Paglalakbay sa Dako Pa Roon Ikalawang Linggo (Linggo): Ang Lalaking Una kong Minahal ang aking Ama

in #steemitdora6 years ago

Magandang buhay mga ka- #steemitdora😊😊😊

Ang pagsisimula ng panibagong yugto sa "Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon" ni @steemitdora araw ng Linggo ng ikalawang Linggo.

Ang unang lalaking aking minahal ay ang aking ama😊Kayo,sino ba ang unang lalaking inyong minahal?Sa tingin koy pare-pareho tayong lahat.😊Sila ang unang nag proprotekta at nagmamahal sa atin.Maski na tayo ay nagkakasala ng malaki sila ay naandiyan pa rin at handa tayong patawarin.
image
Malaki ang pasasalamat ko sa aking ama,sa kanyang walang sawang suporta at pagmamahal na binibigay sa akin.Kahit na minsan ay naiinis ako sa kanya.Dahil sa kanyang pagka pasaway.Opo tama ang iyong pagkakabasa.Siya ay pasaway minsan.Dahil na po siguro sa kanyang katandaan.May kasabihan nga na pag ang isang tao daw ay habang tumatanda nagiging pasaway ito.😊lol😊😊😊Ngayong susunod na buwan ika-5 ng taong ito,ay ang kanyang ika-62nd ng kanyang kapanganakan.Hiling ko lang sa diyos na bigyan siya ng magandang pangangatawan at ilayo sa kung anumang kapahamakan.Hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay ko na regalo sa kanya at kung ano ang gagawin ko sa kanyang kaarawan upang kahit papano ay mapasaya siya.😊Siguro ang isang munting salo-salo ay sapat na basta't kompleto kami sa aming hapag kainan sa araw na iyon.😊😊😊Mahal na mahal ko ang aking ama maski sino pa siya ay buong buo ko siyang tatanggapin at ipagmamalaki na siyay aking naging ama.😊

I Love you Papa ko😙😗😙

Hanggang dito nalang po muna mga #steemitdora. Ingat po kayo lage.Thank you and God Bless😊😊😊Love lots😘😘😘

Yours Truly,

@flordecar26

At para malaman ang buong detalye tungkol sa paglalakbay na ito e-click lamang ang link na ito:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-panibagong-simula-ng-ating-paglalakbay-98321f4417a47

Ang Aking mga "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ang Panibagong Yugto:(Unang Linggo)

Ang Aking mga "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ang Panibagong Yugto:(Ikalawang Linggo)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 59317.93
ETH 2530.37
USDT 1.00
SBD 2.47