Tula #4: Pangakong Ikaw at Ako [Filipino Prose Poetry Series - A Lovely Song]

in #pilipinas7 years ago

Ito ang pang-apat na paglalathala sa seryeng: "Tula".

Alam mo ba yung kantang ‘Ikaw at Ako’? Yung nagsulat/kumanta nun ay si Johnoy Danao. Grabe yung kantang yun, unang beses ko pa lang marinig tagos na. Alam mo yung sa sobrang ganda ng kanta, nakakaibig, pero nakakalungkot din. Paanong nakakalungkot? Subukan mong pakinggan yung kanta habang sawi ka sa pag-ibig, ewan ko na lang kung hindi ka maluha. Pero kung maayos naman yung kalagayan ng puso mo, siguro mararamdaman mo yung sincerity nung kanta. Pinaiyak ako ng kantang to, pinaalala din nya sa akin kung paano at gaano kaimportante ang magmahal ng tama, ng sapat, ng katanggap-tanggap, at ng totoo. Maraming salamat Mr. Danao.

Eto nga pala ang sulat ko hango sa kanta mo:


1.png
by @deveerei | Orihinal na katha: Inilathala sa Wordpress

‘IKAW AT AKO, PINAGTAGPO. NAG-USAP ANG ATING PUSO. NAGKASUNDONG MAGSAMA HABANGBUHAY.’

Tayong dalawa, magkaibang-mundong nag-krus ang landas at nagkabanggaan. Hindi inakala ng isa’t isa na sa puso ang pagkakataong yon ay di malilimutan. Tila biniro tayo ng tadhana sa isang napakagandang paraan. Sinadyang pagtagpuin at pagkitain ang mga paningin. Mga puso nati’y nahulog sa unang pagkakataon. Sinubukang abutin ang bawat isa sa takbuhan ng buhay, at nagkasundong mananatili sa piling ng bawat isa mula sa araw na yon, hanggang sa panghabangbuhay.

‘NAGSUMPAAN SA MAYKAPAL: WALANG IWANAN, TAG-INIT O TAG-ULAN. HAHARAPIN BAWAT UNOS NA MAG-DAAN.’

Nangako. Nagbitiw ng mga salitang sa Maykapal ay ipinalathala. Hindi natin iiwan ang isa’t isa. Hindi natin bibitawan ang nasimulan nating pag-iibigan. Ano man ang panahong dumating, kaya nating lagpasan. Sa masaya mang pagkakataon o kahit sa kalungkutan, nandirito ako para sa’yo at nariyan ka para sa akin. Wala tayong pagsubok na hindi haharapin, walang balakid na di kakayanin, walang hadlang na hindi bubuwagin.

‘SANA’Y DI MAGMALIW ANG PAGTINGIN. KAYDALING SABIHIN , KAYHIRAP GAWIN’

Pag-iibigan at pagtitinginan pipiliting hindi mawala, maglaho, kumawala. Ikukulong natin ang isa’t isa sa sarili nating mundo na tayo lamang ang makakaintindi at makakaalam. Gagawa tayo ng pinakamatatamis na alaalang mahirap na kalimutan, mahirap mawaglit sa isipan. Mahirapan man tayong gawin ang mga nasaad, ay kakayanin nating ipilit at ipaglaban. Patutunayan sa buong sansinukob na tunay ang pag-iibigang pinagsasaluhan. Madali mang sabihin, ipahiwatig, kailangan nating ipamukha sa mundo. Hindi sapat na maririnig mo lang o maririnig ko; ipapakita, ipaparamdam, ang lahat ng ipinapangako.

‘SA MUNDONG WALANG KATIYAKAN. SABAY NATIN GAWING KAHAPON ANG BUKAS.’

Alam kong hindi naman talaga tayo sigurado sa lahat ng mga desisyong pinaggagawa natin, mga bagay at mga taong pinipili natin. Nagkakamali minsan dahil akala natin merong mas matimbang, meron mas makagagaanan natin ng kalooban, pero hindi pala. Kasi mas masakit yung mawalay tayong dalawa sa piling ng isa’t isa. Alam kong hindi tiyak ang hatid ng bawat ikot ng mundo. Alam kong walang kongkretong pagsasadula ng mga buhay natin. Gayunpaman, hindi nating hahayaang mawaglit sa ating mga damdamin ang pag-iibigang alay sa isa’t isa. Gayunpaman, sabay nating tatanawin at sasalubungin ang bawat parating na bukas na naghihintay lamang sa atin na gumawa ng mga hakbang, mga kilos, mga sakripisyo, mga bagay na unti-unting pipinta ng larawan ng ating tadhana.

‘IKAW AT AKO, PINAG-ISA… TAYONG DALWA MAY KANYA KANYA… SA ISA’T-ISA TAYO AY SUMASANDAL.’

