Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi

in #nobela6 years ago

ikasiyam na Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

"Daddy!" Lumapit ang isang napakagandang babae kay Mike at yumakap ito nang mahigpit sa matanda. Bumaling naman ito sa kaniya at siya naman ang niyakap. "Hi, Tita Zheanne!"

Nagulat si Zheanne sa biglaang dumating.

"A-ang bilis mo namang bumalik," ang tangi niyang nasambit.


Nginitian siya ng bagong dating na babae bago ito umupo sa harap niya. "I failed sa pagpilit kay Dee na umuwi na rito at huwag nang tapusin ang kontrata niya sa trabaho roon sa Australia. Pero ang mas malala, gusto niya pa yatang pumirma ng panibagong kontrata." Bakas sa mukha nito ang pagkadismayado.

"Hayaan mo na siya, Merty. Kaya magaan ang loob ko riyan sa nobyo mo kasi sobrang sipag niya sa trabaho. Ayaw niya lang sigurong may masabing masama ang ibang tao kapag sa kompanya natin siya nagtrabaho. Kaya hayaan na natin siya sa gusto niya, 'wag na muna natin siyang pilitin," kalmadong komento naman ni Mike at saka uminom ng kape.

"Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung bakit pa niya kailangang mangibang bansa para magtrabaho. Kung ayaw niyang magtrabaho sa company natin, he can still find a good company here. Feeling ko tuloy gusto niya lang lumayo sa 'kin," panghihimutok nito habang nakapangalumbaba.

"He knows what he is doing kaya hayaan na natin siya."

"Kaya nga ako bumalik dito dahil wala akong napala sa pamimilit sa kaniya. Nag-away pa kami at pinauwi niya ako. Hindi ko na kasi kakayanin ang long distance relationship namin! Ayaw n'yo rin namang sumunod ako sa kaniya roon at doon na mag-stay kasama siya." She rolled her eyes in frustration. Hindi na maipinta ang mukha ni Merty dahil sa pagkadismaya sa nobyo.

Bigla naman itong tumayo habang nakabusangot ang pagmumukha. "I'll take a shower, magsha-shopping na lang ako mamaya to relieve my stress. And I want you to come with me, Tita Zee." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nagtuloy-tuloy na ito paakyat sa kuwarto nito.

Napailing na lang si Zheanne sa ugali ni Merty. Iisang dugo nga talaga ang nananalaytay sa ugat ng mga Francisco. Pare-pareho lang ang mga itong hibang sa pag-ibig. Kung gaanong kapatay na patay sa kaniya ang matandang Francisco, nakatitiyak din siyang mas dadaigin pa ni Martin ang Ama sa pagkabaliw sa kaniya. At katulad ng dalawa, alam niyang hibang na hibang din si Merty sa pag-ibig. But unlike Martin, wala siyang problema sa dalaga dahil magaan ang loob nito sa kaniya. Pero wala lang talaga sa timing ang agarang pag-uwi nito galing sa Australia. Kahit papaano'y nag-aalala siyang baka lalo siyang mahirapang diskartehan si Martin. Pero sa kabilang banda ay alam niyang hindi naman talaga problema si Merty sa kaniya. Bukod kasi sa wala itong ibang iniisip kundi ang nobyo nito, hindi rin naman marunong magduda ang dalaga sa kaniya. Madali rin naman kasi itong utuhin at papaniwalain sa mga bagay-bagay.

a.png

"Tita Zee, bagay ba?" tanong ni Merty kay Zheanne pagkalabas nito ng fitting room sa pinasukan nilang boutique sa loob ng mall.

She was wearing a red sheath dress which features a silhouette that fits close to her body. Bagay na bagay ang damit na iyon kay Merty, pero alam niyang mas bagay iyon sa kaniya.

Ngumiti si Zheanne at saka tumango. "Wala namang damit na hindi bagay sa 'yo, Merty."

Nginitian din siya nito pabalik. "Like you, Tita Zee. Pero mas bagay naman ito sa 'yo, e. Ang perfect naman kasi ng body mo!"

"Bolera ka talaga." Tumawa siya nang tipid sa tinuran nito.

Bumalik naman agad si Merty sa loob ng fitting room para hubarin ang damit. Nagustuhan nito ang napiling damit kaya bibilhin nito ang damit na iyon.

