Pagbubuwis -- Susi sa Kaunlaran

in #pilipinas6 years ago

Hindi po ako eksperto sa batas, o sa ekonomiya, ngunit dahil sa pagkabigla ko sa itinaas ng presyo ng sopdrinks, mula otso pesos ay naging kinse pesos ang maliit na bote. Kaya minabuti kong magbasa para naman maeducate ang lola mo.

Train Law

Nilagdaan ng Pangulong Duterte noong Disyembre 19, 2017 ang isang batas na tinaguriang TRAIN bill (RA No 10963), ito ang unang tax reform package para sa isang mas simpleng pagbubuwis ng mga madlang Pilipino. Ang TRAIN ay acronym para sa Tax Reformation for Acceleration and Inclusion (Train).

Ramdam na ba ng mga Pinoy ang batas na ito? Malamang sa hindi, oo ramdam na ito. Kasabay ng pagpagpapalit ng kalendaryo ang pagsasabatas nito. Ang tanong, apektado ba ako nito?

tax-468440_960_720.jpg
Source

Una.

Kung sa isang taon ay sumusweldo ka ng P250,000.00, magbunyi! Dahil inalis ng nasabing batas ang dating kaltas sa iyo na 5% hanggang 32%. Kaya mula ngayon 2018, ang perang pinaghinarapan mo, hindi na makikiparti pa ang gobyerno. Iyong-iyon na yan.

Ang nakakatuwa pa diyan, exempted na ding mula sa buwis ang iyong mga bonus, kasama na riyan ang 13th month pay. Yahoo!

Ngunit, sa karaniwang Juan na sumusweldo ng kulang ng sampung libo bawat buwan, ano naman kaya ang ikasasaya niya sa bagong batas na ito dahil dati pa naman ay walang ikinakaltas sa karampot na sinusweldo nia.

man-2831505_960_720.png
Source

Pangalawa.

Ang masakit pa sa isa karaniwang Juan ay ang ipinatong na karagdagang buwis sa produktong petrolyo Madagdagan daw ng walong piso bawat litro sa taon na ito. Para naman sa diesel at kerosin, na dati'y walang karagdagang buwis, ngayon ay mayroong dagdag na P2.50 hanggang P3 bawat litro. Gayundin naman sa LPG na merong dagdag piso bawat litro. Unti-unti, pataas ng pataas ang presyo ng mga ito hanggang sa taong 2020.

Hindi naman na sekreto na sa oras ng tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, sunod-sunod na din magtataasan ang iba pang pangunahing bilihin. Yun ang masakit.

coins-1015125_960_720.jpg
Source

Isa pa, para sa isang Pinoy na pinapangarap magkaroon ng sasakyan, malamang ay mananatiling isang pangarap na lang ito. Liban na lang kung isang master dito sa Steemit. O pwede rin dalasan ang obertym o maghigpit pa lalo ng sinturon upang makabili ng sarili mong sasakyan. Dahil nga merong karangdagan patong na buwis ang mga sasakyan, dapende kung gaano kamahal ang balak mong bilhin. Mas mahal, syempre pa mas malaki ang buwis.

Pangatlo.

Kung ikaw ay mahilig sa softdrinks na dapat meron kang Kasalo tuwing kakain ka, or kaya naman ilang pakete ng yosi ang nahihithit mo sa araw-araw, malamang isusumpa mo na naisip pa nila ang batas na ito.

Ang sabi, lahat ng de-asukal na inumon ay kabilang na magmamahal. Ngunit napag-alam ko na hindi naman pala kasama ang mga miilk products, pati na ang kape at natural juices.

Kaya naiisip ko na isa sa magandang maidudulot ng TRAIN law ay ang paghinto ko sa pag-inom ng softdrinks. Hindi din naman ito mabuti sa kalusugan. Ganun din para sa mga naninigarilyo, maiging dahilan ang pagtaas ng presyo na tuluyan ng alisin ang bisyong ito.

Ano na ang kailangang gawin?

Isa ka man sa sumusweldo ng higit P250,000 o hindi, nanalo ka man ng lotto o hindi (sa bagong batas nga pala ay makikibalato na ang gobyerno sa mga nanalo ng lotto ;D), balak mo man bumili ng bagong sasakyan o hindi dahil meron ka ng sasakyan, nagluluto ka man sa gasul o kuryente o panay ang kain sa labas, paniguradong apektado tayo dahil tayo ay mamamayan ng bansang ito. Marapat lang din naman na makipagtulungan tayo sa pag-unlad ng ating bansa.

BUWIS na inyong binabayaran susi sa patuloy na KAUNLARAN

27951522_10214783471596722_617813004_o.jpg

Yang tarpaulin po na yan ang nakasabit sa aming munisipyo. Marapat po lamang na magbayad po tayo ng tamang buwis, at sa tamang oras upang maiwasan ang mga penalty.

Sa mga panahong ito, totoong hindi madali ang kumita ng pera. Kaya maging WAIS sa paggastos ang maglaan para sa hinaharap.

Anupat, aahon din tayo. Mabuhay!

credit-squeeze-522549_960_720.jpg
Source


You can check my recent posts:
Street Photography: Balloon Kinda Day
#positivevibes: Today is Fri-yey!
Ginabot Poetry: No Sugarcoating GINA
Minnow Writing Contest: HUSH
My2018: A Tour Around My Town - A Dose of Vitamin Sea in My Hometown
Poetography Contest: The Power of the Beach

27661506_1763309150359627_952583358_n.jpg

Brother Terry a.k.a. @surpassinggoogle has been a supportive and kind person. So I give my support to him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses.

You can do the same by voting him HERE Type in "steemgigs" at the first search box. Or you can give him witness voting decisions on your behalf, by typing in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

I also support his project @teardrops SMT.

Sort:  

Napakahusay. Napakagandang impormasyon. Tunay ngang ramdam ng mga Pilipino ang pagbabago, lalo na ang mga iba na mahilig uminom ng softdrinks at nagbabalak na bumili ng sasakyan (master). 😁

Naintindihan kaya to ni ets ar wan 😂😂😂 tubig galing sa balon lang iniinom ko kaya hindi ko alam tax tax 😂

This post has received a 1.04 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Thank you yadah04 for making a transfer to me for an upvote of 2.35% on this post!

Half of your bid goes to @budgets which funds growth projects for Steem like our top 25 posts on Steem!

The other half helps holders of Steem power earn about 60% APR on a delegation to me!

For help, will you please visit https://jerrybanfield.com/contact/ because I check my discord server daily?

To learn more about Steem, will you please use http://steem.guide/ because this URL forwards to my most recently updated complete Steem tutorial?

You got a 4.75% upvote from @allaz courtesy of @yadah04!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64689.90
ETH 3450.92
USDT 1.00
SBD 2.50