Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
BITTER NO MORE
Ang nakaraan...
"Rule number one point four, don't look at his pictures, cards, love letters, or any thing that he gave to you."
"Rules! Rules! Rules!" galit niyang sabi kay Ariel at saka tumayo. "I don't need a Love Guru, and I don't need your rules! Can you please leave me alone?" Hindi na niya kayang kumalma kaya napagtaasan niya ng boses ang kaibigan niya.
Pero hindi ito nakinig at inagaw ang cellphone niya at pinatigil sa pagtugtog ang music player niya. Kinuha rin nito ang kahon at isinarado. Nagmadali itong tumayo habang bitbit ang kahon at agad na lumabas ng kuwarto niya.
Pero bago pa man makaalis ang kaibigan niya ay lumingon ito sa kaniya. "Huwag kang mali-late bukas, An An!" Kinindatan pa siya nito at saka tuluyang umalis.
Naiwan naman siyang naiinis at nanggigigil kay Ariel.
NAGSIPALAKPAKAN ang buong klase matapos ang kaniyang reporting sa napiling topic. Abot-tainga naman ang ngiti niya habang pabalik sa kaniyang upuan.
"Very good, Ms. Juarez," komento ng kanilang propesor nang makabalik na siya sa kaniyang upuan.
"Thank you, Ma'am." Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang mukha.
Tinapik naman siya ni Ariel sa likod at nakangiting bumati sa kaniya, "Congrats, An An! Ang galing talaga ng kaibigan ko! Pero syempre dapat ka ring magpasalamat sa 'kin."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ni Ariel. "At bakit naman ako magpapasalamat sa 'yo? Ikaw ba'ng nagreport sa harap?" sarkastiko niyang tanong.
"Dahil tinulungan kitang mag-move on kaya naka-focus ka na ulit sa pag-aaral," nakangiting sagot naman nito.
"Whatever!" walang gana niyang sambit.
Hindi na niya pinansin ang katabi. Abala siya sa pagpipindot sa cellphone niya habang nakangiti nang may biglang umagaw nito. Paglingon niya ay nakita niya si Ariel na pinakikialaman at tinitingnan ang cellphone niya.
"Ano ba, Ariel! Kailan mo ba ako tatantanan? Ibalik mo na nga sa 'kin 'yan!" naiirita niyang sabi habang pilit na inaagaw ang cellphone niya sa kamay ng kaibigan.
"Hindi kita tatantanan, bente cuatro oras!" nakangising sagot nito at ginagaya pa ang boses ni Mike Enriquez pagkasabi niyon.
"Ibalik mo 'yan sa 'kin kung ayaw mong batuhin kita ng sapatos!" seryoso niyang banta.
"At bakit mo tinitext si Jade? Baka nakalimutan mong wala na kayo," usisa pa nito habang iniharap ang cellphone sa kanya at pinakita ang text message na ipinadala niya kay Jade.
Agad niya namang hinablot ang cellphone niya sa kamay ni Ariel. "Bakit? Masama ba?"
"Oo. Masama!" agad namang sagot nito.
"Bakit na naman? Paepal ka na naman, e!" singhal niya sa kaibigan.
"Rule number one point five, don't communicate with your ex."
Inagaw ulit nito ang cellphone na hawak niya at binura ang number ni Jade nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.
Nanglilisik siya sa galit dahil sa ginawa ni Ariel kaya napagtaasan niya ito ng boses. "How dare you erase his number!"
Hindi natinag ang kaibigan niya at tinitigan pa siya nito sa mata. "Again, I'm just helping you, An An," kalmadong pahayag nito at iniabot ang inagaw na cellphone sa kaniya.
Hinablot niya naman ito at agad na tinalikuran ang kaibigan niya.
Sinigurado niya namang hindi nakabuntot si Ariel sa kaniya bago niya pindutin ang kaniyang cellphone para tawagan si Jade. Buti na lang at kabisado niya ang cellphone number ng dating nobyo.
Abot-tainga ang ngiti niya nang sumagot ang dating nobyo sa kabilang linya.
"Hello, Anchelle." Tumikhim muna ang kausap sa kabilang linya bago ulit ito nagsalita, "Nasa'n ka na? Nandito na ako."
Bigla siyang nasabik nang marinig ang boses ni Jade. Miss na miss na niya ang dating nobyo. Gusto na niyang masilayang muli ang napakaamo nitong mukha at marinig ang malamig at mahinahon nitong boses.
"Anchelle, are you there?" tanong pa nito.
Matagal siyang hindi nakapagsalita dahil sa labis na pananabik sa binata kaya nakalimutan niyang naghihintay pala ito sa kabilang linya.
"I-I'm here." Lumunok muna siya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, "I'm coming, Jade."
"Okay. But please, bilisan mo. May pasok pa kasi ako," agad nitong sagot.
Magsasalita pa sana siya, pero pinutol na nito ang tawag nila. Kaya naman nagmadali na lang siyang puntahan ito.
NANG makarating na siya sa coffee shop na pinag-usapan nila ay agad niyang namataan si Jade. Nilapitan niya ito at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng binata.
"I'm sorry kung natagalan ako, Jade. Si Ariel kasi, ininis pa ako," pagkakatuwiran niya.