Tayong dalawa. Dalawa tayo noon, ngayon naging isa. Pinagsalo ng pagkakataon, pinagbuklod ng kalawakan, pinagbuhol ng mga makatang salita na binubulong ng ating mga bibig. Hindi natin pinlano pero hindi na natin napigilang wag sunggaban yung pagkakataong inihain sa tapat natin. Akala ko nga, mananatili na lang na hiwalay ang isang ikaw at isang ako pero dumating yung oras na sa’yo na ako nakasandal, at sa akin ay ikaw. Hindi na natin magawang lumayo sa isa’t isa. Hindi ko na makayanang mamuhay ng wala ka. Hindi ko na alam ang ibig sabihin ng mag-isa. Kasi pinunan mo yung kalahati ng pagkatao ko. Dinoble mo yung kahulugan ng buhay ko.

‘BAWAT HANGAD KAYANG ABUTIN. SA PANGAMBA’Y DI PAAALIPIN. BASTA’T IKAW, AKO… TAYO MAGPAKAILANMAN.’

Wala tayong planong hindi papangarapin. Wala tayong pangarap na hindi tutuparin. Wala tayong matutupad na hindi natin ipapangako sa isa’t isa, na habangbuhay na lamang na pagsasaluhan. At habangbuhay na rin nating mababatid na kung tayo ang magkahawak kamay sa bawat paglalakbay ay kaya nating magkaron ng maligayang buhay. Kung may mga bagay man na nakakapangamba, kung meron mang mga nasusulyapang maaaring ikaduda, hindi natin sila panghahawakan, hindi natin sila hahayaang alipinin ang puso nating laan para sa isa’t isa. Basta, ipinapangako ko sa’yo, at ipangako mo rin sa akin na ikaw lang, at ako lang, at tayo lang ang magsisilbing araw at gabi sa mundo ng isa’t isa, ang pupuno sa oras ng magpakailanman na ating pagsasaluhan.

‘KUNG MINSAN AY DI KO NABABANGGIT: PAG-IBIG KO’Y DI MASUKAT NG ANUMANG LAMBING…’

Wala namang sukatan yung pag-ibig na kayang ibigay, kayang ialay. Ang nararapat lang na gawin ay patuloy itong iparamdam, at ipaalam. Kung minsan tahimik man ako at tila hindi ko naisisigaw sa mundo kung gaano kita kamahal, wag mag-alala. Sapagkat sa puso kong ito ay pag-ibig ko lang para sa’yo ang isisigaw. Walang anuman bagay sa mundo ang sa dipa ng pag-ibig kong ito ang makapupukaw. Kung susukatin man natin gamit ang anong instrumento ay hindi maaari. Kung bibilangin man natin sa pamamagitan ng mga paglalambing ay di magwawagi. Matatalo tayo sapagkat ang pag-iibigan nating ito, ang pag-ibig na laan sa’yo lamang, ay hindi natin masusukat. Hindi ito mauubos, hindi mauupos. Hindi rin magkakapos at lalong hindi ito matatapos.

‘AT KUNG MAGKAMALI AKONG IKA’Y SAKTAN… PUSO MO BA’Y HANDANG MAGPATAWAD?’

Inaamin ko sa’yo na hindi naman talaga ako perpekto. Ang kaya ko lang ibigay ay ang kabuuan at kalahatan ko. Minsan kinakapos, minsan ay di talaga umaabot. Kaya madalas mga init ng ulo’y nagpapang-abot. Hindi nga ba at minsan ay umaabot na rin sa pagkapoot. Gayunpaman aking ipinapangako na sa mga susunod na pagkakataon ay iiwasan kong ika’y paluhain at di sadyang masaktan. Iiwasan kong magkamali, at matuto na kaagad. Kung dati man ay nagawa kong kalimutan yung mga pangako natin sa isa’t isa, ako sana ay iyo nang napatawad. Kung minsan mang tumakas sa isipan maski hanggang sa puso ang pag-iibigang handog, ang pag-iibigang; alay nais kong bumawi at ibigay muli sa iyo nang buong puso ang pag-iibigang ipinangako.

‘DI KO ALAM ANG GAGAWIN KUNG MAWALA KA. BUHAY KO’Y MAY KAHULUGAN TUWING AKO’Y IYONG HAGKAN. UMABOT MAN SATING HULING HANTUNGAN, KAPIT-PUSO KITANG HAHAYAAN… NGAYON AT KAILANMAN, IKAW AT AKO.’

