Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabintatlong Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"An An, huwag mong hayaang lamunin ng poot ang puso mo. Hindi masayang mabuhay na puno ng galit ang iyong dibdib. Hayaan mo na lang na makasalubong niya ang karma." Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at tinitigan ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata.

"Iyon na nga, Ariel. Gusto kong matikman niya ang lupit ng karmang ako mismo ang magpatitikim sa kaniya!" puno ng galit niyang sagot sa kaibigan. "Huwag mo akong pakialaman kung ayaw mong tapusin ko ang pagkakaibigan natin!" banta pa niya rito bago tuluyang talikuran ang binata.

Naiwan si Ariel na nakatayo at napailing habang sinusundan ng tingin ang papalayong kaibigan.


AGAD na lumabas si Anchelle sa kanilang silid-aralan nang matapos ang pinasukan niyang klase. Nagmadali siyang bumaba sa building na kinaroroonan niya at nagtungo sa Gym ng kanilang paaralan.

"Anchelle!"

Hinanap niya ang tumawag sa kaniyang pangalan at agad nilapitan nang makita niya ito.

"Hi, Alex! Thanks for coming," aniya at nginitian ang kaharap.

"You're welcome, Anch!" Nginitian din siya nito pabalik. "Alam mo namang isang text mo lang, darating agad ako."

"I know, Alex." Binigyan niya ito ng isang malagkit na tingin.

"S-so, bakit mo nga pala gustong makipagkita sa 'kin?" Umiiwas ito ng tingin sa kaniya habang tinatanong iyon.

Napangiti naman si Anchelle nang makita niyang naaapektuhan ito sa ginawa niya. Kaya naman may naisip na kapilyahan ang utak niya.

Ipinulupot niya ang isang kamay sa braso ng binata at inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga nito. Binulungan niya ito na may tonong mapang-akit, "I'm now free, Alex! And my freedom is also your freedom."

Napalunok ng ilang beses ang binata dahil sa sinabi niya.

Nakaramdam naman siya ng tagumpay dahil walang kahirap-hirap ang pagsasagawa niya sa unang hakbang ng kaniyang plano. At alam niyang hindi siya mahihirapan sa gagawing paghihiganti kay Jade.

"A-Are you sure? P-p'wede na akong manligaw sa 'yo?" nabubulol na tanong ni Alex.

Lalo lang siyang napangiti dahil halatang grabe ang epekto niya sa binata. Hindi naman kasi ito bulol o mahiyain. Kung tutuusin, napakahangin nga nito minsan. Palibhasa kasi, nabiyayaan ito ng guwapong pagmumukha at maraming nagkakandarapang babae rito.

Pero sa ikinikilos nito ngayon, halatang napakalaki nga ng gusto nito sa kaniya.

"Kung gusto mo talaga ako, why not? Sabi ko nga kanina 'di ba, na I'm free! So, anyone who likes me can court me."

Kinindatan niya ito at inialis ang pagkakapulupot ng kamay niya sa braso nito. "Wala bang practice ang banda ninyo ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

Matagal bago ito makapagsalita. Malamang ay hindi pa rin ito makapaniwala sa biglaang pagtrato ni Anchelle ng ganoon.

Mayamaya ay bigla na lang itong ngumiti nang napakalapad at tinitigan si Anchelle.

"Thanks, Anch! Thanks for letting me court you! Finally!" masayang wika nito at halos tumalon na ito sa tuwa. "Don't worry, hindi ako katulad ni Jade. I will never hurt you. That's my promise!"

Ang kaninang ngiting tagumpay na nakaguhit sa kaniyang labi ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng galit na ekspresyon dahil sa sinabing iyon ni Alex. Pakiwari niya ay sinasabi nito ang linyang iyon ng mga lalaki. Hindi porke't naloko siya ni Jade ay maloloko na rin siya ni Alex. Nawala tuloy ang pag-aalangan niya na gamitin si Alex sa paghihiganting kaniyang gagawin.

