Word Poetry Challenge #7 : "Simbahan"

in #wordchallenge6 years ago (edited)
Magandang araw sa lahat ng kapwa ko steemyans at mga kabayan, ito po ang aking pagtugon para sa patimpalak ni Ginoong @jassennessaj, para sa kanyang word poetry challenge na may temang "SIMBAHAN", Ito po ay aking orihinal na kathang tula, at entry para po sa naturang patimpalak.

images.jpeg

Image Source

Sinubok na ng panahon ang kanyang katatagan, Marami nang pagbabago ang kanyang nasaksihan.
Malimit mo siyang makita malapit sa anyong tubig at lansangan, May iba't ibang hugis, anyo at kakayanan.

May malapad na kampanilya at malawak na bulwagan, Ito ang katangiang tatak ng kanyang katandaan.
Tunog ng kanyang kampana ay ina-abangan, Ito'y nagsasabing halina't magsimba, at misa'y pakinggan.

Saan man tumingin ika'y mamamangha, Sa taglay nitong ganda at bukod tanging arkitektura. Sa loob nito'y iyong masi-silayan, Makukulay na salamin at mga santong puspos ng kabanalan.

church-window-2217785__480.jpg

https://pixabay.com

Sa simbahan tayo unang namulat sa kanyang mga aral, Dito tayo ay binyagan, nagkomunyon at ikinasal.
Sa simbahan rin tayo huling mama-maalam, Bago tayo tumungo sa ating huling hantungan.

Sa lugar na ito tayo madalas humingi at magpasalamat, Para sa ating mga kasalanan at biyayang nata-tanggap.
Dito tayo nakakakuha ng ating kalakasan, Maging gabay at patnubay para sa ating sambahayan.

Dito madalas magtungo ang mga may kailangan, problemado, may sakit at mga nakaupo sa kapangyarihan. Magka-kaiba man ang uri at estadong pinang-galingan, lahat dito ay pantay-pantay, walang lamangan!

Iba't iba man ang paniniwala ng bawat isa, Iisa lamang ang pinang-hahawakang pananampalataya, Iba-iba man simbahan at sektang kina-bibilangan, Iisa lamang ang diyos na nais nating pagsilbihan.

Ang SIMBAHAN ay hindi itinatag upang maging palamuti ng pamayanan, Ito'y itinayo upang pagbuklurin ang sambayanan.
Sa ating SIMBAHAN tayo'y magbigay galang, Dahil dito nananahan ang presensya ng poong maykapal.



Marami Pong Salamat Sa Inyong Pagbasa


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
DQmWnCKh3cwNs3pYUWJfRKS4yEgLk4bCVUL2vY4SsQxNFXA.png
DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4



IMG_20180503_114106.jpg

Sort:  

...nice one kabayan... :)

Maraming salamat sa pagpansin at komento kabayan!

...walang anuman po...

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.035
BTC 66739.07
ETH 3228.97
USDT 1.00
SBD 4.23