Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi

in #nobela6 years ago

ikalaapat na Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

"I have to go, Martin. Papunta na ang daddy mo rito at kailangan mo na ring umalis agad para hindi niya makita ang sasakyan mo bago siya makapunta rito." Hindi siya magkaundagaga sa pagpulot ng kaniyang damit at nagmamadali siyang nagbihis.


Malapit na si Zheanne sa nakaparada nilang kotse nang makita niyang biglang bumaba ang driver nila at pinagbuksan siya nito ng pinto.

"If ever Mike will ask you kung kanina pa ako rito sa loob ng kotse, ang isasagot mo lang ay oo. Sabihin mong umidlip ako. Understand?" agad niyang bungad sa kuwarenta anyos na driver.

"Yes, Maam."

"Good!"

Mabuti na lang at laging sumusunod ang kanilang driver sa kaniya kahit lagi niya itong inuutusang magsinungaling. Takot din kasi itong masesante kaya sinusunod na lang siya nito. Alam na rin kasi nito ang galawan niya at nahihinuha nitong mas paniniwalaan siya ni Mike kung isumbong man nito ang mga kasinungalingang pinatatakpan niya.

"Manong, paandarin mo na 'yung kotse. Salubungin na lang natin si Mike. Baka tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ng matandang iyon papunta rito. Alam mo na, uugod-ugod na ‘yon," utos niya habang nakatingin sa salamin at busy sa pagre-retouch sa mukha.

"Opo." Agad namang kumilos ang driver at sinunod ang utos niya.

7.png

Nang lumabas sa kotse ni Martin si Zheanne ay nagmamadali namang magbihis ang binata. Agad din niyang nilisan ang lugar bago pa man makarating ang daddy niya sa loob ng parking lot. Baka magtaka pa ito kapag nakita siya nito na hindi pa rin nakakaalis kahit kanina pa siyang nagpaalam dito.

Sa halip na umuwi na siya ng bahay nila para makapagpahinga, naisipan niyang huwag munang magpakita sa kanila. Ayaw pa niyang umuwi sa bahay nila dahil naisip niyang iwasan muna si Zheanne, at lalong-lalo na ang ama niya. Binabagabag kasi siya ng kaniyang konsensya dahil sa pagpatol niya sa mapapangasawa ng daddy niya. He's too weak to resist to her temptation. And she's too hot that he lost his sanity.

Napagdesisyunan niyang magpalipas muna ng oras sa kaibigan niya na lagi niyang ginagawa kapag ayaw niyang umuwi sa kanila. Nagmaneho siya papunta sa bahay ng kababata niya na nagkataong malapit lang sa hotel na pinanggalingan niya.

Nang makarating siya sa tapat ng gate ay siya namang pagbukas niyon at nakita niyang lumabas ang kababata niya. Nakita nito ang kotse niya kaya nakapamaywang itong tumayo sa harap ng kaniyang sasakyan at hinintay siyang lumabas.

"Hey, Niks!" nakangising bati niya sa kaibigan nang makababa na siya ng kotse.

"Anong sadya natin, Martin? Bakit ba sa tuwing pumupunta ka rito, timing pa na may lakad ako?" nakangusong reklamo naman nito.

Napakamot siya sa ulo habang nakangisi pa rin sa kaharap. "Sa'n ba lakad natin? Mangha-hunting ka na naman ng chicks? O may gig ka ngayon? Baka puwede mo akong isama riyan?"

Nanlaki ang mata ng kababata niya at hindi makapaniwala sa narinig nito mula sa kaniya. Lumapit naman ito sa kaniya at idinampi ang kamay nito sa noo at leeg niya.

"Wala ka namang lagnat—"

Pinutol niya ang pagsasalita nito at inialis ang kamay nito na nakadampi pa rin sa leeg niya. "Tumigil ka nga, Nikka! Ayos lang ako. Porket sasama na ako sa gig mo, may lagnat na ako? Hindi ba puwedeng gusto lang talaga kitang marinig na tumutugtog?" sambit niya habang kinukurot ang pisngi nito.

"Tsee! Sa tinagal-tagal kong pang-iimbita sa 'yo sa gigs ko, ngayon mo lang naisipang sumama? Hindi ko talaga alam kung anong nakain mo ngayon, Martin!" Inirapan siya nito at tsaka pumuwesto na sa tapat ng daan para mag-abang ng taxi.

"Kung makapagtampo, akala mo babae," biro niya rito kaya lumingon ulit ito sa kaniya at muli siyang inirapan.

"Sige lang, Martin! Alaskahin mo lang ako na parang hindi ka nagka-crush sa 'kin."

