Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-apat na Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"Is that your revenge, Anchelle? Are you trying to make me jealous? Dahil kung gano'n nga, you did it! I'm fucking jealous!"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa mismong bibig ni Jade. Pero sa halip na matuwa siya dahil nagtagumapy siya sa kaniyang balak ay kabaligtaran niyon ang kaniyang nararamdaman.

Tila biglaang lumambot ang puso niyang nagsisimula pa lang sa pagiging bato.


"Do you still love me?" naluluha niyang tanong.

Hindi sumagot si Jade at napayuko lang ito.

"Tatanggapin pa rin kita, Jade! Just say you love me!" Niyakap niya nang mahigpit ang dating nobyo.

Kumawala naman ito sa pagkakayakap niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"I'm sorry, Anchelle. But..."

Hindi natapos ng kaharap ang sasabihin dahil bigla niya itong hinalikan.

Hindi naman tinugon ng binata ang kaniyang halik at naitulak siya nito palayo.

"Don't do this, Anchelle! Hindi na kita mahal! Oo, nagseselos ako, pero that doesn't mean na mahal pa rin kita! Si Ellen na ang mahal ko, hindi na ikaw!"

Tila piniga ang kaniyang puso dahil sa sinabi ni Jade. Ilang segundo siyang natulala at pinakiramdaman ang pagsikip ng kaniyang dibdib bago siya tuluyang napahagulgol sa pag-iyak.

"At huwag ang kaibigan ko, Anchelle! Huwag mong gamitin si Alex para pagselosin ako! Huwag na huwag mong sisirain ang pagkakaibigan namin!" dagdag pa nito bago tuluyang umalis.

Napaupo siya sa sahig at parang batang umiiyak habang niyayakap ang kaniyang tuhod.

"An An...." Niyakap siya ni Ariel at hinagod ang kaniyang likod.

"Ayoko na, Ariel! Ang tanga-tanga ko!"

"Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan n'yo." Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy sa sasabihin, "Rule one point twelve, don't try to make him jealous by flirting with or connecting with his male friends."

Itinayo na siya ng kaibigan niya at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ihahatid na kita sa inyo."

7.png

"I said no! hindi tayo pupunta sa lugar na 'yun!"

"Ihinto mo, Ariel! Bababa ako!" naiiritang utos ni Anchelle kay Ariel.

Simula nang pumasok sila sa loob ng kotse ni Ariel ay panay na ang pagbabangayan nila dahil sa hindi pagkaiintindihan.

Pinilit kasi ni Anchelle ang kaniyang kaibigan na pumunta sila sa bar para uminom at pawiin ang lahat ng sama ng loob niya. Pero hindi pumayag ang binata at nagpumilit din itong ihatid siya sa kanila.

"I'll call Tita Alice kapag nagpumilit ka pa sa gusto mo!" paninindak ni Ariel sa kaniya.

"Do it! Call my mother and our friendship will be over!" banta niya rin sa kaibigan.

"Ano ka ba naman, An An! Sumasakit ang ulo ko sa 'yo, alam mo ba 'yun?" Minasahe nito ang sentido gamit ang isang kamay habang ang isa pa nitong kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.

"Okay! Ganito na lang, samahan mo na lang akong uminom. Promise, isang shot lang tapos uuwi na tayo."

Napatingin si Ariel sa kaniya at halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Rule number one point thirteen..." Ibinalik nito ang tingin sa daan at patuloy na nagsalita, "Don't try to run from him by going in bars and night clubs."

"Shut up and bring me to the nearest bar, or else, I'll call Alex at sa kaniya na lang ako magpapasama!" Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kaniyang bag at akmang tatawagan na niya si Alex nang biglang hinablot ni Ariel ang hawak niyang cellphone.

"Sige na! Sasamahan na kita! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Binigyan siya nito nang masamang tingin at binilisan ang pagmamaneho.

7.png

NANG makarating na sila sa bar ay agad na hinila ni Anchelle si Ariel papasok sa loob. Umupo siya sa isang upuan at agad na um-order.

"Bigyan mo nga kami ng alak na malakas ang tama. Pero 'yung hindi nakakahang-over ha!" utos niya sa bartender.

"Yes, Ma'am," agad namang sagot nito at sinalinan ang dalawang baso ng hawak nitong bote ng alak.

"Seriously? Malakas ang tama talaga? E kung iuntog mo na lang kaya 'yang ulo mo sa pader! Tiyak na mas malakas ang tama no'n! At 'pag ginawa mo rin 'yun, baka mahimasmasan ka na sa kahibangan mo kay Jade!" walang prenong komento ng kaibigan niya.

