Masked Coquette: Ikalawang Bahagi

in #nobela6 years ago

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Para po sa mga nakabasa na ng unang bahagi bago pa man nai-post ang bahaging ito, pakibasa na lang po ulit ng unang bahagi dahil in-edit ko po ito sa kadahilanang hindi talaga iyon ang unang bahagi ng kwento. Napagdesisyonan kong ilagay na lang iyon sa gitnang bahagi para sa mas magandang daloy ng kwentong ito. Maraming salamat po. :)

Ang nakaraan...

Tumayo na rin ang binata at dinampot na rin ang damit nitong nagkalat sa sahig. "When will we do it...again?" interesadong tanong nito habang seryosong nakatitig sa kaniya.

Gumuhit ang ngiting-wagi sa kaniyang labi dahil sa sinabi ng binata. "Kung tatanggapin mo na ang deal," she said while grinning before leaving the room.

Naiwan si Martin sa silid na nakangiti dahil sa kakaibang quick experience na ipinaranas ni Zheanne sa kaniya. She's really an expert, he thought. And he's excited to get her.


"Here she is!" Nakangiti ang sesenta anyos na si Mr. Francisco nang makita niya ang napakagandang si Zheanne.

Agad siya nitong ipinakilala sa mga bago nitong business partners na titig na titig sa kaniya habang papalapit siya sa gawi ng mga ito.

She knew that she deserved those gazes that are full of amusement. She's too gorgeous and amazingly hot. She have a cute face which looks like a doll. Ang mga mata niya rin ay natural na mapungay at kapag tumitig siya ay tila nanghihipnotismo ang mga iyon. She also have a pointed nose na bagay na bagay sa kaniyang mukha. Her lips are naturally pinkish and pouty. Ngunit hindi lang ang mukha niya ang perpekto, dahil perpekto rin hubog ng kaniyang katawan. Her vital statistics are like those of beauty queens. Maganda rin ang kaniyang tindig at sakto lang ang height niyang 5'6". She also have a fair smooth skin. No wonder kung bakit maraming nagkakandarapang big men sa kaniya. Ngunit kung gaano kaperpekto ang kaniyang hitsura ay ganoon naman kapangit ang kaniyang ugali.

"Mr. Nuñez, I'd like you to meet my future wife—Zheanne Santander." Hindi pa rin naaalis sa mukha ng matanda ang ngiti sa labi nito habang ang isang kamay naman nito ay nakapulupot sa kaniyang baywang.

"She's lovely, Mike!" komento nito at bahagyang nginitian si Mr. Francisco. Bumaling din agad ito sa kaniya at inilahad nito ang kanang kamay para makipagkamay sa kaniya. "Nice to meet you, soon to be Mrs. Francisco. Ako nga pala si Anton, one of your husband's business partners," pagpapakilala nito habang tinititigan siya nang malagkit.

Inabot niya ang kamay nito at nakipagkamay. "Nice to meet you, Anton," she said in her most innocent face.

Marami pang kasosyo sa negosyo ng matanda ang ipinakilala sa kaniya. Hindi naman siya naiinip kahit na puro pakikipagkamay at pakikipagkilala lang ang ginawa nila. She's enjoying it actually. Gusto niyang malaman kung sino-sino ang puwede niyang akitin kung sakaling maubos na niya ang yaman ni Mike. One of her goal sa pagpasok sa buhay ng mga Francisco is to dig as many golds as she can. She'll use her seductive power to make all men bow down to her.

Nasa ganoon pa rin silang tagpo nang biglang dumating ang anak ni Mike na si Martin. Medyo nagulat si Zheanne nang makita ang binata na nakikipagsalamuha sa mga business partner ng ama nito kahit nakikita rin nito na nandoon siya. Nasanay na kasi siyang lumalayo ito at umiiwas kapag nakikita siya nito. But not this time. Sa isang iglap ay naging maamong tupa ang dating mabangis na tigre na hindi niya kayang amuin. Tama nga siya, ang katawan niya lang ang solusyon sa lahat ng problema.

"Where were you, Son? Kanina pa kita hinahanap. I thought you were with someone else in a cold dark room kaya ka nawawala," biro ni Mike sa anak.

Lagi nitong binibiro si Martin dahil napakaseryoso nitong tao. Ni hindi nga nito pinagtutuonan ng pansin ang mga babaeng pinakikilala sa kaniya. Ang alam ni Mike ay ni minsan ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend kaya naman medyo nag-aalala ito sa binata. He wants his son to be like him—seryoso sa trabaho, ngunit matinik sa kababaihan.

"Yes, I was. Do you want to know kung sino ang kasama ko in that cold dark room?" He smirked habang pinapasadahan siya nito ng tingin.

Hindi niya inaasahan na ito ang kahihinatnan niya. He's a traitor, she should have known! Kinain siya ng nerbyos habang binibigyan ng matalim na titig si Martin. She thought for a reason kung sakaling magsumbong ito kay Mike. And finally, may naisip agad siyang alibi. Mapagkatitiwalaan talaga ang bilis ng kaniyang utak sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

She calmed down habang pina-practice sa kaniyang isipan ang linyang ibabato niya kung sakaling traydurin nga siya ni Martin. Babaligtarin niya ang binata kapag nagkataon. She's confident with her acting skills kaya alam niyang paniniwalaan siya ni Mike, and that fucking Martin will regret fighting against her.

