Tula # 7: 4:45 [Filipino Prose Poetry Series]

in #pilipinas7 years ago (edited)

Ito ang pampitong paglalathala sa seryeng: "Tula".


by @deveerei | Orihinal na katha: Unang inilathala sa Wordpress

4:45

Ika-pito ng Marso. Dalawang libo at labing-anim. 45 minutes pagkatapos ng alas-kwatro ng hapon.

‘Sorry we need to talk. Parang… ayaw ko na muna ng commitment.’

Well, hindi naman ako tanga, ang tali-talino ko nga eh, oo na self-proclaimed genius na. Pero ano’ng gagawin ko kung ganun talaga? Kung ang dali-dali kong ma-gets yung mga bagay-bagay. Kung andali-daling intindi na sa araw-araw na nagagawa mo’kong tipirin, na sa araw-araw ay nagagawa mong baliwalain yung mga pagtatampo ko, yung mga ka-sweetan kong wala na masyadong epekto.

Yung kayang-kaya mong ipamukha sa akin na ‘Ay, ikaw lang yan. Eto, sila to. Siya ‘to. Pag ikaw, okay lang, sige lang. Stay put ka lang, dyan ka lang’…
‘Babaliwalain muna kita… Saglit lang naman.’
‘Hindi naman gano’n katagal yung pagsasama natin, apat na taon lang.’ Lima nga kung tutuusin. Hindi naman gano’n kaimportante yun, hindi naman gano’n kalalim. Sila o siya, well hindi ako sure. Bago lang, pero ayos, masaya.
‘Pag sa piling nila nagagawa ko yung gusto ko. Hindi ako kinakain ng sistema. Wala kasing sistema. Hindi katulad ng sa ‘yo: bawal ‘to, bawal ‘to, at bawal ‘to. Hindi pwede ang daming hindi pwede. Sa kanila: ayos lang. Magaan. Masaya…’
‘Masaya nga ba?’
‘Oo, masaya.’
‘Kasi?’
‘Ewan.’
‘Kasi nga?!’
‘Siguro dahil wala ka.’

Yung kayang=kaya mong sagutin yung mga tawag, replyan yung mga message habang ako natingin at nakatitig lang sa’yo habang inaatupag mo yung mga yon kasi… hindi ko alam. Nagtatampo ‘ko, nagtatanong, nagtataka, kung bakit gano’n. Bakit pag hindi kita kasama, pag hindi kita katabi, pag wala ka sa piling ko parang ambilis-bilis mag=apply sa’yo ng ‘Out of sight, out of mind’.

Gano’n na lang ba kaliit yung halaga ko sa’yo?
Gano’n na lang ba kaliit yung inuukupa ko dyan sa puso mo.

Kasi bakit parang andali-dali. Andali-daling itapon, ‘Yun lang naman yon’. Andali-daling ibaon sa limot, di ba wag ka nang masyadong mayamot hindi naman kasi gano’n kaimportante, hindi naman gano’n kahalaga kasi nga hindi ka na importante at wala ka ng halaga…

Pabawag nang pabawas. Nung una subtle hints lang: bawas-bawas ng paramdam, bawas-bawas ng reply, unting tanggal ng ka-sweetan, unting bawas sa oras. Tapos, small hints: palala nang palala, sa bawat oras na lumilipas unti-unting nawawala; pabawas nang pabawas sa bawat pagpikit ko sa kinagabihan at sa paggising ko pagdating ng bukas. Bigger hints? Stronger hints? Wala ng endearment, wala ng ‘I love you’, wala ng updates, wala ng ‘Andito na’ko’, wala ng ‘Papasok na’ko’, wala ng ‘Kakain lang ako saglit’, wala ng yakap… wala ng halik. Samantalang ako, eto pa rin patuloy na nagpapakatanga at nananabik. Effortless? Blunt? Blow? Ewan kung anumang tawag do’n, nauubusan na ako ng ingles.

4:45pm, pinipilit kong matulog. May pasok pa’ko in 6… 7 hours. Gigising ako within… 5 hours na lang. Yun na lang yung itutulog ko. Maghahanda pa’ko ng mga gamit.
4:45 ng hapon, yung petsa March 7, taong 2016. 2016 na, imaginin mo yun? 5 years, 5 years na kitang kilala, 5 years na kitang kasama, 5 years na kitang minamahal…
4:45pm, sabi mo, ‘Sorry kailangan nating mag-usap, para kasing ayaw ko na ng commitment’.

Wala pang 4pm, siguro mga alas tres pa lang, alas dos. Hindi mapakali, bakit parang may mali. Nagtatampo. Asan na? Napano na? Asan na yung mga reply na hinihintay ko? Asan na yung mga bagay na dati-rati’y kusa.
Mga alas tres: di ba dapat nagmamadali ka nang kunin yung telepono mo? Nagmamadali ka nang sagutin yung tawag ko, kung meron man. Nagmamadali ka nang replyan yung mga mensahe ko sa’yo sa mga nakalipas na siyam na oras na busy ka. Gano’n yun dapat di ba? Kasi ako tandang-tanda ko pag naghahabol ako: kukunin ko yung telepono baka sakaling may hindi ako nareplyan. Babasahin ko isa-isa yung mga mensahe para siguradong meron akong masasagot meron akong hindi mababalewala. Minsan nga mukha na’kong tanga kasi naghahanap ako ng signal sa kakarampot na 15 minutes lang na break ko nagmumukha akong ewan. Bakit kasi walang signal? Yuyuko. Magtataas ako ng kamay. Para lang maiparating ko sa’yo na ‘eto na break ko na’, na itetext na kita. Minsan nga mababangga na lang ako sa poste, mabubunggo na lang ako ng jeep, masasagasaan na lang ako ng trak kasi kausap kita. Priority ko yun eh. Yung maparamdam sa’yo na kahit papano, kahit andami-dami kong ginagawa kahit ang busy-busy ng mundo ko, kahit hirap na hirap na’ko sa lahat ng bagay… ikaw. Ikaw yung iniisip ko, ikaw yung lagi-laging nasa puso ko, ikaw yung pinagtutuunan ko ng pansin. Ikaw yung inspirasyon ko. Ikaw. Ikaw eh. Ikaw yung girlfriend ko. Ikaw yung minamahal ko.

