Bitter No More: Ikalabing-isang bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-isang Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"Alam kong magkakabalikan pa kami ni Jade. Alam kong mahal niya pa ako. Sana bukas ay magiging maayos na ang lahat. Sana mauntog na siya at balikan na niya ako. Tatanggapin ko pa rin siya kasi mahal na mahal ko siya." Tinakpan niya ng kaniyang palad ang mukha at humagulgol sa pag-iyak.

Itinabi muna ni Ariel ang kotse at inihinto ang pagmamaneho para yakapin siya.

Kumawala ito sa pagyakap sa kaniya at hinawakan nito ang kaniyang mukha para magkaharap ang mga mukha nila. "Listen to me. Rule one point ten, don't wish and hope that he'll come back for you". Muli siyang niyakap nito at hinagod ang kaniyang likod. "You don't deserve this. I know you are in so much heartache. But please, be strong! Jade's not deserving for your love. I know you'll get over this. Just help yourself, Anchelle. And as your friend, I'll also do everything to help you."

Lalo siyang humagulgol sa pag-iyak dahil sa sinabi ng kaibigan. Kaya niyakap niya rin nang mahigpit si Ariel at isinubsob niya ang mukha sa balikat nito.


MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Anchelle. Inilibot niya ang paningin sa bawat sulok ng kaniyang kuwarto at takang-taka kung paano siya nakauwi sa bahay nila. Nararamdaman din niya ang tila pag-ikot ng mundo at ang sobrang sakit ng kaniyang ulo.

Ito na yata ang sinasabi nilang hang-over! Naisip niya.

Pinilit niyang halughugin ang kaniyang utak para makaalala sa mga nangyari kagabi. At nang maalala niya ang halikan nila ni Jade ay bigla siyang napangiti. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang labi nito sa labi niya. Ninanamnam niya ang matamis na alaalang iyon habang pilit na inaalala ang mga kasunod na nangyari.

Biglang napawi ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi nang matandaan ang mga sumunod na eksena kagabi.

"Pathetic Bitch! Bakit ba hindi mo matanggap na ako na ang mahal ni Jade?" Nagpupuyos sa galit ang nobya ni Jade at susugurin sana siya nito, pero buti na lang at napigilan ni Jade ang nobya.

"Hindi ka niya mahal! Ako pa rin ang mahal niya!" Tumingin siya sa mga mata ni Jade at nginitian ang binata. "The way he kissed me, I know that he still loves me."

Ngunit ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay agad na naglaho nang marinig niya ang sinabi ni Jade.

"No, Anchelle. I told you, wala na akong feelings sa 'yo. Can you just leave us alone? Please do me a favor. Forget our past and please, just please move on!"

Paulit-ulit na rumirehistro sa utak niya ang mga katagang binitiwan ni Jade. Paulit-ulit din niyang nararamdaman ang tila pagpiga sa kaniyang puso na nagdulot ng labis na sakit sa bandang iyon.

Kahit gusto niyang maalala kung paano siya nakauwi sa kanila ay hindi niya magawa dahil tanging ang mga katagang iyon lang ang pumapasok sa utak niya. Kaya isinubsob niya na lang ang mukha sa kaniyang unan at ipinikit ang mga mata para muling makatulog.

Pinilit niyang makatulog, ngunit naglalakbay pa rin ang diwa niya. Kaya naman bumangon na lang siya at kinuha ang kaniyang laptop. Binuksan niya ito at naisipan niyang bisitahin ang account niya sa facebook. Matagal-tagal na rin kasing naabandona ang account niyang iyon dahil nakatuon lang ang oras niya sa pag-iisip kung paano sila magkakabalikan ni Jade.

Pagpindot niya sa log-in button ay hindi na siya nagulat sa sabog niyang notifications. Medyo tinamad siyang tingnan ang notifications niya kaya ini-scan na lang niya ang pagtingin dito. At nang nagsawa na siyang mag-scan ng notifications ay may naisipan siyang gawin. Pinindot niya ang search button at agad na itinipa ang pangalan ni Jade at sinimulan na niya ang pag-stalk sa account nito.

Gusto na namang madurog ng puso niya sa mga litratong nakabalandra sa timeline ng facebook ni Jade. Puro litrato ng dating nobyo at ng bagong nobya nito ang nandoon. Samantalang sa timeline niya ay mga litrato pa rin nila ni Jade ang naka-post.

Hinalughog niya ang mga album sa facebook account ng binata para tingnan kung hindi pa nito binura ang mga larawan nilang dalawa. Ngunit lalo lang siyang nasaktan nang makitang ni isang larawan nilang dalawa ay wala siyang makita dahil binura na. Hindi niya kayang tanggapin na basta-basta na lang nitong binura ang mga larawan nila. Na tila hindi nito iniisip na sa likod ng mga larawang iyon ay ang mga pinagsamahan nila, pati na rin ang masasayang alaalang binuo nilang magkasama.

Sumagi sa utak niyang siguro ay hindi na nga siya mahal ni Jade. Pero sa halip na tanggapin niya iyon at isipin na lang ang muli niyang pagbangon, mas inisip pa niya kung paanong makapaghihiganti sa ginawa ni Jade sa kaniya.

Umusbong ang namumuong galit sa puso niya. Dahil sa nag-uumapaw na emosyong nararamdaman niya ay naisipan niyang magpost ng status sa kaniyang facebook.

Am I that easy to forget? To be unloved? To be kicked out from your damn life? All I did was to love you with all my heart, yet it wasn't enough! Maybe I have to accept everything. But I'm not a saint. So, be ready with my sweet revenge!

Matapos niyang i-post ang status niyang iyon ay naglog-out na siya at pinatay ang laptop niya.

Nararamdaman niya ang papalapit na pagbagsak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Kaya pumikit muna siya at huminga nang malalim. Pinipigilan niya ang pagbagsak ng kaniyang luha. Sawa na siya. Sawang-sawa na siyang umiyak at masaktan.

Simula sa araw na ito, hindi na kita iiyakan, Jade! Hinding-hindi na. Bulong niya sa kaniyang isip.

Napadilat siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Inabot niya ito at nakita sa screen ang pangalan ni Ariel. Agad niya namang sinagot ang tawag nito.

"Rule one point eleven, don't internet-stalk with your ex or make plans nor revenge..."

Nang marinig niya ang litanya ng kaibigan ay hindi na siya nagdalawang-isip na putulin ang tawag nito. Ayaw niyang marinig ang sermon ng kaibigan. Dahil hindi rin naman uubra sa kaniya ang pinagsasabi nitong rules sa kaniya.

Isa lang ang naiisip niya ngayon. Kung ayaw nang bumalik ni Jade sa kaniya, sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng binata ang ginawa nito sa kaniya. Gusto niyang iparamdam kay Jade ang sobrang sakit na gaya ng ipinaramdam nito sa kaniya.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Nyaay! Si ate @jemzem naman! grabe mangbitin ng reader! Every other day is too long a wait for me!!! I demand additional days for the nobelampungan!!! Hahaha

#anyelforever
Hahaha

Hahaha. Sorry na mam @romeskie. 😅
Masarap din daw kasing mambitin paminsan-minsan. 😁😁
Saka gustuhin ko mang araw-araw ang update gaya ng dati, sa tingin ko, baka hindi ko rin masunod kasi dalawang nobelampungan na ang pino-post ko ngayon. Di bale, sa huli, sa 'yo naman si Ayel. 😂

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74