Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-anim na Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

Muling bumuntong-hininga si Ariel at pinaandar na ang sasakyan. Nakatuon ang paningin ng binata sa daan habang nagsasalita, "Rule one point fourteen, don't rush into another relationship. Kaya mong mag-move on nang mag-isa. Hindi mo kailangang gumamit ng tao para gawing panakip-butas. Hindi porke't nasaktan ka, e may karapatan ka na ring manakit ng iba. Ika nga, time will heal all wounds. Maghihilom din ng kusa 'yang sugat sa puso mo. Magiging maayos ang lahat, An An. Darating ang araw na magiging masaya ka ulit."

Ibinaling nito ang tingin kay Anchelle at napailing na lang nang makitang mahimbing na pala siyang natutulog habang humihilik pa.


"RISE and shine, An An!"

Biglang napabangon si Anchelle dahil sa gulat. Akala niya ay kung ano na ang nangyayari, pero si Ariel lang pala ang sumigaw nang malakas at ginigising siya.

"What are you doing here? Kay aga-aga, binibuweset mo na ako! Umalis ka nga rito!" singhal niya sa kaibigan at muling nagtalukbong ng kumot.

"Hindi ako p'wedeng umalis dito, e," sagot naman ng kaibigan niya.

Naramdaman naman niyang biglang lumiwanag sa loob ng kuwarto at nakaramdam din siya ng init.

Naiirita siyang bumangon at nakita si Ariel na hinahawi ang kurtina sa bintana kaya pumasok ang liwanag sa loob. Lumapit siya sa may bintana at muli itong tinakpan ng kurtina para muling dumilim sa loob ng kuwarto at nang makabalik siya sa pagtulog. Pero hinawi na naman ng kaibigan niya ang kurtina kaya tinapunan niya ito nang masamang tingin. Sisigawan niya na sana ito nang mapansin niya ang bintana.

"Teka! Ba't lumaki yata ang bintana sa kuwarto ko?" pagtataka niya.

Luminga-linga siya sa paligid at nalamang hindi niya pala kuwarto iyon.

"Bakit nandito ako sa kuwarto mo? Bakit dito ako natulog? Anong ginawa mo sa 'kin, Ariel? Kaibigan kita! Pinagkatiwalaan kita!" Nagwawala niyang sigaw habang hinahampas ng unan ang kaibigan.

"Sabi mo kagabi na tayo na, e," nakangising sambit nito habang iniilagan ang unang hinahampas niya rito. "Pero syempre, hindi tayo talo. Tsaka hindi rin naman kita type kaya hindi ako pumayag," dagdag pa nito.

Natigilan si Anchelle sa sinabi nito. Umupo siya sa kama habang nakayuko.

"Oo na! Hindi na ako kagusto-gusto! Kaya nga ako iniwan ni Jade, 'di ba?" malungkot niyang sambit.

Umupo naman si Ariel sa kaniyang tabi at bahagyang hinawakan ang kaniyang mukha at iniangat para makita nito ang mukha niya.

"Don't say that. You are beautiful, An An! Look at your eyes, you have the most mesmerizing eyes that I have ever seen," wika nito habang tinititigan siya. "You even have a perfect shape of nose," dagdag pa nito habang binabaybay ng hintuturo nito ang kaniyang ilong. "And to be honest, your natural pinkish colored lips is so kissable," anito habang nakatitig sa kaniyang labi.

Biglang nag-init ang pisngi niya sa sinabi ni Ariel. Hindi niya alam na marunong pala itong pumuri sa ganda niya. Ni minsan kasi ay hindi siya nito pinuri at puro pang-aalaska at pang-iirita lang ang sinasabi nito sa kaniya.

Tinitigan niya ang seryosong mukha ng kaibigan. Habang ginagawa niya iyon ay tila na-realize niyang may taglay na sex appeal din pala ito. Alam niyang guwapo ang binata at kahanga-hanga rin ang mala-model nitong tikas at tindig. Pero minsan din kasi ay nababaklaan siya sa hitsura ng kaibigan. Masyado kasi itong maputi at dinaig din ang kinis ng kaniyang balat. Mapula-pula rin ang labi nito na animo ay nilagyan ng lipstick. Hindi rin naman kasi ito nakikipagbarkada sa mga lalaki at siya lang ang laging sinasamahan nito kaya ganoon na lang ang tingin niya sa kaibigan. Gayunpaman, hindi sila talo at alam nilang pareho na may kaniya-kaniyang laman ang kanilang puso.

Tumikhim si Anchelle kaya bumalik ang ulirat ng kaharap niya.

"At at..." tila nahihiyang bulong nito at iniisip ang susunod na sasabihin. ”At ang cute pa ng matambok mong pisngi! Ang sarap kurutin!" Tumawa ito nang pagak.

"Weh? 'Di nga? Binobola mo naman ako, e!" natatawang sambit niya habang hinahampas ng unan ang mukha nito.

"Totoo nga kasi! I'm not saying it as your best friend. I'm saying it as a man who sees your outstanding beauty."

