Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon (Huwebes) :Ang Sasakyang Yaman na iniwan ng aming Lolo

in #steemitdora6 years ago

Magandang buhay mga ka- #steemitdora😊😊😊

Ang pagsisimula ng panibagong yugto sa "Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon" ni @steemitdora araw ng Huwebes.

Ang tawag sa "sasakyan" na ito ay bangka.Isa ito sa mga ginagamit ng kapwa natin sa paghahanapbuhay lalo na kung kayo ay naninirahan malapit sa karagatan.

image
Ang bangka na aking inuupuan ay bangka na pag mamay-ari ng aking lolo.Ang ama ni mama.Ang bangka na ito ay isang kayamanan para sa amin.Dahil ito ang siyang bumuhay kina mama at sa mga kapatid niya noon.At ng mawala si lolo,ang isang kapatid nila mama ang humawak nito dahil ito rin ang kasa kasama ni lolo noon sa paglaot niya.Ito ang hanapbuhay ng aking lolo.Malapit lamang sila sa dagat kaya ito ang kanilang pamumuhay.Hindi man kalakihan ang bangka na ito,malaki naman ang naitulong nito sa pang araw-araw nila mama noon.Matibay ito dahil kahit anong bagyo man ang pinag daanan nito ay bumangon at naging matatag ito.Kaya naman naabutan at nasakyan pa naming mga apo niya ang kayamanang iniwan niya.😊😊😊Lagi lang nating tatandaan na tayo ay magsumikap lamang,makukuha natin ang ating mga nais dahil:

"Makita lamang natin ang bunga ng ating mga pagsisikap,ay isa na itong yaman na ating maituturing na kailanman ay hindi mawawala"

Hanggang dito nalang po muna mga #steemitdora. Ingat po kayo lage.Thank you and God Bless😊😊😊Love lots😘😘😘

Yours Truly,

@flordecar26

At para malaman ang buong detalye tungkol sa paglalakbay na ito e-click lamang ang link na ito:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-panibagong-simula-ng-ating-paglalakbay-98321f4417a47

Ang Aking mga "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ang Panibagong Yugto:

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68225.97
ETH 3275.70
USDT 1.00
SBD 2.66