"Shut up! Uminom ka na lang at huwag mo akong sermonan!"

Agad niyang ininom ang alak na in-order at napangiti siya dahil sa sarap niyon kumpara sa ininom niyang Tequila doon sa birthday party ni Jesa.

"Isa pa nga!"

Sinunod siya ng bartender at sinalinan na naman nito ang kaniyang baso.

"Uwi na tayo, An An! Sabi mo isang shot lang 'di ba?"

Tumayo si Ariel at hahatakin sana siya nito pero tinabig niya ang kamay ng kaibigan.

"Umuwi ka na, Ariel. Thanks for accompanying me here. Kaya ko na ang sarili ko. Magta-taxi na lang ako pauwi," wika niya. Pagkatapos ay muling tinungga ang inuming nasa harap at humingi ng isa pang baso ng inumin sa bartender.

"Fine! I'll stay here! Pero hindi na ako iinom dahil magmamaneho pa ako." Muli itong umupo at napakamot na lang sa ulo habang humuhugot nang malalim na buntong-hininga.

Marami-rami na ang nainom niya kaya nakaramdam na siya ng pagkahilo. Kada lagok niya ng alak ay kinukumbinsi naman siya ni Ariel na tumigil na sa pag-inom at ihahatid na siya nito pauwi sa kanila.

Pero walang magawa ang kaibigan niya sa tigas ng kaniyang ulo. Para na nga rin siyang sira sa kakatawa kahit wala namang nakakatawa.

"Let's dance, Ariel!" Hinila niya ang kaibigan sa gitna ng dance floor para makisayaw sa nagkukumpulang tao na sumasabay sa indak ng tugtog.

"Pagbibigyan kita. Pero uuwi na tayo after this! Okay?" pasigaw nitong saad sa kaniya gawa na rin ng ingay sa paligid.

Tumango lang siya sa sinabi ng kaibigan at nagwala na sa dance floor.

Hindi niya alintana ang hiya sa pagsasayaw at pagwawala niya dahil na rin sa epekto ng kalasingan.

"Let's dance, Baby!" Biglang may humawak sa baywang niya mula sa kaniyang likod.

Nilingon niya ito at nakita ang isang nakangising estranghero. Inilibot niya ang paningin para hanapin si Ariel, pero nahilo lang siya sa ginawang paghahanap dahil na rin sa kalasingan at dumagdag din sa pagkahilo niya ang disco lights na tumatama sa paningin niya.

Binalewala na lang niya ang biglaang pagkawala ng kaibigan at muling humarap sa lalaking nakikipagsayaw sa kaniya.

"Sure! Let's dance!" sagot niya rito at nginitian.

Sinayawan siya ng lalaki at ganoon din ang ginawa niya. Tila nawalan na rin siya ng bait dahil hindi niya makontrola ang sarili.

Patuloy sa pagsayaw ang estranghero sa harap niya habang pasimpleng hinahawakan ang kaniyang pwet at pinipisil ang bahaging iyon. Bigla naman siyang hinalikan nito nang marahas. Gusto niyang pigilan ito sa ginagawang iyon sa kaniya, pero nawalan siya ng lakas at nakaramdam din siya ng panghihina. Pagod na siya sa kakasayaw at gusto na niyang umuwi.

"Let's get out of here, Baby," usal ng lalaki.

Pero bago siya nito inialis sa lugar na iyon ay muli pa siyang hinalikan nito habang nararamdaman niya ang paggapang ng kamay nito papunta sa malusog niyang dibdib at hinihimas-himas ito.

"No..." tanging salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"Okay. Let's not do it here. We'll get a room, okay?" nakangising saad nito sa kaniya.

Wala siyang narinig sa sinabi ng lalaki dahil hilong-hilo na siya at gusto na niyang umuwi.

"Get me out of here," bulong niya rito.

Ginawa naman ng estranghero ang sinabi niya at inilabas siya nito sa bar. Akay-akay siya nito papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

Nang makarating na sila sa ipinarada nitong kotse ay isinandal muna siya nito bago sila pumasok sa loob.

"Ang ganda mo talaga! Jackpot ako sa 'yo!" Muli siyang hinalikan ng estranghero habang kung saan-saang parte ng kaniyang katawan naglalakbay ang mga daliri nito.

"I want to f**k you now!"

Binuksan nito ang kotse at ipinasok siya sa loob. Ngunit bago pa man siya tuluyang naipasok nito ay may biglang sumigaw ng pangalan niya.

"Anchelle!"

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74