"Wala ka bang gagawin ngayon? Baka gusto mo kaming panoorin habang nagpa-practice?" nasasabik na sambit nito sa kaniya.

Tumango siya bilang sagot at pilit na ngumiti para hindi nito mahalata na may binabalak siya.

7.png

NAPATIGIL sa pagtugtog ang mga kabanda ni Alex nang pumasok ito kasama siya sa loob ng silid na pagmamay-ari ng kanilang grupo.

"O? Ba't parang nakakita yata kayo ng multo?" Natatawang tanong ni Alex sa mga kabanda.

Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa labi ni Anchelle nang makitang nasa loob din ng silid na iyon si Jade.

Aba't sisisw na sisiw ang first move ko! Wika niya sa sarili.

Nang magkrus ang paningin nila ni Jade ay binigyan niya ito ng inosenteng ngiti. Habang si Jade naman ay halatang gulat dahil sa pagsulpot niya.

"Sino ba kasing hindi matutulala kapag nakakita ng isang dyosa?" sagot ni Mike sabay kindat sa kaniya.

"Loko ka talaga, Mike!" natatawa niyang sambit. "Nga pala, okay lang bang manood ako habang nagpa-practice kayo?" tanong niya habang ang mga mata ay nakatuon kay Jade.

"S’yempre naman! Gusto rin namin ng inspirasyon habang tumutugtog. Tsaka, lagi ka rin namang nanonood sa 'min dito dati." Nakangising wika ni Mike.

"Walang problema sa 'kin," sabi naman ni Kiko.

"Ikaw, Jade? Ayos lang ba?" tanong niya sa napakatahimik na si Jade.

Tumitig muna ito sa kaniya na tila binabasa ang laman ng isip niya.

Mayamaya ay nagsalita na rin ito, "Ayos lang."

Bigla naman siyang inakbayan ni Alex at pinaupo sa isang silya.

"Dito ka umupo sa tabi ko. At huwag kang mahihiyang sabihin sa 'kin kapag nagugutom ka o kung may gusto ka, a?" nakangiting saad ni Alex sa kaniya.

Muli siyang tumingin kay Jade para makita ang reaksyon nito sa atensyong ibinibigay ni Alex sa kaniya.

Nakita niyang titig na titig ito kay Alex habang nakakunot ang noo. Gusto niyang tumalon sa saya dahil sa nakita niyang reaksyon nito.

Ibinaling niya naman ang atensyon kay Alex at nginitian ito nang pagkatamis-tamis.

"Okay, Alex. Thank you so much!"

Ang saya-saya niya dahil umaayon ang nangyayari sa kaniyang plano. Gusto niya ring pasalamatan si Alex dahil pinagaan nito ang lahat. Wala itong kamalay-malay na malaki ang naitulong nito sa kaniya dahil sa ginagawa nito.

Anong pakiramdam na makitang ginagawa ng kaibigan mo ang dating ginagawa mo sa 'kin? Simula pa lang ito, Jade! Humanda ka dahil dudurugin ko ang puso mo! Tiim-bagang niyang wika sa sarili habang sinusulyapan ang dating nobyo.

Tahimik siyang nanonood ng ensayo ng magkabanda. Panay ang pagpapalitan nila ni Alex nang malalagkit na tingin at matatamis na ngiti. Pero paminsan-minsan ay sinusulyapan din niya si Jade na nasa tapat niya. Minsan ay nahuhuli niya itong tinititigan siya at kapag nagkakasalubong ang kanilang mga paningin ay bigla naman itong umiiwas ng tingin sa kaniya.

"Break muna tayo!" wika ni Mike nang makaramdam na ito ng pagod.

Agad namang tumigil ang mga kabanda nito at nagpahinga muna.

May bigla na namang pumasok sa utak ni Anchelle. Kumuha siya ng tubig at ibinigay iyon kay Alex.