"It's okay," mahinahong sagot nito. "So, ano nga palang sasabihin mo sa 'kin?" tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon sa hawak nitong magazine.
"I just want to ask a favor from you," diretso niyang sabi.
Lumingon sa kaniya ang kaharap at halata sa mukha nito ang pagtataka.
"What favor?"
Napaiwas siya ng tingin sa binata. "Uhm, you see…." Hindi niya alam kung paano sasabihin ang gusto niyang mangyari. Pilit niyang hinahagilap ang tamang salitang sasabihin. "I'm badly hurt noong sabihin mo sa 'kin na hindi mo na ako mahal. Pero that doesn't mean that I hate you. We're not just lovers before, Jade. We're also friends, and you're even my confidant. Kaya kung hindi mo na talaga ako mahal at hindi mo na ako kayang mahaling muli, pwede bang maging magkaibigan na lang tayo?"
May nagbabadya nang luha sa kaniyang mga mata. Masakit para sa kaniya ang hininging pabor sa dating nobyo. Ayaw niyang hanggang sa pagkakaibigan lang ang mamagitan sa kanila. Pero alam niyang hindi papayag si Jade kapag sasabihin niyang makikipagbalikan siya rito dahil alam niya rin kung gaano ito kahumaling sa bago nitong nobya. Alam niya dahil sinusundan niya ito at inaalam niya ang bawat kilos nito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na babalik ito sa kaniya. Kaya naman gagawa siya ng paraan upang muli siyang mahalin ng dating kasintahan.
"Are you sure?" gulat na tanong nito. "Look, Anchelle. I know that I hurt you so much. But, I'm sincerely sorry. I really am. Alam kong kulang pa ang sorry sa ginawa ko sa 'yo. Pero kasi, I don't think your favor can help you move on," seryosong saad nito na siyang dahilan kung bakit hindi na nagpaawat ang luha niya at bumagsak na ito.
"Please, Jade? Let's be friends, please?"
Kahit alam niyang pagpapakatanga na ang pakikiusap nang ganoon ay ginawa pa rin niya. Masyado siyang nasaktan at ito lang ang naiisip niyang paraan para humilom ang sugat sa kaniyang puso. Ang magkalapit silang dalawa at paibiging muli ang binata.
"Okay." Bumuntong-hininga ang kaharap at hinimas-himas ang baba. "But promise me, makaka-move on ka rin at muling magiging masaya." Kahit nakangiti ay makikita pa rin ang lungkot sa mga mata nito.
Tumango lang siya at pinunasan ang luha sa mga mata.
Kahit na nasasaktan ay nakaramdam naman siya nang kaunting saya dahil pumayag ito sa hinihingi niyang pabor.
"Sige na, babalik na ako sa school. Malapit na rin kasing matapos ang break.” Tumayo ito mula sa kinauupuan. "Hindi ka pa ba babalik?" tanong naman nito.
"Babalik na rin ako. Sabay na tayo?" nakangiting saad niya.
"Sige," matipid namang sagot ni Jade.
HABANG naglalakad sila pabalik sa kanilang paaralan ay walang tigil sa pagsasalita si Anchelle. Kinukuwento niya kay Jade ang mga masasayang karanasan nila dati. Iyong mga oras na sinusuyo siya nito kapag bigla na lang siyang napapraning. Iyong mga panahong maglalakwatsa silang dalawa kapag may isang nakaperfect sa exam. At higit sa lahat, kung paano nila nalalagpasan ang mga problemang dumarating sa relasyon nila nang magkasama.
Napahinto lang siya sa pagsasalita nang mapansin niyang hindi umiimik ang kasama niya.
"Okay ka lang?" tanong niya habang tinititigan ang mukha ni Jade.
Tumitig din ito sa kaniya at seryosong nagsalita, "Hindi na natin dapat pag-usapan pa ang past natin, Anchelle. Mahihirapan ka lang lalo, kaya kung puwede ay kalimutan na natin 'yon."
Napayuko siya matapos sabihin iyon ni Jade. Gusto niyang sabihin sa harap nito na hindi niya kayang kalimutan na lang nang basta-basta ang dati nilang pinagsamahan na gaya ng ginawa nito. Na hindi niya kayang mag-move on dahil ito pa rin ang nilalaman ng kaniyang puso.
Pero sa halip na sabihin ang mga salitang gusto niyang sabihin, muli niya itong hinarap at binigyan ng ngiti. Isang pilit na ngiti.
"Tayo na? Baka ako na naman ang magiging dahilan kapag na-late ka na naman."
Matapos niyang sabihin iyon ay binilisan niya ang paglalakad para mauna siya sa binata at hindi nito makita ang napakalungkot na ekspresyon ng kaniyang mukha.
NANG makarating na sila sa kanilang paaralan ay agad na nagpaalam si Jade sa kaniya na uuna nang pumunta sa silid-aralan nito. Ngunit bago pa man ito makaalis ay hinawakan niya ang kamay ng dating nobyo at inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito at mabilis na humalik sa pisngi ng binata.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas. Kung hindi man ako nakapag-post sa isang araw sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi gaya na lang ngayon. Dahil nga hindi ako nakapag-post kahapon, dalawang bahagi ang ipo-post ko ngayon.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.