Alas kwatro: wala pa rin. Paranoid na. Nagagalit na. Nagtataka na. Anon’g meron?! Wala ka bang load, tumatawag naman ako bakit hindi mo masagot? Hindi naman pangit yung cellphone mo, yung cellphone mo yun yung tipong hindi mo bibitawan kasi astig e, maganda.

4:45pm. Ano na tayo? Wala. Wala na naman? Ayaw mo na naman sa akin sa paulit-ulit na pagkakataon. Hindi ko nga alam kung ano ng ieexpect ko kasi bakit… bakit lagi na lang gano’n? Andali-dali para sa’yong basagin yung puso ko. Andali-dali para sa’yong wasakin yung damdamin ko? Andali-dali para sa’yong sabihing, ‘Hindi na kita mahal’, ‘Paalam’, ‘Ayoko na’. Bakit andali naman sa’yong iwan lahat ng ginastos natin sa kahapon. Inaamin ko minsan sumusuko din ako pag pagod na’ko, pero ni minsan hindi ko sinabi sa’yo na hindi kita mahal. Kasi sa sobrang dami man ng bagay na umuubos ng lakas ko, na kumakain sa oras na dapat itinutulog ko na dapat ibinibigay ko sa’yo. Sa dami-dami ng kasinungalingan sa mga bagay sa mundo. Sa dinami-dami ng hindi masaya, ng malungkot, ng galit, ng poot, ng kung anu-ano mang emosyon na negatibo. Isa lang kasi yung pinaghahawakan ko: yung katotohanan na mahal kita at… mahal mo rin ako. Di ba? Mahal mo rin ako di ba?

Alas kwatro: nagmumukhang tanga, nakahiga sa ibabaw ng kama sa loob ng kwarto.
Kwarenta: iniisip kung saan, kung bakit, kung ano… Andami-dami kong naiisip na saan, bakit at ano ang mga pagkakamali pero sapat ba yong lahat para sabihin mong ayaw mo na, wala na tong kwenta.
Singko: Singdali ba ng bawat pagkumpas ng kamay ng orasan ang sabihin mong… iiwan mo na… ako?

4:45 ng hapon, sana panaginip lang ‘yon.


Maraming Salamat!


Thank you so much!

Mga kababayan! Ang post na ito ay pagpapahayag ng aking intensyon na lumago pa lalo ang komunidad natin sa Steemit. Sinadya kong palalimin ang Filipino ko sa post na ito. Hinihikayat ko kayong gumawa ng mga blog post na nasa sarili nating wika o mga wikang gamit sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano, Bikolano, atbp.) na nagpapakita ng katangi-tangi nating kultura: kasama rito ang magagandang tanawin, literatura, sining, at kung ano pa mang pangkas na maiisip nyong isulat. Ilathala ito sa Steemit at gamitin natin ang mga tag na #pilipinas o #philippines. Pilipinas para sa mga post na nasa wika natin at Philippines para sa mga post na nasa Ingles. Kung maaari - maglagay ng pagsasalin sa Ingles.

Simula sa araw na ito, sa loob ng pitong araw o isang linggo, maglalathala ako ng pitong tula sa Steemit. Pindutin lamang ang 'Follow' upang sundan ang progreso ng initiative na ito. Marami akong nakikitang mga post na tinatangkilik at sinusuportahan kahit na nasa lokal na wika. Ipinakikita lamang nito na ang mga Pilipino ay may natatanging kakayahan na kinikilala hindi lang ng ating mga kababayan ngunit pati na ng buong mundo.

For my international readers, I apologize for I am unable to translate this literary work into English. It was written in Filipino and not all words and phrases work when translated - it may also lose its emotions if I try to translate it.
This is an original work authored by @deveerei, posted originally in Wordpress (View it here), impromptu, recorded real time, no drafts.
Photos use in this post "4:45" is from Source.

Any comments? Thoughts about my piece? I'll gladly accept that on the comment box below! Have a great day Pinoys!


Tula #1: Huling Paalam
Tula #2: Adobo
Tula #3: Walang Laman
Tula #4: Pangakong Ikaw at Ako
Tula #5: Late Ka Na Naman
Tula #6: Tula habang Gutom





Sort:  

Makalaglag puso ito!

Yo sir, maraming salamat sa pagbabasa. :)

Great job finding my blog @cheetah. I love that so much but I lost access to it. :( @anyx

nice post...
upvoted and followed...!!!

Thank you so much!

The poem was a very well-written one. It is about relationship and commitment with two lovers.

Thank you so much sir. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 55994.69
ETH 2375.77
USDT 1.00
SBD 2.31