Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Panibagong Simula Ng Ating Paglalakbay

in #steemitdora6 years ago

image


Magandang buhay po sa lahat mga #steemitdora.

Malaki po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga manlalakbay pagkatapos ng ating matagumpay na paglalakbay sa mga nakaraan. Narito na po ang panibagong simula ng ating paglalakbay. Sa wakas eto ay akin mailalathala.

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakisabay at sa makikisabay pa sa paglalakbay.


Para po sa mga gustong sumabay sa panibagong simula ng ating paglalakbay ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.

Tayo na at magsimulang maglakbay bukas araw ng Lunes.

Sa loob ng isang linggo meron tayo iba't ibang litrato na ipapakita. Ito ay ating bibigyan buhay. Dapat sarili natin litrato hindi galing sa internet. Narito ang mga pagkakasunud-sunod kung anong litrato ang ating ibabahagi sa bawat araw ng ating paglalakbay.

Lunes - Sarili. Ang sarili ang pangunahing manlalakbay kaya laging kasama ang sarili sa lahat ng paglalakbay. Kung wala ang sarili, paano na lang ang paglalakbay? Lols. Ipakita ang angkin ganda. Sabihin ang nilalaman ng puso, masaya man o malungkot.

Martes - Orasan. Ang kahalagahan ng oras sa ating mga buhay .

Miyerkules - Kalendaryo. Ang mahahalagang petsa, araw, buwan at taon sa ating buhay.

Huwebes- Sasakyan. Kahit anong uri ng sasakyan na nagdadala sa atin paroroonan.

Biyernes - Gusali. Ilahad ang maganda o hindi magandang naidudulot sa ating buhay ng kahit anong uri ng gusali.

Sabado - Ilaw. Ipakita ang ibat't ibang pinanggagalingan ng ilaw at ilahad ang kahalagahan nito.

Linggo- Selfie kasama ang isang tao na mahalaga sa iyong buhay. Ilahad ang relasyon mo sa kanya at kung gaano siya kahalaga sa iyo.


Mga Paalala:

  1. Huwag po natin kalimutan na isama sa atin pamagat ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon. Saka isama natin sa pamagat kung anong araw ng paglalakbay.
  2. Ang unang tag na atin gagamitin ay #steemitdora upang tayo'y hindi magkalituhan at hindi magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay.
  3. Sa loob ng isang linggo dapat isama ang link sa bawat paglalakbay para madaling makita kung kompleto ang isang buong linggong paglalakbay.
  4. Isama ang link ng post na eto sa bawat araw ng paglalakbay.

Meron gantimpalang makukuha ang makakakompleto sa bagong yugto ng paglalakbay. Konting gantimpala lang naman 😀 na galing kay @steemitdora dahil siya ay nagsisimula pa lang maging parte ng pang araw-araw nating pamumuhay o paglalakbay. Malay natin sa pagdating ng araw maging lingguhan at lumaki ang pagbibigay ng gantimpala ni @steemitdora. 😀

Everyone can check it here on how @steemitdora started.

@steemitdora been created to help and support each members in Steemitserye and Steemitdora Full Force.

image

Anyone can be #steemitdora. You can join our growing Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord Channel.

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! 😀💖

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

So what are you waiting for! See you on board.

Love lots,

@steemitdora 😀💖

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68183.21
ETH 3545.21
USDT 1.00
SBD 2.82