Masked Coquette: Ikasampung Bahagi
MASKED COQUETTE
Ang nakaraan...
Ngumiti siya nang nakakaloko at tinitigan ang mga mata ni Merty. "Hinay-hinay lang, Merty. Baka ikabaliw at ikamatay mo ang labis na pagmamahal sa kaniya."
"I'm willing to lose my sanity and life just to be with him," seryosong turan nito.
Magsasalita pa sana si Zheanne nang may biglang lumapit na lalaki sa kanila.
"Hi, Merty!"
Sabay na napalingon sina Merty at Zheanne sa nagsalita.
He was smiling from ear to ear which made his both dimples visible. He was gazing at Merty with those dark yet mesmerizing eyes.
Bakas naman sa mukha ni Merty ang gulat habang nanlalaki ang mga mata nitong napatitig sa lalaki habang nakaawang ang bibig. Mas lumapad ang ngiti nito dahil sa reaksyon ni Merty.
"N-Neel?" hindi makapaniwalang usal ni Merty.
Tumango lang ang lalaki at matamang tinitigan ang dalaga.
Nang makabawi ito sa pagkagulat ay kaagad naman itong tumayo at biglang yumakap sa lalaki.
"Ikaw nga!" Humarap naman si Merty rito na bakas sa mukha ang saya na makita ito. "Kumusta ka na ba? Kailan ka pa nakabalik? Are you staying here for good?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.
"Whoah! Isa-isa lang, Merty!" reklamo nito habang tumatawa. "Can I sit here?" tanong ng binata habang nakahawak sa upuang katabi ni Zheanne.
Ngumiti naman si Zheanne nang pagkatamis-tamis. "Of course!"
Tumitig ito nang matagal sa kaniya at saka makahulugang ngumiti. "Thank you. By the way, I'm Neel, Merty's close friend. And you?" Inilahad nito ang kamay at inabot niya naman ito.
"I'm Zheanne."
"She's my father's fiancée," dagdag naman ni Merty.
Tumango-tango ang binata at kakausapin pa sana siya nito nang bigla niyang hinugot ang cellphone at tila may binabasang text message.
Bumaling naman siya kay Merty at nagsalita, "Merty, can I go ahead? Tutal, mukhang close naman kayong dalawa, okay lang ba sa 'yo na iwanan kita with him? Pinapauwi na kasi ako ng daddy mo dahil may importanteng sasabihin daw siya sa akin."
Ngumuso muna si Merty bago tumango. "Okay, Tita. Nandito rin naman si Neel kaya magpapaiwan muna ako."
Ngumiti naman si Zheanne at saka bumaling kay Neel. "Ikaw na ang bahala kay Merty, okay?" Tinapik niya ito sa balikat at kinindatan bago umalis.
Nahuli niya naman na napangiti si Neel sa ginawa niya.
Nababagot na si Zheanne sa panonood ng pelikula kaya naman tinatamaan na siya ng antok. Mag-isa lang siya sa kuwarto nila ni Mike dahil hanggang sa oras na iyon ay hindi pa lumalabas ang huli sa home office nito.
Napagdesisyunan niya namang puntahan ang matanda sa opisina nito upang yayaing matulog na.
Tatlong katok lang ang ginawa niya nang nasa tapat na siya ng home office ni Mike. Hindi na niya hinintay ang pagpapapasok nito sa kaniya at agad na niyang binuksan ang pinto.
"Hon..." Lumapit si Zheanne sa matanda at dumapo ang kamay niya sa balikat nito at minasahe iyon.
Tumigil naman ito sa ginagawang trabaho at hinarap siya. Nginitian siya ng matanda na tila nawala ang lahat ng pagod nito nang makita siya.
"Wala pa rin ba si Merty?"
"She texted me that she's with her friends and they were hanging out. Don't worry, she's fine," sagot naman niya at idiniin ang bawat pagpisil sa balikat ng matanda. "I think you should rest now. Maaga pa ang flight mo bukas," malambing niyang saad.