Namula na naman siya sa sinabi ni Ariel at sinubukan niya na lang na ibahin ang paksa ng kanilang usapan para hindi nito mahalata ang namumula niyang pisngi.

"Ariel, bakit mo ba ako dinala rito sa bahay n'yo?" usisa niya.

"Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan! Maligo ka na, An An! Darating si Tita Alice dito para sunduin ka. Tinawagan ko kasi siya kagabi at sinabing lasing ka at iuuwi kita sa inyo. Pero hindi siya pumayag na iuwi kita sa bahay n'yo dahil magwawala raw ang Papa mo kapag nakita ka na namang lasing. At lalong magwawala daw si Tito 'pag nalaman nitong pumasok ka ng bar at doon ka naglasing." Napakamot sa ulo si Ariel habang pinaliwanag ang nangyari. "Kaya 'yun! Sabi ni Tita Alice na dito ka na muna sa amin magpalipas ng gabi at susunduin ka na lang niya rito ngayon."

Napapitik sa noo si Anchelle at sinabunutan ang sarili dahil sa inis. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa mga magulang niya ang kalokohang ginawa niya kagabi.

"Hindi na talaga ako magpapakalasing nang ganoon! I swear!" Napabuntong-hininga siya at naiinis pa rin sa sarili.

"Hindi ka na talaga p'wedeng uminom at magpakalasing nang ganoon kasi muntikan ka nang mapahamak kagabi!"

Napataas ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan.

"Paanong..."

Hindi siya nito pinatapos sa sasabihin at pinaliwanag na nito kung anong nangyari kagabi.

"I'm almost raped because of my stupidity?" naluluha niyang sambit. "Stupid, Anchelle!" Hinampas niya ng unan ang mukha niya ng ilang beses.

Sinubukan niyang maalala ang mga nangyari kagabi. Pero ang huli niya lang na naalala ay ang pakikipagsayaw niya sa isang estranghero. Maliban doon, wala na siyang ibang maalala.

"Ang tanga-tanga ko! Muntik na akong mapahamak dahil sa kapabayaan ko! Dahil sa kabaliwan ko kay Jade, I did silly things at pinahamak ang sarili ko. I'm so stupid, Ariel!"

Niyakap siya ng kaibigan at hinagod ang kaniyang likod na lagi nitong ginagawa sa tuwing miserable siya. Dahil sa ginawa nitong pagpapagaan ng kaniyang kalooban sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya, bigla niya na lang na-realize na ang swerte niya kay Ariel. Dahil kahit na tinatarayan, inaaway at tinataboy niya ito, hindi pa rin siya nagawang iwan ng kaibigan.

Sa mga nangyari sa kaniya, ang dami niyang na-realize at natutunan. At alam niyang dahil iyon sa tulong ni Ariel sa kaniya at sa walang sawa nitong pag-iintindi sa kaniya.

"Thank you so much, Ariel! Thank you for being a good best friend to me! Thank you for making me realize that I deserved to be happy and that no one must be responsible for my own happiness. Because happiness is a choice. And from now on, I will choose to be happy. I will be happy!" nakangiting saad niya sa kaibigan. "Thank you for everything, Ariel! Thank you for always reminding me what's right and wrong. Now I realized that your stupid rules could be helpful din pala!" Tumawa siya at napayakap na rin nang mahigpit sa kaibigan.

Hindi niya na napigilan ang pagiging emosyonal kaya napaluha siya. Pero iba na ang dahilan ng kaniyang pagluha. Hindi na iyon dulot ng sakit, poot, at galit. Napaluha siya dahil sa saya. Nararamdaman na niya ang simula ng kaniyang pagbangon.

"I can't afford to see you dying inside. Hindi kita iiwan, An An. I will be always at your side even at the worst day of your life," sinserong tugon ng kaibigan.

Isinubsob niya ang luhaang mukha sa balikat ng binata. Pero biglang tumayo si Ariel at hinila siya nito palabas ng kuwarto.

"Kumain na lang tayo kaysa bumaha sa loob ng kuwarto ko sa kaiiyak mo," biro pa nito.

Natawa naman siya sa biro ng kaibigan at hinampas nang mahina ang balikat nito.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Bakit fine-friend zone ba kasi nila ang mga sarili nila? Naiinis na ako. Haha

Ang galing galing mo magsulat ate @jemzem napapainis talaga ako sa mga characters. Hahaha.. as usual.. bitin na naman ako.. more chapter please!!!

Hahaahahha. Gusto ko kasing kainisan yung mga bida ko sa halip na mahalin. Buti naman at effective. Heheheheh. Pasensya na mam @romeskie. Hindi ko na nasusunod 'yung schedule ko. Matutulog na kasi agad minsan pag-uwi sa bahay. Pero maghahabol talaga ako. Pati 'yung mga nobela mo, talagang babasahin ko. Buti dalawa ang holiday next week. :D

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69460.30
ETH 3372.77
USDT 1.00
SBD 2.74