yung lugar na nagpapaalala sa 'kin sa magagandang alaala namin ni Jade, e!" bulyaw niya sa kaibigan.
"Exactly!"
Mas kumunot ang noo niya sa reaksyon nito.
"Rule number one point two, don't go to places where you spent time together and reminds you of him. Puwede ka lang bumalik dito kapag naka-move on ka na talaga."
Natigilan siya sa narinig at napaisip sa sinabi nito. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay tinalikuran niya ang kaibigan at naglakad palayo.
Sumunod naman si Ariel sa kaniya at kinalabit siya. "Kunin mo 'tong meryenda mo."
Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas ng paaralan nila. Bigla naman siyang hinarangan ni Ariel sa paglalakad kaya binigyan niya ito nang masamang tingin.
"Please, Ariel, 'wag ka munang makipagkulitan sa 'kin ngayon. Pagod ako't gusto ko nang umuwi." Pinilit niyang maging mahinahon sa kabila ng inis na nararamdaman sa kaharap.
"Uuwi ka na? May dalawang subject pa tayong papasukan," pagpapaalala nito sa kanya.
"Please let me go home. Promise, hindi na ako aabsent simula bukas. But please, let me rest today. I also need to prepare for my report tomorrow," pakiusap niya sa kaibigan.
Nakinig naman ito at agad na tumabi mula sa pagkakaharang.
"Sige na nga. Pero ihahatid kita," nakangiting sambit ng kaibigan niya.
Pinabayaan na lang niya ito sa gusto at naglakad na siya pauwi habang nakabuntot ito sa likuran niya. Buti na lang at malapit lang ang bahay sa paaralan nila at pwede lang itong lakarin.
NANG makarating na siya sa bahay nila ay dumiretso na siya sa kuwarto niya. Nagpaalam na rin naman si Ariel na uuwi na lang sa kanila at hindi na rin papasok. Buti na lang at naisipan nitong umuwi kaagad, kung 'di ay baka kulitin na naman siya nito. Pagod siya para makipagkulitan sa kaibigan niya.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa kaniyang kuwarto ay inihagis niya agad ang sarili sa malambot niyang kama. Kinuha rin niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at pinatunog ang paborito niyang kanta.
Habang nakikinig ay bigla na naman niyang naaalala si Jade. Ang kantang pinakikinggan niya kasi ay ang theme song nila dati. Lagi itong kinakanta ni Jade sa kaniya noong sila pa. At ngayong iniwan na siya nito sa ere, wala nang kakanta para sa kaniya.
Dahil sa mga alaalang dulot ng kantang iyon ay napaiyak na naman siya. Naiinis siya dahil hindi man lang nagsawa ang mga mata niya sa pag-iyak. Hindi rin ito nauubusan ng luha kahit maya't maya siyang umiiyak dahil maya't maya rin niyang naaalala ang dating nobyo.
Bigla naman siyang bumangon at sumilip sa ilalim ng kaniyang kama para kunin ang isang malaking kahon. Kinuha niya ito at binuksan. Isa-isa niyang pinulot ang mga larawan nila ni Jade. Lalo namang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata habang isa-isa itong tinitingnan.
Sa kalagitnaan ng pagiging emosyonal niya ay bigla na lang may nagsalita sa kaniyang likuran.
"Rule number one point three, don't listen to love songs that remind you of him."
Kahit na hindi siya lumingon ay alam na niya kung sino ang nagsasalita.
"Bakit ka na naman nandito?" pasigaw niyang tanong.
"Kukunin ko lang 'yung panyo ko. Ako na lang ang maglalaba. Naubos na kasi 'yung panyo ko dahil lagi kitang inaabutan pero hindi mo naman ibinabalik sa 'kin," sagot naman nito.
Agad naman niyang kinuha ang panyo ng kaibigan para ibalik ito. Inabot niya ang panyo rito at kinuha naman agad nito ang panyo. Pero kumunot ang noo ng kaibigan niya nang makita sa loob ng kahon ang mga larawan at mga bagay na ibinigay ni Jade sa kaniya.
"Rule number one point four, don't look at his pictures, cards, love letters, or any thing that he gave to you."
"Rules! Rules! Rules!" galit niyang sabi kay Ariel at saka tumayo. "I don't need a Love Guru, and I don't need your rules! Can you please leave me alone?" Hindi na niya kayang kumalma kaya napagtaasan niya ng boses ang kaibigan niya.
Pero hindi ito nakinig at inagaw ang cellphone niya at pinatigil sa pagtugtog ang music player niya. Kinuha rin nito ang kahon at isinarado. Nagmadali itong tumayo habang bitbit ang kahon at agad na lumabas ng kuwarto niya.
Pero bago pa man makaalis ang kaibigan niya ay lumingon ito sa kaniya. "Huwag kang mali-late bukas, An An!" Kinindatan pa siya nito at saka tuluyang umalis.
Naiwan naman siyang naiinis at nanggigigil kay Ariel.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Araw-araw (Lunes hanggang Biyernes) po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.