Masked Coquette: Ikalimang Bahagi

in #nobela6 years ago

ikalimang Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

Mula sa papisil-pisil na ginagawa nito sa kamay niya ay tila naging magnanakaw sa sobrang likot ang kamay ni Lily. Hinaplos nito ang kamay niya papunta sa maskulado niyang braso at iyon naman ang pinipisil. Naglakbay naman ito papunta sa matikas niyang dibdib hanggang sa hindi niya namalayan ang mabilis nitong pagkilos papunta sa ibabang bahagi na naging dahilan upang mag-init ang katawan niya.


Kung saan-saan napunta ang kamay ng babae habang hinahalikan nito ang kaniyang labi. Tila sanay na sanay ang babae sa ganoong galawan dahil hindi man lang nito binigyang pansin ang katotohanang wala sila sa pribadong kuwarto. Kung sabagay ay madilim naman ang puwesto nila at wala na rin namang pakialam ang mga tao sa paligid dahil may kaniya-kaniya rin itong pinagkaaabalahan. Nagsisimula na rin ang sayawan kaya lalong naging wild ang lahat ng tao sa lugar na iyon.

"I want you, Babe!" Naging mapangahas na ang bawat halik ng babae at halatang gigil na gigil na ito sa kaniya.

Nakaramdam na rin ng matinding init si Martin at gusto nang ilabas ang nararamdamang init na iyon. "I want you too, Zheanne!" wala sa sarili niyang tugon.

Kahit ibang pangalan ang bukambibig niya ay hindi iyon pinansin ng babae at tuloy pa rin ito sa paghalik sa labi niya.

Nakakaramdam na ng matinding init ang babae kaya tumayo na ito at hinatak din siya nito patayo.

"Let’s go, babe! Let's go out and get a room!"

Kinaladkad siya nito at dahil hilong-hilo na rin siya sa kalasingan ay nagpakaladkad na lang din siya.

Nakailang hakbang pa lang sila palabas ng bar nang maramdaman niyang may humahatak sa kabila niyang kamay.

"Martin! Saan kayo pupunta? And who is that girl?" tanong ni Nikka habang hindi pa rin bumibitiw sa pagkakahawak sa kaniya.

"We're going to a place where we can have fun and enjoy the night," nakangising sabat ng babae kahit hindi ito ang tinatanong.

"Fun mo mukha mo! Naku, nanggigil ako sa 'yo! Virgin pa itong kaibigan ko at saka hindi siya pumapatol sa bitch na kagaya mo! Kaya umalis ka sa paningin namin kung ayaw mong masira 'yang paa mong nagkukunwaring mukha!" banta nito sa babae.

Tahimik lang si Martin at hindi umiimik. Mayamaya ay naramdaman na niya ang tila pagbaliktad ng kaniyang sikmura na dahilan ng biglaan niyang pagsuka. At kung susuwertihin nga naman, doon siya nakaharap kay Lily nang sumuka siya kaya halos maiyak ito dahil sa ginawa niya.

Kumawala naman ang malulutong na tawa sa bibig ni Nikka. Aliw na aliw itong tingnan ang dugyot na hitsura ni Lily. Hindi na nga nito nakuha si Martin, naaway pa ito. At ang mas masaklap, nagmukha pa itong basahan dahil sa dami ng nasalo nitong suka mula kay Martin.

"Oh-oh! Mas mabuti pang umuwi ka na lang sa inyo at maligo. Sa hitsura mo kasing iyan, kahit na tumambling ka pa, walang papatol sa kalandian mo." Tumalikod na si Nikka at inalalayan si Martin sa paglalakad.

Naiwan naman si Lily na nakatayo at gustong magwala dahil sa sinapit nito.

"Ano ba kasi talagang nangyayari sa 'yo, Martin? Hindi ka naman umiinom dati, ah? At lalong-lalo nang hindi ka rin basta-bastang sumasama sa mga babae! May problema ka ba?" sunod-sunod na litanya ni Nikka sa kaniya habang pinupunasan siya nito at pinapainom din ng tubig.

Nasa loob na sila ng kaniyang kotse at pinaupo siya ni Nikka sa passenger seat habang ito naman ang nakaupo sa driver's seat.

