Tula # 6: Tula Habang Gutom [Filipino Prose Poetry Series - Original Photos Included]

in #pilipinas7 years ago (edited)

Ito ang pang-anim na paglalathala sa seryeng: "Tula".

Tula Habang Gutom

Kape. Kape. Kape.Asan na yung taong may pake? Yung kasing tapang at kasing init na pagtingin ang kayang ialay sa natutulog kong damdamin? Paulit-ulit hahaluin. Paulit-ulit kang hahabulin, di bibitawan at di pakakawalan. Pilit kang gigisingin sa katotohanang ika’y tinatakasan. 3 in 1. Pag-ibig, tiwala, at katapatan. Kaunti, simple, pero masarap makamtan. Wala mang whipped cream at tsokolate sa ibabaw ay sapat na para ibangon ka sa bawat umaga.

Suman. Superman. Sumpaman. At magpakailanman. Asan na yung mga titig na di maalis, kasing lagkit ng malagkit. Asan na yung mga kilig na ang tamis, kasing tamis ng minatamis. Asan na yung mga yakap na nakabalot, parang dahong pambalot sa suman, sa akin ikaw ang kumot. Asan na? Pakisabi kay Superman pakideliver naman yung taong may suman na puso na pag dumikit sa puso ko ay hindi titiwalag. Yung ibubulong sa akin na ‘Sumpaman, akin ka lang at iyo lang ako, wag ka nang pumalag’. Yung tatagal ng (dahil walang forever, ibang term na lang) magpakailanman?

Hopia. Walang mani, walang popcorn. Pag-asang walang flavor, hindi ube hindi monggo, lalong hindi baboy. Pag-asang hindi dumarating kahit di ko naman itinataboy. Hope. Yah. Yosi na lang ang hope ngayon. Parang tulang to na walang pag-asa kasi tila binaboy. Pero seryoso, ang galing kaya. Subukan mong mag-isip ng gutom, ikaw rin ay mahihirapan. Subukan mong isipin kung asan na yung sasagip sa’yo, panigurado walang kasagutan. Halo-halo. Nakakahilo.

Walang taong kape na may pake. Walang taong suman na ika’y hahagkan. Walang taong hopia na di ka ipapahiya. Meron lang halo-halo. Walang panigurado, walang tamang kombinasyon kasi wala namang perpekto. Kainin mo kung ano’ng inihain, wag kang magsayang, masama magtapon ng pagkain. Mahalin mo yung taong hinulog ng langit sa’yo. Kung meron na, kung wala, tiis muna sa pagkasabik at sa kalam ng puso. Habang naghihintay ka, lumamon ka muna, tandaan mo, libre ka sa buffet kapag birthday mo.


Haha. Makata o matakaw? Gutom lang talaga ako. Gutom lang talaga.


Maraming Salamat!


Thank you so much!

Mga kababayan! Ang post na ito ay pagpapahayag ng aking intensyon na lumago pa lalo ang komunidad natin sa Steemit. Sinadya kong palalimin ang Filipino ko sa post na ito. Hinihikayat ko kayong gumawa ng mga blog post na nasa sarili nating wika o mga wikang gamit sa Pilipinas (Bisaya, Ilokano, Bikolano, atbp.) na nagpapakita ng katangi-tangi nating kultura: kasama rito ang magagandang tanawin, literatura, sining, at kung ano pa mang pangkas na maiisip nyong isulat. Ilathala ito sa Steemit at gamitin natin ang mga tag na #pilipinas o #philippines. Pilipinas para sa mga post na nasa wika natin at Philippines para sa mga post na nasa Ingles. Kung maaari - maglagay ng pagsasalin sa Ingles.

Simula sa araw na ito, sa loob ng pitong araw o isang linggo, maglalathala ako ng pitong tula sa Steemit. Pindutin lamang ang 'Follow' upang sundan ang progreso ng initiative na ito. Marami akong nakikitang mga post na tinatangkilik at sinusuportahan kahit na nasa lokal na wika. Ipinakikita lamang nito na ang mga Pilipino ay may natatanging kakayahan na kinikilala hindi lang ng ating mga kababayan ngunit pati na ng buong mundo.

For my international readers, I apologize for I am unable to translate this literary work into English. It was written in Filipino and not all words and phrases work when translated - it may also lose its emotions if I try to translate it.
This is an original work authored by @deveerei, posted originally in Wordpress (View it here) and Tumblr (View it here).
Photos used in this post "Tula Habang Gutom" are all captured by @deveerei.

Any comments? Thoughts about my piece? I'll gladly accept that on the comment box below! Have a great day Pinoys!


Tula #1: Huling Paalam
Tula #2: Adobo
Tula #3: Walang Laman
Tula #4: Pangakong Ikaw at Ako
Tula #5: Late Ka Na Naman





Sort:  

Galing mukang madami papakiligin mga lingya mo pre haha

Yo. Salamat. :D

Hi @cheetah @anyx this is a series - I'm bound to copy the notes from the previous posts. Thanks!

Ha,ha inunahan mo na si cheetah pero heto pa rin sya sa baba... Nagutom ako at natawa sa iyong tinurang tula. Susubukang ko ring gumawa ng mga tula at sa steemit ay ilathala. Maraming salamat kabayan, atin ngang ipagyabang mahal nating wika, upang sa buong mundo'y tuluyang makilala...

Medyo makulit yang bot na yan. Pero ayos lang. Salamat po sa support. Maganda magshare ng mga ganto ngayon lalo at marami tayong suportang nakukuha.

Nice! 👏👍 Buwan ng wika pa naman ngayon. 😆

Congratulations @deveerei! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Congratulations @deveerei! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Parehong kakagutom at kakatuwa. :D

Hehe. Salamat! ;)

I got nosebleed in my halo halo :P and now I'm hungry and want some hopia!

WHY??!! WHY?? Yall gotta keep talking about food for?!! :D :D

Cause food is life momi bear.

Iba ka kuya :)

;) Maliit ng bagay.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 55981.35
ETH 2368.76
USDT 1.00
SBD 2.35