Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

in #wordchallenge6 years ago

Simbahan

Nung una kitang makita
Sa harap ng mga bathala
Hindi inaasahan
Na ikay magiging kaibigan

Nalipas ang mga panahon
Damdamin koy pinipikon
Ramdam iyong pagmamahal
Na parang isang banal
Sa pag kislap ng iyong mga mata
Puso koy binihag muna
At dooy minahal na kita
Damdamin koy sinekrito
upang relasyo'y
hindi magbago

Habang akoy nananalangin
Sa simbahang paborito natin
Mata'y sayo nakatingin
Umaasang akoy mahalin
At piliin

Hinawakan aking mga kamay
At sinabing "pangako pasasayahin kita aking kaibigan" ng sabay

Hindi inaasahan na
Hanggang doon lang pala
Ako lamay isang kaibigan
Na iyong pinapahalalagahan
Dahil sa lalim ng pinagsamahan
Kala koy kahahantungan ay simbahan

-@diiicks
Resteem and upvote

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63519.79
ETH 3073.58
USDT 1.00
SBD 3.82