"Do you mind telling us who this lucky girl is?" nakangiting tanong ng ama nito.

Muli siyang pinasadahan ng tingin ni Martin. Pero hindi niya hinayaang makita nito na nasisindak siya kaya nginitian niya ang binata at binigyan ng makahulugang tingin na tila nanghahamon na sabihin nito sa ama ang ginawa nila.

Martin smirked again at bumaling sa ama nito. "I'll tell you in the right time, Dad. Besides, hindi ko pa rin naman siya nakukuha. She's playing with me, and I'm gonna play with her. I think that's exciting!"

Ngumisi ang matanda at saka ito tinapik sa balikat. "Go ahead, Son! Let's prove to everyone kung gaano kagaling ang lahi ng Francisco. Hindi lang sa negosyo, pero pati na rin sa pagpapaligaya ng babae," mapagbirong wika ng matanda sabay kindat.

Nagsitawanan nang bahagya ang business partners ng matanda dahil sa pagbibiro nito. Hindi na ito bago sa kanila dahil matagal na nilang kilala si Mike at talagang mahilig ito sa mga babae.

"Sure, Dad! Makakaasa kang magiging matinik din ako kagaya mo." Matapos nitong sabihin iyon ay nagpaalam na ito sa ama at sa mga kasosyo nila sa negosyo na mauna nang umuwi dahil may ibang lakad din ito.

Pumayag naman ang matanda dahil tapos na rin naman ang event at nag-uusap na lang din naman sila with his business partners ng kung ano-ano.

Hindi pa man gaanong nakalalayo ang binata ay nagpaalam na rin si Zheanne na sumaglit muna sa comfort room. Ngunit ang totoo ay gusto niya talagang sundan si Martin.

Lumabas siya ng hotel at nakita niya ang binata na naglalakad papuntang parking lot. Hindi niya na muna ito tinawag at patuloy lang siya sa pagsunod dito hanggang sa umabot sila sa may kadilimang parking lot.

"Martin..." tawag niya rito at agad naman itong lumingon sa likod.

Rumihistro ang ngiti sa labi ng binata nang makita siya nito. "Why are you following me, Zheanne? Are you threatened?" Ngumiti ito nang nakakaloko habang tinititigan siya nito.

She grinned and she wanted to laugh pero pinigilan niya.

"I'm never threatened, Martin. You should know that I fear nothing. Actually, I had an adrenaline rush awhile ago. I was really excited for you to tell the truth. You know, I love scandalous scenes and it's my pleasure to have one."

Nagkasalubong ang kilay ng binata dahil sa narinig. Hindi ito makapaniwala na ganoon siya kasama. Her look is too innocent and angelic, at hindi iyon bagay sa ugali niya.

"So, why are you following me, Zheanne?"

Lumapit siya rito at hinaplos ang mukha ni Martin. She gazed at everything in his face like she's examining every detail of it. Hindi maipagkakaila na namana nito ang pagiging mestizo ng ama. He's a little Mike at magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa. Ang umuusbong na bagong kulubot lang ng matanda ang kakaiba sa kanila.

She likes his brown eyes. Talaga nga namang nakalulusaw ang titig nito, pero wala iyong epekto sa kaniya. She's too focused with her goal kaya hindi siya basta-bastang madi-distract. Maganda rin ang hugis ng ilong nito at mapula rin ang labi ng binata na masarap halikan.

Kung isa lang siyang normal na babae, tiyak na mahuhumaling siya rito. Tiyak na sasambahin niya ang taglay nitong tikas at magandang tindig.
Minsan na rin niyang nakita ang katawan nitong may maipagmamalaki. Sa araw-araw ba naman nitong pagwo-work out, malamang ay tutubuan talaga ng masasarap na pandesal ang tiyan nito at magsisitigasan din ang muscles sa braso at paa nito.

He's perfect, pero alam niyang may ibang lalaki pa na mas perfect kay Martin.

"You're staring at me for too long, Zheanne. I'm waiting for your next move," nakangising wika ng binata na siyang nagpabalik sa kaniya sa ulirat.

"I just want to know if you already accepted the deal? Sabi mo kanina that you're gonna play with me. I need your confirmation, Martin," aniya habang ang kamay niya ay nagsisimula nang maging malikot at nagsisimula na iyong humaplos sa dibdib ng kaharap.

"If I say yes, can we do it right now?" tiim-bagang na tanong nito.

"Of course!" With that confirmation ay bigla na lang siyang kinaladkad ni Martin papunta sa sakyan nito.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at tinitingnan kung may ibang tao ba maliban sa kanila. She made sure na walang ibang tao sa loob ng parking space noong lumapit siya kay Martin, pero gusto niya pa ring siguraduhin na wala pa ring ibang tao sa oras na iyon. Nang makitang sila pa ring dalawa ang nasa lugar na iyon ay hinayaan na lang niya si Martin na kaladkarin siya.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Excellent post!

Is it weird that I only poop once a week?

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67388.31
ETH 3311.98
USDT 1.00
SBD 2.74