"Uminom ka muna." Binigyan niya nang matamis na ngiti ang binata habang iniabot ang tubig rito.

"Thanks, Anchelle!" Nginitian din siya ni Alex at agad na ininom ang tubig na bigay niya.

Habang umiinom ang binata, bigla niya ring pinunasan ang pawisan nitong noo gamit ang kaniyang panyo.

"May towel ka ba? Gusto mo punasan ko 'yang pawis sa likod mo? Baka kasi magkasakit ka kapag natuyuan ka ng pawis sa likod," wika niya habang sinusulyapan si Jade para makita na naman ang reaksyon nito.

Abot-langit naman ang tuwa niya nang makita ang galit sa mukha ng dating nobyo. Malamang ay nagseselos ito sa atensyong ibinibigay niya kay Alex. S’yempre, dahil sinadya niyang gawin kay Alex ang mga bagay na ginagawa niya kay Jade noon para makaramdam ng inggit ang dating nobyo.

"H-Huwag na, Anch! Ako na lang. Nakakahiya, e," tanggi nito sa alok niya.

Agad naman itong kumuha ng towel sa bag at pinunasan ang pawisan nitong katawan. Gusto na sana nitong maghubad dahil iyon ang nakagawian ng binata tuwing break ng practice nila dahil presko iyon sa pakiramdam nito. Ang kaso lang ay nakakaramdam talaga ng hiya ang binata sa kaniya kahit hindi naman kahiya-hiya ang katawan nito dahil may maipagmamalaki rin naman itong abs. Kaya lang, hindi rin nito maintindihan kung bakit ito nahihiya sa kaniya.

"Okay," agad niyang sagot kay Jade.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam siyang lumabas muna ng silid para sagutin ang tawag.

"What do you want, Ariel?" bungad niyang nang sagutin ang tawag.

"Whoah! Galit na naman ang best friend ko!" Tinawanan lang siya ng kausap sa kabilang linya kaya bigla na namang kumulo ang kaniyang dugo.

Gusto man niyang kumalma, pero hindi niya alam kung bakit ang init-init ng dugo niya kay Ariel nitong mga nagdaang araw. Siguro ay dahil sa pangingialam nito sa buhay niya.

"Ano bang pakay mo? Sasabihin mo agad? Or I'll end up this call?" bulyaw niya sa kaibigan.

"Nasaan ka ngayon?" tanong nito sa kaniya.

"I'm watching their practice." Pagkasabi niya niyon ay pinutol na niya ang tawag.

Pabalik na sana siya ng silid nang biglang iniluwa ng pinto si Jade. Lumapit ito sa kaniya at hinatak siya papasok sa katabing silid na walang tao.

Hindi siya pumalag sa pagdala ni Jade sa kaniya sa silid na iyon. Hindi rin siya nakaramdam ng takot o kaya ay pangamba na may gagawin itong masama sa kaniya. Nangingibabaw kasi ang nararamdaman niyang saya. Sobrang saya niya dahil nagtagumpay siya na paselosin ito.

"What are you doing, Anchelle? Anong masamang binabalak mo? Tell me!" galit nitong sambit habang hinihigpitan ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"Nasasaktan ako, Jade!" daing niya habang binibigyan ng inosenteng tingin si Jade.

Binitiwan naman nito ang braso niya, pero isinandal siya nito sa pader habang inilapit nito ang mukha sa mukha niya.

"Is that your revenge, Anchelle? Are you trying to make me jealous? Dahil kung gano'n nga, you did it! I'm fucking jealous!"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa mismong bibig ni Jade. Pero sa halip na matuwa siya dahil nagtagumapy siya sa kaniyang balak ay kabaligtaran niyon ang kaniyang nararamdaman.

Tila biglaang lumambot ang puso niyang nagsisimula pa lang sa pagiging bato.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74