"You're right, Honey. I should rest now. But before that..." Hinawakan ng matanda ang kamay niyang nasa balikat nito. "I want to taste you first. I'll be out for one week, and I'm gonna miss you," mapang-akit na wika nito.
Ngumiti siya nang makahulugan, ngunit pinanatili niya ang inosenteng tingin habang nakatitig sa mga mata ni Mike. Tumayo ito at humarap sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang maamong mukha. Mayamaya ay siniil siya nito ng halik.
Kahit matagal na siyang natikman ng matanda, hindi niya pa rin maiwasang mandiri sa sarili. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na magpaangkin sa ibang lalaki bukod sa isang lalaking labis niyang minahal. Para sa kaniya, ang binata lamang ang may karapatang angkinin siya nang buong-buo. Ngunit dahil sa bangungot ng kaniyang nakaraan, tinulak siya niyong gawin ang mga bagay na akala niya'y hindi niya magagawa.
Limang taon na ang nakalipas, ngunit sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang mga pangyayari. Matapos ang pangyayaring hinding-hindi niya makalilimutan ay inilibing na niya sa hukay ang dating Zheanne na mahina at inapi. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bumabangon siya na may iisang layunin—ang paghigantihan ang lahat ng umapi sa kaniya.
Limang taon ang ginugol niya para paghandaan ang pagpasok sa buhay ng mga Francisco. Sa tulong ng isang kaibigan niya na siya na lamang pinagkakatiwalaan niya, nagbunga ang kaniyang pinaghirapan para pasukin ang buhay ng mga ito.
Ang pagpasok sa kompanya ng mga Francisco at ang pag-akit kay Mike ay matagal na nilang pinagplanuhan.
Mahigit isang buwan pa lang simula nang sagutin niya ang matanda na masuyong nanligaw sa kaniya ng dalawang buwan. Nang sagutin niya ito ay agad siya nitong inalok ng kasal na hindi niya naman tinanggihan. Agad din siyang pinatira sa bahay nito kasama ang dalawa nitong anak na sina Martin at Merty para iparamdam sa kaniya na gusto siya nitong maging parte ng kanilang pamilya. Hindi alam ng matanda na pabor sa kaniya ang desisyon nito at tinulungan pa siya nito na padaliin ang lahat dahil iyon na mismo ang kanilang plano. Papasukin niya ang pamilya ng mga ito at wawasakin gaya ng pagkawasak ng buhay niya.
Hindi magtatagal ay maisasakatuparan din niya iyon. Handa siyang ibigay ang lahat-lahat dahil matagal na rin namang walang natira sa kaniya at wala nang mawawala pa sa kaniya. Dahil maging ang kaniyang puri at dangal ay inagaw rin sa kaniya.
Mabilis silang nakalabas ni Mike sa home office nito upang magtungo sa kanilang kuwarto. Mahina niyang itinulak ang matanda sa malambot nilang kama nang makapasok na sila sa kuwarto. And they did what couples normally do.
"I love you, Honey! You never failed to satisfy me," wika ni Mike at hinalikan ang kaniyang ulo at inamoy ang mabango niyang buhok.
Yumakap naman siya sa matanda. "I did that because I love you. I will satisfy you forever."
Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda dahil sa sinabi niya. Ginantihan din siya nito ng yakap. "Kung wala lang sanang problema sa kompanya, hindi ko na kailangan pang pumunta sa Japan para kausapin ang isang supplier natin. Ayaw kong mahiwalay sa 'yo nang matagal. But I promise, pagkauwi na pagkauwi ko rito, aasikasuhin ko na ang kasal. The annulment papers will be signed by my ex-wife, and our wedding must push through next month. Ayaw na kitang paghintayin pa, at hinding-hindi na rin ako makapaghintay na maangkin ka nang buong-buo."
Muli niyang binigyan ng kaniyang pamatay na inosenteng tingin ang matanda. "I can wait, Honey. Huwag kang mag-alala sa akin, at huwag ka na ring mag-alala sa mga anak mo. Ako na ang bahala sa kanila." Puminta sa kaniyang mukha ang labis na pagkasabik.
Titiyakin niyang wala nang kawala si Martin sa kaniya.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi
Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi
Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.