Tumawa siya sa sinabi nito. Naalala niya tuloy ang pag-amin niya kay Nikka dati na may crush siya rito. Pero highschool pa lang sila noon at crush lang ang nararamdaman niya para sa kababata. Kahit ngayon naman ay humahanga pa rin siya rito. Bukod kasi sa magaling itong tumugtog ng gitara at sa magandang boses nito, malambot din ang katawan nito at napakagaling sumayaw. Kaya lang, kilos lalaki talaga ang kaibigan niya. Palibhasa, ito lang ang babae sa kanilang apat na magkakapatid.

"E kung hindi lang tayo parehong mahilig sa babae, baka nagkatuluyan na tayo ngayon," hirit pa niya.

Hinampas siya nito nang mahina gamit ang hawak nitong gitara. "Loko! Babae ako! At hindi tayo talo kaya walang tayo at hindi puwedeng maging tayo!"

"O s'ya, sumakay ka na't ihahatid na kita. Baka masira pa 'yang gitara mo. At saka gusto ko talagang magpalamig muna kaya sasama ako sa 'yo." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinasakay na si Nikka.

7.png

Isang araw nang hindi umuuwi si Martin sa kanila. Hindi niya pa rin kayang harapin ang ama niya. Ni minsan ay hindi niya inisip na traydurin ang sariling ama. Kahit na normal rito ang pagiging matinik sa babae, hindi naman nito pinababayaan ang responsabilidad nito sa kanila. Mabuting ama si Mike sa kanila at ramdam nilang magkapatid na mahal sila ng kanilang ama. Kaya masakit sa kaniyang gawin ang bagay na pinipigilan niyang mangyari—ang mas mahulog pa kay Zheanne at maging karibal ang lalaking iniidolo at hinahangaan niya.

Pangalawang gabi na ni Martin sa pagsama sa kababata niyang si Nikka sa pinagtatrabahuan nitong isang restobar.

Marami-rami na ang nainom niyang whisky kaya nakakaramdam na siya ng pagkahilo.

Bigla namang may lumapit sa kaniyang babae na tila interesado sa kaniya.

"Hi, Pogi! Upo ako, ah? Bawal tumanggi." Hindi pa man siya nakakasagot ay umupo na ito sa tabi niya. "Ako nga pala si Lily. Ikaw?" Binigyan siya nito ng makahulugang titig at saka inabot ang kamay niya at nagkukunwaring nakikipagkamay. Pero ang totoo ay pinisil-pisil lang nito ang palad niya habang malagkit pa rin ang tingin sa kaniya.

Tinitigan din niya ang kaharap. Pero lasing na nga siya dahil iba ang tingin niya sa babae. Ang mapang-akit na mukha kasi ni Zheanne ang nakikita niya. Hindi maipagkakailang iba talaga ang epekto ni Zheanne sa kaniya.

"Hey, Pogi! Bakit mo ako tinititigan nang ganyan? Gusto mo rin ako? Kasi alam mo, gusto rin kita," diretsahang pag-amin ng babaeng kaharap niya.

Mula sa papisil-pisil na ginagawa nito sa kamay niya ay tila naging magnanakaw sa sobrang likot ang kamay ni Lily. Hinaplos nito ang kamay niya papunta sa maskulado niyang braso at iyon naman ang pinipisil. Naglakbay naman ito papunta sa matikas niyang dibdib hanggang sa hindi niya namalayan ang mabilis nitong pagkilos papunta sa ibabang bahagi na naging dahilan upang mag-init ang katawan niya.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much, @c-squared! More power to your curation community! ❤

Napakainit ng tagpo, Jemzem. Kelangan kong humabol sa kwento pero naaka-elibs pa rin talaga kahit late ako nagsimula.

Nakakatuwa din ang suportang ibinigay sa atin ng @c-squared.

Maraming salamat sa inyo, @jazzhero! Nabasa ko 'yong remarks n'yo sa discord ng c-squared at na-touch talaga ako sa suportang ibinigay ninyo. ❤❤❤

Ayos din si Martin ha pang matindihan ang kamandag, kaka kilala lang may hawakan sa dibdib agad paibaba.

Congrats nga pala dahil sa napili ka ng dalawa una sympre kami ng Tropa mo sa @tagalogtrail para iyong likha sa ika 56 na edisyon.
At sympre ang @c-squared na isang bagong curation group din. Sympre kasali kami diyan at curator din kami heheh para mas malawak ang reach!

Sobrang thank you sa support, @toto-ph! At may bago ka na ring individual account. ❤
Salamat sa inspirasyon. ❤❤❤

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67388.31
ETH 3311.98
USDT 1.00
SBD 2.74