Sa mga nakalipas na taong ginugol ko para sa’yo. Sa mga nagdaang ilang libong araw na masaya ako sa piling mo. Tila hindi ko na alam, kung darating man yung pagkakataong ika’y mawawalay, ang maaari kong gawin. Siguro magmumukmok na lamang sa isang sulok, sa isang tabi. Hahayaan na lamang lahat ng bagay ay isasatabi. Ang puso kong ito ay tumitibok dahil sa’yo, isa akong salitang walang kahulugan kung wala ka. Sa tuwing ako’y iyong hahagkan, yayakapin, hahalikan ay nagkakaron ng sigla, ng apoy, ng buhay, ng pag-ibig, at pag-asa. Ikaw ang nagsilbing araw sa umaga, tala at buwan sa gabi, ang nagsilbing buong kalawakan, ikaw ay nag-iisa. Walang maihahantulad sa’yo. Ikaw lamang ang hangad ng isang simpleng taong katulad ko. Sa mga nakalipas na taon at sa mga susunod pa, na alam ko at nanaisin ko na magtagal na panghabangbuhay, puso natin ay magkahawak at magka-akbay. Ngayon… Tayo ay nasa piling ng isa’t isa. Hanggang sa kailanman… Hindi mawawalay at hindi tatamlay ang pag-iibigan nating dalawa. Dahil dalawa lang ang bida sa istoryang naisulat, ikaw at ako. Dahil dalawa lang ang kailangan natin, pag-ibig mo at pag-ibig ko.


Maraming Salamat!


Thank you so much!

Mga kababayan! Ang post na ito ay pagpapahayag ng aking intensyon na lumago pa lalo ang komunidad natin sa Steemit. Sinadya kong palalimin ang Filipino ko sa post na ito. Hinihikayat ko kayong gumawa ng mga blog post na nasa sarili nating wika o mga wikang gamit sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano, Bikolano, atbp.) na nagpapakita ng katangi-tangi nating kultura: kasama rito ang magagandang tanawin, literatura, sining, at kung ano pa mang pangkas na maiisip nyong isulat. Ilathala ito sa Steemit at gamitin natin ang mga tag na #pilipinas o #philippines. Pilipinas para sa mga post na nasa wika natin at Philippines para sa mga post na nasa Ingles. Kung maaari - maglagay ng pagsasalin sa Ingles.

Simula sa araw na ito, sa loob ng pitong araw o isang linggo, maglalathala ako ng pitong tula sa Steemit. Pindutin lamang ang 'Follow' upang sundan ang progreso ng initiative na ito. Marami akong nakikitang mga post na tinatangkilik at sinusuportahan kahit na nasa lokal na wika. Ipinakikita lamang nito na ang mga Pilipino ay may natatanging kakayahan na kinikilala hindi lang ng ating mga kababayan ngunit pati na ng buong mundo.

For my international readers, I apologize for I am unable to translate this literary work into English. It was written in Filipino and not all words and phrases work when translated - it may also lose its emotions if I try to translate it.
This is an original work authored by @deveerei, posted originally in Wordpress (View it here).
Photo used in the title banner "Pangakong Ikaw at Ako" is an image sourced by looking up roses in google.com, unable to find exact page source, all copyrights to respective owners.

Any comments? Thoughts about my piece? I'll gladly accept that on the comment box below! Have a great day Pinoys!


Tula #1: Huling Paalam
Tula #2: Adobo
Tula #3: Walang Laman





Sort:  

So romantic dev. Pwede tong gawing kanta, okay lang ba? Ask ki si jovey if may time siya, mahilig siya mag compose ng song

Thanks Gil. Well, kanta na talaga yung mga nasa blockquote. Not sure if pwede gawin kanta yung mga sinulat ko? Maybe alam ni @bonjovey.

your original work is better! keep it up. am sure jovey won't mind. She'll be happy to know =)

Thanks for your kind words @purepinay! :)) Really makes me smile.

Walang anuman. Cheetah is doing its bot duties!

Yes, I messaged @anyx about it too. Since source is also owned by me. :) Anything that has 'deveerei' in it is mine, haha.

Awts buti di ako nagaganyan ng bot na yan from luvabi.com haha baka hindi nagogoogle search blog ko lol.
masyadong ginalingan, is akang alamat @deveerei

Ang kulit nga e - kasi ang nilagay kong source Wordpress lang, pero originally sa tumblr, nakakatamad lang hukayin tumblr ko.

Hala dpt pala parateng may
Originally posted on ___
Lagyan ko nga latest post ko.

Yes, dapat meron lagi. Disclaimer, in case Cheetah.

Salamat! Salamat!

A for effort :D

Salamat! :)

ganda na man... meron rin akong mga tula in Filipino at bisaya na ginawa ko noon... Mahanap nga at maipost dito... hihihi^^

Salamat. :) Tama yan, maganda mag-share.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.18
JST 0.031
BTC 86390.02
ETH 3257.29
USDT 1.00
SBD 2.93