Tula #1: Huling Paalam [Filipino Prose Poetry - Encouraging Pinoys to Write in Filipino]
Mga kababayan! Ang post na ito ay pagpapahayag ng aking intensyon na lumago pa lalo ang komunidad natin sa Steemit. Sinadya kong palalimin ang Filipino ko sa post na ito. Hinihikayat ko kayong gumawa ng mga blog post na nasa sarili nating wika o mga wikang gamit sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano, Bikolano, atbp.) na nagpapakita ng katangi-tangi nating kultura: kasama rito ang magagandang tanawin, literatura, sining, at kung ano pa mang pangkas na maiisip nyong isulat. Ilathala ito sa Steemit at gamitin natin ang mga tag na #pilipinas o #philippines. Pilipinas para sa mga post na nasa wika natin at Philippines para sa mga post na nasa Ingles. Kung maaari - maglagay ng pagsasalin sa Ingles.
Simula sa araw na ito, sa loob ng pitong araw o isang linggo, maglalathala ako ng pitong tula sa Steemit. Pindutin lamang ang 'Follow' upang sundan ang progreso ng initiative na ito. Marami akong nakikitang mga post na tinatangkilik at sinusuportahan kahit na nasa lokal na wika. Ipinakikita lamang nito na ang mga Pilipino ay may natatanging kakayahan na kinikilala hindi lang ng ating mga kababayan ngunit pati na ng buong mundo.
Ito ang unang paglalathala sa seryeng: "Tula".
by @deveerei | Orihinal na katha: Unang inilathala sa Wordpress
Hindi nga… Para lang talaga tayong mga sirang plaka. Paulit-ulit tayo walang hinto. Hindi madala, ayaw pahango. Pilit pa ring tinatangkilik yung mga sinumpaang pangako.
Paalam.
Ilang beses na ngunit hindi pa rin natatapos. Ilang ulit na pero yung lakas ng loob natin para panindigan laging kapos. Siguro dahil mahal lang talaga natin yung isa’t isa kaya hindi natin magawang tuldukan yung ating istorya. Kasi yung kwentong binubuo natin, grabe, ang sarap basahin, ang sarap ulit-ulitin. Kasi kwento natin to…
Ilang ulit man tayong nasaktan, ilang beses man tayong nagkaroon ng di pagkakaunawaan, di ba’t pinili nating manatili sa piling ng bawat isa. Yun kasi yung nararapat. Pinaglalabang pagmamahalan. Ang sarap di ba? Kung yung pag-ibig natin kaya nating ipagtanggol, yung mga pangako natin sisikapin nating tuparin, yung mga alaala ng mga pagkakataong kaysaya natin; sobrang sarap balikan nung mga yun, hindi ba?
Pinaalam.
Isinulat ko. Itinula ko. Sinambit ko. Ipinahayag ko sa lahat ng taong kilala ko, kilala natin. Pinatunayang pilit. Ipinangako at ipapangako… Na ang pag-ibig na nadarama ko sa’yo kailanman hindi mawawaglit sa isipan, hindi magmamaliw patungong nakaraan. Sa bawat patak ng segundo, aalalahanin. Sa bawat daan ng mga araw, umabot man ng libu-libo (o milyon), tatangkilikin.
Nasabi ko na ba sa’yo kung ga’no ako nabighani sa ganda mo? Kung paano mo ako nagagawang pangitiin kahit sobrang pangit na ng mundo. Ikaw pa rin yung tala, araw na nagbibigay liwanag sa dilim na dulot ng mga anino. Nasulat ko na ba sa papel yung mga katagang ‘Mahal kita’? ‘Iniibig kita’. ‘Ikaw lang, ikaw lang, walang iba…’ Marahil oo, siguradong oo, kasi sa dami ba naman ng mga sulat na ginawa ko para sa’yo hindi ko pa ba masasabi yung mga salitang yun? Eh yun nga yung dahilan kung bakit kaya kong mamuhay sa ibabaw ng kapatagan ng walang kasiguraduhan. Eh, ikaw nga yung nag-iisang nagbibigay ng sa buhay ko ng katiyakan.
Nagawa ko na bang ipadama lahat ng mga sinabi ko, sinulat ko? Sapat na ba lahat para mapatunayan sa iyo at sa mundo na karapat-dapat ako upang ibigin ka, at ibigin mo? Nayakap na ba kita ng sobrang higpit, na habang ginagawa ko yon ay sobrang damang-dama mo na mahal na mahal na mahal na mahal kita? Naipabatid ko na ba sa pamamagitan ng matatamis na halik yung gaano ko hindi kayang mawala ka, mawala ang isang tulad mo, ang nag-iisang ikaw, dito sa buhay ko? Naramdaman mo ba yung pag-ibig na kaya kong ialay, ibigay, isaboy sa kalawakan at hayaang maghandusay na parang batang nagpupumilit na mapakinggan ang sigaw nyang pagsinta?
