"Word Poetry Challenge #7". Tema : "Simbahan" | Tagalog Edition

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Simbahan"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Simbahan"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Simbahan". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 5 Steem Dollars

1st runner-up - 3 Steem Dollars

2nd runner-up - 2 Steem Dollars

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong June 20, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa June 20, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay ako : @jassennessaj


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

Halaaa.. Sorry. Di ko sinasadya ma.downvote. :( Na.click ko lang kasi. Huhu :( Pero, nabawi ko na po. Upvote sana yun ehhh. :(

Hehe :) Sorry ulit..

Masayang araw po sa lahat, ito po ang aking entry para sa patimpalak
https://steemit.com/wordchallenge/@cradle/word-poetry-challenge-7-simbahan

Ito po ang aking gawa, Sana'y maipagpatuloy niyo po ang inyong napakagandang hangarin, mabigyang pagkakataon ang Pilipinong-Steemian na maipahayag ang kanilang saloobin. Ang Inyong patuloy na paggawa na ibang klaseng patimpalak, ay nagbibgay inspirasyon at nagpapayaman sa wika ng ating inang bayan mabuhay tayong lahat :) https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-7-simbahan

Sir try niyo po itung tula tampo ko sa araw na ito salamat po. https://busy.org/@chrismadcboy2016/word-poetry-challenge-7-simbahan

Narito po ang aking lahok sa patimpalak na ito..sana magustuhan po ng hurado.😊

https://steemit.com/wordchallenge/@blessedsteemer/word-poetry-challenge-7-simbahan-my-entry

Mapagpalang po sa lahat! Narito po ang aking lahok sa patimpalak na ito at sana magustuhan ng ating hurado ang kathang tula ko.😊 at baka magdaog...

https://steemit.com/wordchallenge/@greatwarrior79/word-poetry-challenge-7-simbahan-my-entry

Hahahaha...pasensorry ito lang po ang nakayanan ng aking naliligaw na isipan.