Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento III

in #philippines7 years ago

Unang bumungad sa may kanilang bakod ang Inay na Marites na nagwawalis ng bakuran, habang ang kanyang Itay Dindo naman ay nasa may isang sulok hawak-hawak ang kaniyang panabong na manok habang binubugahan ito ng usok na mula sa kanyang sigarilyo. May pamahiin kasi na kapag iyong binubugahan ng usok mula sa sigarilyo ang manok panabong ay mas tatapang ito at mas malaki ang tyansa na manalo sa tupada.


Bakuran

Si Buchoy, ang aso nila ang unang bumati sa amin sa kaniyang napaka lakas na tahol na sinundan naman ng matamis na ngiti ni ng nanay ni Marites. Agad kaming pumasok at kami ay inalok ng isang basong tubig na nagmula pa sa balon sa di kalayuan. Mapapansin dito ang hindi ganung kalinaw na kulay ngunit sa mga panahong iyon ng aking kabataan ay hindi ko pa pinapansin. Ito ay ang pinaka masarap na tubig para sa akin, dahil ito ay mula sa mga taong nagmamahal sa akin.

Pupungas-pungas na hinarap kami ni Marites ay mapapansin mo na talagang malala ang kanyang sakit dahil sa pagtulo ng kaniyang sipon.


Kawayan Set

Agad kaming naupo sa set na gawa sa kawayan at doon na nagsimula ang kwentuhan naming dalawa, simula sa klase sa pag pa praktis at kahit sa kinain naming pagkain nung isang araw na amin nang napagkwentuhan nung nakaraan. Humingi din ako ng tawad dahil sa pagsama nya sa akin ay nagkasakit siya basta ganun tawanan lang talaga ang nangyari sa aming dalawa ni Marites, agad lang siyang tumigil nang napansin niya na parang ang tahimik ni Luis at hindi siya nakikihalubilo sa amin. Alam ko naman ang dahilan kung bakit siya matamlay ngunit hindi na lamang ako sumagot kay Marites nang tinanong niya ako kung alam ko ba sinabi ko nalang na kanina pa siya ganyan.

Mula sa kinauupuan namin ay tumayo si Marites at lumapit kay Luis, agad nyang hinawakan ang noo nito at tinanong kung may lagnat o sakit sya. Na agad namang pinabulaanan niya at sinabing hindi lang talaga maganda ang kaniyang lagay at wala sya sa huwisyo para dumaldal.

Hindi na siya nangulit pagkatapos noon at bumalik na sa aming pwesto at nagsimulang magdaldalan ulit. Hindi na namin namalayan na ang oras ay lumipas at nag dapit-hapon na. Kailangan na din naming umuwi dahil baka kami ay mapagalitan pa. Nagpaalam na kami sa inay at itay ni Marites at sinabing babalik nalang kami bukas o sa makalawa kung hindi parin makakapasok siya. Sinabihan ko din si Marites na magpahinga dahil sa kailangan ay nandoon sya sa susunod na patimpalak na sasalihan ko, dapat kumpleto kaming tatlo at kailangan niyang magpagaling.

Sinabihan ko din siya na subukang sumali sa patimpalak kung kakayanin para mas malaki ang pagkakataon na manalo, kahit isa man lang sa aming tatlo ay manalo ay ako ay lubhang magiging masaya dahil malaking tulong ang magiging premyo. Tanging oo nalang ang kaniyang naisagot sa akin kahit na alam ko namang hindi niya iyon gagawin dahil sa kaniyang pagiging mahiyain sa ibang tao.

Medyo madilim na ang kalsadang aming binagtas ni Luis, dama ko parin ang kaniyang pagka inis sa mga pangyayari dahil sa kanyang pagkabigo na ako ay sumagot ng oo sa kanya.

"Ganoon lang ba talaga Esang? Wala talaga akong pag-asa sa iyo kahit manligaw ako o kung anu man?" Maluha-luha niyang sambit sa akin habang kami ay naglalakad.

"Luis, naipaliwanag ko naman sa iyo na hindi talaga maari dahil hindi kita gusto." yan ang tanging naisagot ko.

Ang mapakla niyang mukha kanina ay mas lumala dahil sa aking sinabi.

"Sabi ko nga eh. Ang kulit ko din nagbakasakali lang ako na baka magbago ang desisyon mo. Sige hayaan mo na nga lang. Kalimutan mo nalang na sinabi ko iyon Esang"

"Sige"

Inihatid na ako ni Luis sa aming bahay at pagkahatid, ay siya naman ay umalis na pauwi din. Kinabukasan ay nakaliban parin si Marites sa klase at si Luis naman ay wala din ngayong araw at ang sabi ng kapitbahay niyang si Lando may sakit daw sya kaya't hindi nakapasok ngayon.


Para maging pamilyar sa karakter ni Luis at Marites maari mong basahin ang mga naunang sipi.

Tinig || Huling Bahagi - Wakas
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series II
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series III
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series IV ( I Knew You Were Trouble)
Songs - The Story of Marites after the Tinig Series V ( At the Beginning)

Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento I
Bituin - Ang Wakas at Simula ng Kwento II

Sort:  

I nominated this post to be featured for our 69th Daily Steemit Family Ph Featured Posts.

All the best!

Thanks @febbiefull this is much appreciated :)

dumiskarte si luis para dalawin ni esang.. hehehe

Oo kailangan nyang gawin yun hehe.

This post has been featured on Daily
Steemit Family Ph Featured Posts #69
Congratulations !

Kelan ang next episode nito TP? 2 days na ang nakaraan. Update mo na dali. Ahahahahaha! Nakakabitin!

Hahah ayan na updated na sya.

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67814.21
ETH 2401.94
USDT 1.00
SBD 2.34