Sa bawat pagkakataong hinayaan mong hawakan ko ang iyong mga kamay, sa bawat minutong ginugol ko sa pagyakap sa’yo at sa pagkulong sa’yo sa loob ng mga bisig ko, sa kada tamis na pinagsaluhan natin sa pamamagitan ng mga halik… Sa bawat oras na kasama kita… Sa bawat panahong hindi mo ako nagawang sukuan, at pinilit mo akong intindihin, at ipinaalala mo sa akin kung gaano mo ako kamahal gaya ng gaano kitang kamahal… Salamat. Salamat ng napakarami.
Paalam x2.
Paalam. Paalam. Paulit-ulit nang paulit-ulit. Siguro dahil nga doon. Natuto tayo. Nalaman natin na nakakasawa at nakakapagod ang mga bagay na paulit-ulit na lang nating pinipilit. Napagtanto natin na siguro, baka, baka nga meron pang ibang mapagpipilian bukod sa pinipilit nating dalawa. Nakakatawang isipin, kasi. Para tayong mga sirang plaka. Ayaw maputol ng tugtugin pero ayaw ring tumuloy, ayaw matapos pero balik lang ng balik sa simula. Walang unlad. Walang kinahihinatnan.
Paalam etc.
Nasan na ba? Yung lahat ng pinagtulungan nating buuin, yung lahat ng pinaghirapan nating makamtam, yung mga matatayog na pangarap na kaya pa sana nating abutin, yung mga salitang binitiwan natin at sinabi nating kaya nating panindigan, yung lahat ng oras na ginugol natin sa bawat isa, lahat ng masasayang alaalang naubo ng pagmamahalan ng isang ako at isang ikaw, yung tayo, yung pag-ibig ko, pag-ibig mo, pag-ibig natin. Nasaan na nga ba yung pag-ibig natin? Tumakbo na yata palayo, iniwan tayo, kumaripas na ng takbo para daw kasi tayong mga siraulo. Namaalam na yata.
Yung pag-ibig ko sa’yo nandito pa. Buhay pa. Puso kong alay, tumitibok pa. Pangalan mo pa ang isinisigaw niya. Naririndi na nga ako e pero walang akong magawa. Kahit ano pang gawin kong pagpupumilit na mamaalam sa nakaraan na pinagsaluhan natin, hindi ko magawa. Kahit ano pang pilit ko na paalisin sa utak ko yung ideya na wala nang bukas na kasama ka, hindi ko rin magawa…
Yung pag-ibig mo sa akin… Hindi ko alam. Hindi ko na kasi alam. Kung ano pa ang nilalaman ng puso mo. Hindi ko na kasi hawak, di tulad ng dati. Ang puso ko ay sa’yo at ang iyo ay akin. Binawi mo ba? O kinuha mo lang ng biglaan? Hindi kasi ako naging handa. Hindi ko napaghandaang darating yung panahon na lilisan ka. Na hahayaan mong mag-isa ako sa piling ng walang sinuman, kasi ikaw lang yung nais ko ayoko ng ninoman, na magagawa mong basagin, wasakin yung puso kong walang ibang ginawa, nagpapakapagod na ibigin ka.
Yung pag-ibig natin. Siguro, hindi na natin kinayang suportahan. Kulang yung pundasyon. Baka. Kulang sa materyales, tiwala, paniniwala, hindi pagnanais na kumawala. Siguro, napabayaan natin. Naiwang nakatiwangwang sa isang sulok. Nakalimutan nating alagaan at pagtuunan ng pansin. Bakit… Bakit natin hinayaang dumating sa pagkakataong kailangan nating matutong panindigan yung salitang ‘paalam’?
Paalam. Hindi pa huli.
Malay mo. Malay ko. Malay natin. Malay ko ay bigla na lang sigurong mawawala kasi ikaw tuluyan ka ng nawala. Mamamaalam na nga ba ng tuluyan o hindi pa huli ang lahat? Minsan di ba, sabi nga nila, huli man daw at magaling naihahabol din. Paano kung yung pagmamahalan natin, hindi ganon kagaling para maihabol pa? Paano kung kaya lang talaga tayo nagpapaalam ngayon sa isa’t isa ay dahil hindi natin napatatag ng sapat yung mga haligi ng puso nating magkayakap? Paano kung andami lang pala nating pinalagpas na pagkakataon na kung kinuha sana natin ay hindi tayo nagkakaganito ngayon? Ngunit ano nga ba ang silbi ng pagtatanong sa mga tanong na yon? Kung tapos na. Kung napagdesisyunan na. Kung binitiwan mo na ang mga huling salita na magtatapos sa librong tayong dawala ang bida, at may gawa.
Paalam. Huling paalam.
Huling parte ng sulat. Siguro eto na yung pinakamasakit na isusulat ko. Siguro eto na yung pinaka-kaya kong gawin para lang siguro, medyo makalimutan ko yung sakit. Eto rin yung pinakamagulo at pinakawalang kwentang mababasa mo. Hindi ito magiging maayos. Wala akong balak ayusin to.