Habang naghihintay kay Merty, napaisip naman si Zheanne nang malalim. Kung hindi lang siguro isang Francisco si Merty, puwedeng-puwede silang maging magkaibigan. She liked Merty's attitude. She may look like a spoiled brat, but the truth is she is a kind and sweet woman. She's somehow simple, too. She just went shopping whenever she's stressed, but shopping is not her thing. Kahit na mayaman ang pamilya nito'y hindi ito nagpakalunod sa materyal na bagay. Hindi rin ito matapobre na ikinabilib niya naman dito. Merty is really a nice woman. But she would never be an exception in her revenge. She's too heartless to let her conscience win. Mabait man si Merty o hindi, damay pa rin ito sa kaniyang mga plano. Masagasaan na ang masasagasaan, itutuloy niya pa rin ang mga balak niya.

"Tita Zee, may napili ka na?"

She was brought back to her senses when Merty interrupted her deep thoughts.

"I'm fine, Merty. Alam mo namang wala akong hilig mag-shopping. Besides, marami na rin kasi akong damit," paliwanag niya.

She's telling the truth. Wala naman talaga siyang hilig sa pagsha-shopping dahil hindi siya lumaking nabibili ang lahat ng kaniyang gusto. Isa pa, may taga-bili na rin kasi siya ng damit ngayon. Her best friend always made sure that she wears elegant and classy dresses and clothes. Kung tutuusin, ito na nga ang manager ng buhay niya. She let her best friend do that because that's the only way she could repay her. Ito ang tumulong sa kaniyag bumangon mula sa bangungot ng kaniyang nakaraan. Kaya nararapat lang na suklian niya ito. She'll do everything for the person who molded her into a stronger, fiercer, and fearless lady.

"Kain muna tayo, Tita. Gutom na ako, e." Nagmamadaling naglakad si Merty papasok sa isang fast food chain.

Agad namang sumunod si Zheanne sa dalaga.

Matapos nilang mag-order at magbayad ay kaagad silang umupo sa bakanteng upuan.

"You know, Merty, gustong-gusto talaga kita kasi wala kang arte. Sa yaman n'yo, marunong ka pa ring kumain sa mga ganito kasimpleng fast food chain," panimula niya sa usapan.

Tumitig naman ito sa kaniya habang nakapangalumbaba. "Alam mo, tita Zee, maarte naman talaga ako dati. I admit that I was a spoiled brat na nakukuha ang lahat ng gusto..." Bigla naman itong ngumiti at tumingin sa kawalan. "Not until I fall in love with Dee."

Palihim siyang natawa sa hitsura ng kaharap. Para na itong timang sa sobrang kabaliwan sa pag-ibig. Merty just reminded her of the young, innocent, and stupid Zheanne. Alam na niya ang magiging kapalaran ni Merty. Gaya niya, wawasakin din ng labis na pagmamahal ang buhay nito. She may be stupid before, pero ang importante ay naging dilat na ang kaniyang mga mata sa reyalidad ng buhay. At sa kaniyang pagbabago, wawasakin niya ang buhay ng mga taong naging dahilan ng kaniyang pagdurusa.

"You really love your boyfriend so much. Ano bang nagustuhan mo sa lalaking iyon at ang tindi ng tama mo sa kaniya?" puno ng kuryosidad niyang tanong.

Hindi niya kilala ang nobyo ni Merty. Sa pagkakaalam niya, dalawang taon nang nagtatrabaho sa Australia ang boyfriend nito. She's curious kung anong mayroon sa lalaki at baliw na baliw si Merty rito.

Suddenly, a naughty idea flashed into her mind. Naisip niyang sa oras na makita niya ang lalaki ay aakitin at aagawin niya ito kay Merty. In that way, mararanasan din ng dalaga ang naranasan niya.

"He's perfect, Tita. He's the exact definition of the word perfect. I love all of him, and he's my everything," nakatulala nitong sagot na tila malapit na ngang matakasan ng katinuan.

"Crazy."

"What?" Kumunot ang noo ng dalaga nang marinig nito ang binulong niyang salita.

Ngumiti siya nang nakakaloko at tinitigan ang mga mata ni Merty. "Hinay-hinay lang, Merty. Baka ikabaliw at ikamatay mo ang labis na pagmamahal sa kaniya."

"I'm willing to lose my sanity and life just to be with him," seryosong turan nito.

Magsasalita pa sana si Zheanne nang may biglang lumapit na lalaki sa kanila.

"Hi, Merty!"

Sabay na napalingon sina Merty at Zheanne sa nagsalita.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 99341.76
ETH 3285.44
USDT 1.00
SBD 3.05