"Alam mo rin bang muntik ka nang ma-rape kanina? Kung nagkataon, mawawala na talaga nang tuluyan ang pinakaiingatan mong virginity," patuloy pa rin nito.

Pero bigla na lang siyang nagsalita na ikinagulat ng kaibigan niya. "Who said that I'm still a virgin?" He laughed like there's really something funny. "Eunice was the first woman. But Zheanne was my second and she will be my last girl! That Zheanne made me go crazy!"

Nanlaki ang mata ni Nikka dahil sa rebelasyong inamin niya. Hindi nito alam kung totoo ang sinabi niya o dala lang ito ng sobrang kalasingan.

Pero bago pa man ito makasagot ay mas lalong nanlaki ang mata nito dahil sa naramdamang biglaang paggapang ng kamay niya papunta sa hita nito.

Nanigas sa kinauupuan si Nikka dahil hindi ito makapaniwala sa ginagawa ni Martin. Tuluyan na ngang kinain ng kalasingan ang utak ni Martin kaya hindi niya mapigilan ang sariling kamay na dahan-dahang gumagapang sa hita ng kaibigan.

"M-Martin..." garalgal ang boses na sambit ni Nikka habang nagsisimula nang mamuo ang pawis sa noo nito.

Ilang beses itong napalunok habang nakatitig sa kaniya. Halatang kinabahan ang dalaga sa maaaring mangyari sa kanila. Hindi rin ito makapaniwalang magiging ganoon kaagresibo si Martin—malayo sa Martin na kilalang-kilala nito.

Tumitig si Martin sa kaibigan habang dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ng dalaga. Hindi na siya nakapagtiis kaya inangkin na niya ang labi ng kaibigan. Nanigas naman ito sa kinauupuan at nanlaki na rin ang mata nito sa eksena nilang dalawa. Hindi ito makakilos at tulala pa rin habang patuloy pa rin siya sa paghalik dito.

"M-Martin...uhmm..." muli nitong sambit sa kaniyang pangalan.

Tuluyan na ring nawala sa sarili si Nikka kaya nagpaubaya na lang ito sa ginagawa ni Martin at tumugon na rin sa paghalik ang dalaga.

"I want you now...Zheanne," nanggigigil niyang wika.

Umigting naman ang tainga ni Nikka nang marinig ang sinabi niya, lalo na nang tawagin niya ito sa pangalan ni Zheanne. Biglang nanumbalik ang tumakas nitong katinuan kaya naitulak siya nito.

"M-Mali ito, Martin..." nakatungo nitong sambit dahil sa kahihiyan.

Napatitig siya nang matagal sa kaharap bago napagtanto ang ginawa niya. Napasabunot naman sa sariling ulo si Martin nang maiproseso ng kaniyang utak ang kabaliwang ginawa niya sa kaibigan. Dahil sa ginawa niya ay maaaring magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Nikka.

Gusto niyang manuntok ng pader at magpakawala ng malulutong na mura dahil sa kagaguhan niya. Hindi siya makapaniwalang magiging ganito kasama ang epekto ng ginawa ni Zheanne sa kaniya. She made him lustful and addicted to her.

"I-I'm very sorry, Nikka. Please forgive me," paghingi niya ng dispensa habang hindi naman siya makatingin nang diretso sa kaibigan.

"Let's go home," malamig nitong tugon.

Pinaandar na nito ang kotse at hindi ito kumikibo habang nagmamaneho.

Napatakip na lang siya sa mukha habang nakapikit na sumandal sa inuupuan niya. Lalo lang tuloy siyang nahihilo sa kaiisip kung paano niya nakayang pagsamantalahan ang bestfriend niya. He deserves a slap from her. Maaari nga rin siya nitong iwan na lang at hayaang magmaneho at madisgrasya sa daan. Pero sa kabila ng kalapastangang ginawa niya ay nanatili pa rin ito para makasiguradong ligtas siyang makauuwi sa kanila.

Ayaw niya muna sanang umuwi sa kanila at plano niya sanang makiusap na sa bahay ulit nina Nikka siya makitulog. Pero malabo na 'yung mangyari. Masyadong makapal ang mukha niya kung itutuloy niyang sabihin dito ang gusto niya. Kaya naman pinabayaan na lang niya itong magmaneho para ihatid siya sa kanila.

Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe pauwi ay hindi niya namalayang napaidlip na pala siya. Naramdaman na lang niya ang kamay na yumuyugyog sa balikat niya.

"Gising na, Martin. Nandito na tayo sa tapat ng bahay n'yo."

Nang maidilat niya ang kaniyang mga mata ay agad siyang tumingin sa labas. Nakita niya namang nasa tapat na nga sila ng bahay nila.

"Dalhin at gamitin mo na muna itong sasakyan ko, Niks." Tumingin siya sa kaniyang relo at inalam ang oras. "Malapit nang mag-alas kuwatro kaya mahihirapan ka nang mag-commute pauwi. Dadaanan ko na lang 'tong kotse ko sa inyo bukas," turan niya sa kaibigan.

"Okay lang ako, Martin. Magco-commute na lang ako. May dumadaan pa namang taxi," tanggi nito sa alok niya.

Hindi na rin nag-aksaya ng oras ang dalaga at bumaba na ito sa kotse niya.

"Niks!" Kahit nahihilo ay nagmadali siyang lumabas ng kaniyang kotse para kausapin ang best friend niya.

"Pumasok ka na sa inyo, Martin. Magpahinga ka na rin para mahimasmasan ka sa kalasingan mo."

Hinawakan niya ang braso ng dalaga at tinitigan ang malamlam nitong mga mata."I'm really sorry, Niks. Please...ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Alam kong ang gago ko para gawin sa 'yo ang bagay na 'yun. Pero hindi ko na 'yun uulitin. And I'll do anything you want patawarin mo lang ako," sinsero niyang saad.

Binigyan naman siya nito ng matipid na ngiti habang nakatitig din ito sa mga mata niya. "I understand, Martin. You're drunk at hindi mo makontrola ang sarili mo dahil sa kalasingan. Kaya mas mabuti pang pumasok ka na at magpahinga. I'm fine. Pero kailangan mong i-explain sa 'kin bukas ang nangyari sa inyo ni Eunice at lalong-lalo na ni Zheanne."

Tumango siya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Una na ako," paalam ni Nikka sa kaniya matapos tumigil sa tapat nila ang taxi na pinara nito.

"Sige, mag-ingat ka at pasensya na rin talaga."

Nang makaalis na ang taxi na sinasakyan ni Nikka ay agad naman siyang bumalik sa loob ng kaniyang kotse. Bumusina siya ng dalawang beses para pagbuksan siya ng gate. Agad naman siyang nagmaneho papasok nang bumukas iyon.

Matapos niyang iparada ang sasakyan sa kanilang garahe ay naglakad na siya papasok sa malaki nilang bahay na maituturing na ring mansyon.

Paakyat na sana siya sa hagdanan para tumungo sa kaniyang kuwarto at nang makapagpahinga na, pero bigla na lang sumulpot sa gilid niya ang isang nakaputing babae. Tila humiwalay ang kaluluwa niya dahil sa gulat. Kung hindi lang siya hilong-hilo ay baka napatakbo na siya nang matulin papunta sa kaniyang kuwarto.

"Saan ka galing?" Malamig ang boses nito na lalong nagpatindig ng kaniyang balahibo.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

akala ko madadali din ni Martin si Nikka, sayang! excited na ako sa release sa Tuesday. may horror na kaganapan pala dito. 😁

Sayang nga lodi. Di bale, baka madale na nga ni Martin si Nikka soon. Hahahhaha. Si Martin pa! Malandi 'yan e. :D

Napabasa ako sa kasunod talaga Jem :D Gusto ko yun twist and turns and pag punla ng mga conflict sa mga karakter. Pero papunta na bang horror ito? O may punchline lang? Aabangan ko yan hehe.

Masaya ako't muli kang nagawi rito, @jazzhero! ❤
Pero abangan nga natin kung magiging horror nga ang susunod na mangyayari o ibang horror. 😂

Sympre since inumpisahan ko na to at madaling habulin panindigan na!

Hahaha si Martin talaga may angking taglay parang si @lingling-ph lang pero babaeng version.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67388.31
ETH 3311.98
USDT 1.00
SBD 2.74