Paglalakbay sa Dako Pa Roon Ikalawang Linggo (Huwebes,Biyernes at Sabado):Walang pahingang paglalakbay sa loob ng tatlong araw

in #steemitdora6 years ago

Magandang buhay mga ka- #steemitdora😊😊😊

Ang pagsisimula ng panibagong yugto sa "Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon" ni @steemitdora araw ng Huwebes,Biyernes at Sabado ng ikalawang Linggo.

Dahil sa sobrang kabisihan sa life di ako naka paglakbay ng tatlong magkakasunod na araw😊.Kaya sa paglalakbay kong ito susulitin at babawiin ko ang mga araw na hindi ako naka paglakbay.😊😊😊

Huwebes

- simulan na natin ang walang pahinga nating paglalakbay.Ihanda na natin ang ating sasakyan.😊Dahil hindi naman masyadong mahaba ang ating paglalakbay yan na muna ang gagamitin natin.Sa hindi pa nakakakilala o nakakakita ng ganyan yan ay isa sa mga transportasyon namin dito sa aming bayan.Ang tawag niyan dito sa amin ay "tricycle" na ang tawag naman sa iba ay "pedicab o padyak". Dahil ang alam natin ang tricycle na kilala ng marami sa atin ay may makina.Pero itong sa amin ay wala.Kelangan padyakan para gumalaw.Oh tama na yan.Halina kayo at sumakay na para mapuntahan na natin ang ating destinasyon.😊
image

Biyernes

- Sa ilang minuto o oras ng ating paglalakbay sa daan narating din natin ang gusaling ito.Nitong mga nakaraang araw yong batang inalagaan ni mama ay panay ang pananakit ng ngipin.Sobrang awang-awa kami ng nakikita namin siyang umaaray sa sakit.Napag usapan namin at ng kanyang ina na iyon ay ipabunot,pero sa kabilang dako natatakot din ang kanyang ina,dahil baka di nito makayanan ang sakit.Kaya napag desisyonan nalang na wag nalang ipabunot.At thank you lord nawala din naman ang sakit nito.Pero paminsan-minsan ay sumasakit din daw ulit.
image
Ngayon naman ay pumanhik na tayo ulit sa ating sasakyan.At magsiuwian na tayo dahil mag-gagabi na.

Sabado

- Tayo ay nakarating na sa ating mga tahanan.Pailawan na natin sapagkat madilim na.At ng tayo ay makapagsimula na ng ating mga gawaing bahay.At sa di inaasahang pangyayari nawalan ng kuryente.Oh no!!!'black out"Pano tayo nito makaka galaw kung madilim ang ating paligid.Haixt.Buti nalang at may mga alternatibo tayong mga ilaw.Tulad nitong "emergency light"😊Malaki ang naitutulong nito sa atin.Hindi kasi ito delikado,di tulad ng lampara at kandila na maaaring makasunog kapag hindi nabantayan.Ito kasing emergency light pwedeng iwan.Pero ito ay hindi nag lalast ng matagal may limit ito kung ilang oras lang pwede,at ma lolowbat na siya.Kaya e chacharge ulit ng ilang oras din.Saka gagana na naman ito.
image
Oh tapos na ang walang pahinga nating paglalakbay sa loob ng tatlong araw.Patayin na natin ang ilaw at tayo ay magtulugan na at magpahinga.Dahil bukas ay panibagong paglalakbay na naman mga #steemitdora.😊😊😊

Ang lahat ng ito,sa paglalakbay natin ay halos maihahalintulad natin sa ating mga buhay.Kung e susummarized ko ito.

*"Ito ay ang pagpapahalaga sa kung ano ang meron tayo.Malaki man ito o maliit."😊😊😊

Hanggang dito nalang po muna mga #steemitdora. Ingat po kayo lage.Thank you and God Bless😊😊😊Love lots😘😘😘

Yours Truly,

@flordecar26

At para malaman ang buong detalye tungkol sa paglalakbay na ito e-click lamang ang link na ito:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-panibagong-simula-ng-ating-paglalakbay-98321f4417a47

Ang Aking mga "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ang Panibagong Yugto:(Unang Linggo)

Ang Aking mga "Paglalakbay sa Dako Pa Roon" ang Panibagong Yugto:(Ikalawang Linggo)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66