Isa itong pamamaalam. Sa lahat ng meron tayong dalawa. Sa lahat ng meron tayo sa relasyong kailangan nating tapusin. Sa pag-iibigang hindi siguro nakalaan sa atin. Tangina lang e. Hindi ko alam kung paano ko isusulat, siguro kulang yung mga pahina at salita sa buong mundo para dito. Masakit e. Pero hindi kita sinisisi. Hindi ko sinisisi yung sarili ko. Hindi ko rin magawang sisihin yung pagkakataon o yung ibang tao. Wala akong ibang magagawa kundi tanggapin ang desisyong kinahinatnan ng lahat ng pinagsaluhang taon. Lahat ng pinaghatiang pagkakataon, matamis man o mapait. Pagmamahalan man yun o kahit puro na lang sakit.
Paalam. Huling paalam na bibitiwan ko. Huling pagkakataong sasabihin ko sa’yo. Hindi ako galit. Hindi kita gustong saktan. Gusto ko lang maintindihan mo yung sakit na nadarama ko. Nais ko lang na makita mo kung ano ang kalagayan ko. Ayos lang ako. Sawi pero kayang bumawi. Wala mang natirang pag-ibig para sa akin, siguro darating na lang din yung panahon na makahahanap ako ng ibang mamahalin tulad mo. Sana lang maging masaya ka. Yun ang unang hiling ko. Ayokong makita kang masasaktan. Kung nasaktan man kita noon at kung meron pa ring sakit na dulot yon, mapatawad mo sana ako. Inihihingi ko ng tawad ang lahat ng pagkukulang, ng kakapusan, kung hindi man ako naging sapat. Kung hindi mo man ako nagawang piliin ay hahayaan kita sa desisyon mong iyon.
Pinili kong mahalin ka, pipiliin kong masaktan dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. At salamat sa lahat ng mga bagay na hindi ko na iisa-isahin pa. Masyado nang mahaba to. Nakakatawa lang kasi sinusulat ko to pero baka hindi mo naman mabasa. Sana mabasa mo pero sana rin hindi. Tatapusin ko na to…
Sa hinaharap baka tayo, baka hindi…
Sa ngayon, heto na lang ang mga kailangan mong basahin, simple lang, ‘Patawad. Salamat. Mahal kita. Paalam’.
Maraming Salamat!
Thank you so much!
For my international readers, I apologize for I am unable to translate this literary work into English. It was written in Filipino and not all words and phrases work when translated - it may also lose its emotions if I try to translate it.
This is an original work authored by @deveerei, posted originally in Wordpress (View it here.).
Photo used in the title banner "Huling Paalam" is an original photo by @deveerei.
Any comments? Thoughts about my piece? I'll gladly accept that on the comment box below! Have a great day Pinoys!
How 'bout giving this piece to Gloc-9, Im sure makikinabangan niya ito Pre.
Masyadong mataas yan sir. :) Siguro - baka. Wala akong contact. Haha. Thanks sa appreciation!
Lupet mo talaga master.
Pero I agree with you na wag nang i translate to.
For me, ung mga gantong kagandang piece of work eh minsan nwawalan ng essence at meaning kapag ginamit sa ibang language.
Cheers!
Woah, another amazing gif sir - galing mong maghanap nyan ah. :D Maraming salamat sa papuri!
Abangan nyo na lang yung ibang posts. May anim pa.
Para s u master
mag effort talaga ako
Laking pasasalamat ko at na guide nyo ako dito.
Thank you from the bottom of my heart :-)
Cheers!
Haha. Gif master ka na Sir Rye! Walang anuman - salamat din sa suporta!
Ang galing, parang in lab na in lab ka sa panahong ito @deveerei :)
Magaling din imagination ko. Siguro as a frustrated artist. Hahaha.
Frustrated? hindi siguro. You're still young at age and could still do so many things.
Thanks ng madami. Words of encouragement are much appreciated. Daming mababait dito sa Steemit. Just look at the comments. This community is great.
malufet!
Salamat Sir!
Ang galing naman. Nung una akala ko sayo @deveerei babae ka pasensya kana napagkamalan kitang babae.
Pero ang galing galing mo sana lahat tayo dito pure Tagalog nalang😊👍.
Good work and good post @deveerei.
Haha. Madalas mangyari yan. Pero lalaki naman yung anime avatar ko ah. I changed my avatar here though. Pa-hipster effect. Haha. Thanks ng madami! Series nga pala to. Will post 1 Tula everyday for a week.
😀😀 gwapo nga eh.
👍👏. Good luck.
Hehe. Thanks much! :)
Walang anuman😎.
ako nga din magtutula..ako ay may pusa..hehe..lupit nito madam..
Thanks po. Pero Sir po ako.
. .Thumbs UP Idol.
Thanks Kuya @bowiemagbag!
May pinaghuhugutan dev? Joke lang. Pero mahusay mahusay.
Haha. Salamat Ate Pat! (tagal na neto nasulat)