Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento IV

in #philippines7 years ago

Pagkatapos ng eskwela ay dumaan ako kila Marites upang kamustahin siya. Bumubuti na ang kaniyang lagay kaya naman ako ay medyo masaya na sa nangyayari. Tinanong niya rin kung bakit hindi ko kasama si Luis gayong lagi naman kaming magkasama tuwing bibisita sa kaniya, ang tangi ko nalang nasabi ay may sakit din siya.


Image Source

Tanging pag-aalala ang naitugon ni Marites at sinabing ang prutas na dala ko ay ibigay ko nalang kay Luis dahil tingin niya ay nahawa ito sa kaniya noong huli naming bisita. Pinakamusta nalang ako ni Marites kay Luis at ako naman ay kanya nang pinauwi.

Dahil nga sa ako ay isang mabuting kaibigan, sinunod ko ang hiling ni Marites at pumunta sa bahay nila Luis. Sa tarangkahan palang ng kanilang bahay ay naitanong ko na kay Aling Chora kung nandoon si Luis ngunit ang sabi niya sa akin ay wala daw at ang akala niya ay kasama namin. Hindi pa daw siya nauwi galing sa eskwela at ang paalam ay gagabihin dahil daw mag eensayo sa bagong kanta.

Para hindi na lumaki pa ang isyu ay sumang-ayon nalang ako sa wika niya at sinabi kong may nakalimutan lang akong ibigay sa kanya. Sinabi ko rin na nauna na akong umuwi kanina kaya't di ko napansin na may praktis nga pala.

Pagkaabot ng prutas ay umalis na ako para umuwi. Sa daan, nakita ko si Luis na nakatambay kasama ang mga dati niyang barkada nagsisigarilyo at nag-iinom ng alak.

Ayaw na ayaw ko ang ganoong ugali ni Luis, akala ko ay nagbago na siya. Bago namin maging barkada si Luis ay isa siyang lasenggero at mahilig manigarilyo kaya't laking tuwa ng magulang niya nang tumigil na siya sa kaniyang bisyo at sumama sa amin ni Marites.

Hindi ko na pinansin si Luis ng mga panahong iyon at dere-derecho akong naglakad ngunit ako ay kaniyang tinawag.

"Pst! Esang saan ka galing?" Tanong niya sa akin habang unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Sa bahay niyo. Lumiban ka kasi sa klase eh." Sagot ko sa kanya, tinakpan ko ang aking bibig ng panyo dahil sa hindi ko matiis ang amoy ng alak at sigarilyo na ibinubuga ng kaniyang hininga.

"Ah... nag-aalala ka na ngayon ha, kailangan ko lang palang mag loko ng kaunti at mapapansin mo din ako" Ang mayabang nyang wika.

Inakbayan niya ako sa balikat at itinuro sa kanyang mga ka inuman.

"Mga tropa! Si Esang nga pala syota ko!" Sigaw nya sa kaniyang mga kainuman.

Agad kong tinanggal ang kanyang pagkaka akbay sinampal siya sa inis.

"Unang-una sa lahat hindi mo ako syota. Ikalawa kaya lang ako dumalaw eh dahil sa pakiusap ni Marites na dalawin ka at ikatlo hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan!" Ayan ang maluha-luha kong sambit sa kanya

Pagkatapos ng eksenang iyon ay tumalikod na ako at naglakad na pauwi. Naiwan ko na si Luis kasama ang kaniyang mga tropa.

Medyo malayo ang aking tirahan at gaya ng bahay nila Marites ay matataas din ang talahib. Ganito naman sa probinsya walang ilaw ang kalsada at medyo madilim na tuwing hapon. Ang mga sumunod na eksena ay ang mga bagay na sana ay hindi ko na dapat alalahanin pa ngunit kailangan para mabigyan ko ang aking sarili ng pagtatanggol sa kwentong ito dahil kung akala niyo ay mabuting tao talaga si Luis diyan kayo nagkakamali.

Sa aking daan pauwi sa may talahiban nangyari ang lahat.
Tangan-tangan niya ang kutsilyo na ginamit nila para balatan ang manggang kanilang pinang pulutan kanina iyon ay itinuro ni Luis sa aking leeg ng ako ay pauwi na.

Saksi ang mga talahib sa kung paano ako binaboy ni Luis. Tinakot nya din ako na papatayin niya ang aking mga magulang kung sakali mang mag sumbong ako sa kinauukulan. Matatanda na sila Inay at Itay at alam ko na sa katawan at pag-iisip ni Luis ay kayang kaya nyang gawin ang mga bagay na ito. Unti-unti kong hinubad ang aking suot mula sa damit hanggang sa pang-ibaba. Hindi ko na nagawang lumaba, parang may ibang pagkatao si Luis nang mga pagkakataong iyon. Hindi siya ang Luis na kaibigan ko, mas masahol pa siya sa isang mabangis na hayop.


Image Source

Tanging luha nalang ang aking naitugon habang ako ay kaniyang hinahalay. Pagkatapos ng kaniyang kababuyan siya ay nagwika.

"Pasensya ka na Esang, sobra kitang mahal kaya ko nagawa ito. Kaya't pag ito ay nakalabas sa iba, tandaan mo papatayin ko ang mga magulang mo." Kaniyang pagbabanta

"Oo Luis, huwag kang mag-alala di ito makakalabas sa iba" Mangiyak-ngiyak kong tugon.

"Mabuti at tsaka nga pala bukas pagpasok natin sa eskwela ipapakilala kita bilang syota ko na na kaya umayos ka ha" dagdag niya

Hindi na ako nakaimik at tinulungan na akong magbihis ni Luis, sa kaniyang paghawak dama ko na napakarumi kong tao kaya't tinabig ko ang kaniyang kamay at muli inihatid niya ako sa bahay.

Pagdating sa bahay, sinubukan kong umarte nang parang normal. Dumerecho ako sa kasilyas at doon naligo kinuskos at nilinis ang aking katawan. Ngunit kahit anong kuskos ko hindi mawala ang amoy at ang mga bakas ng katawan ni Luis sa aking isipan.


Ayan medyo mahaba ng kaunti ang update na ito dahil sa ito ang climax o yung parteng nagpapaliwanag kung bakit galit na galit si Esang kay Luis. Salamat po sa pagtangkilik ng aking likha at pagsubaybay ng kwento. Medyo mabagal lang talaga ang updates ng kwento pero sana ay naiibigan ninyo.


Para maging pamilyar sa karakter ni Luis at Marites maari mong basahin ang mga naunang sipi.

Tinig || Huling Bahagi - Wakas
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series II
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series III
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series IV ( I Knew You Were Trouble)
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series V ( At the Beginning)

Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento I
Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento II
Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento III

Sort:  

Oh em, grabeng revelation to! Ang sama ni Luis 👿 Kawawa naman si Esang! Grabe ka Luis! Wala kang awa! 😭

Oo ganyan katindi ang pagka baliw nya kay Esang tapos sa huli ay nalipat kay Marites ang atensyon nya 😂 pero wala paring swerte.

yay!! c luis dpat ipatokhang!!

Kawawa naman si Esang ano. Akala mo talaga ang buti ni Luis sa Tinig na series parang nakawawa.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 60250.23
ETH 2335.37
USDT 1.00
SBD 2.52