"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"

in #wordchallenge6 years ago

"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"

Bakit sa lugar na ito kapayapaan ang siyang bida?
Ang mga taong pumupunta rito ay may samba
Poong maykapal na nagbibigay halaga
Mga taong pinatawad kahit nagkasala

Kasal, binyag, at iba pa
Ay tanging lugar kung saan papunta
Pagmamahalan at sa kapwa at bagong pag-asa
Mga selebrasyong dito isasagawa

Kadalasang pinupuntahan noong tayo'y minsa'y nauhaw
Sa biyaya at magmamahal, nang Poong may-kapal
Bahay na puno sa mga aral
Puno ng pasasalamat at pagkamarangal

Lahat ay imbitado
Dahil kahit masama ay pwede magbago
Ang mabagsik ay naging maamo
Ang walang paki-alam ay nagsusumamo

Di nais ng Maykapalang salapi't pera
Ang nais nya'y pag-ibig mo di mo ba naaalala?
Dahil hindi nya kailangan ang iyong yaman
Sapagkat siya ay makapangyarihan

Pag-ibig ang siyang may gawa
Apat na haligi ang nalikha
Ang pagsimba ay di para sa lang sa dukha
Ito'y para sa lahat ng nagkasala

Sa buhay na puno ng kahiwagaan
Panlilinlang at katotohanan
Minsan tayo'y nadala sa pera't gahaman
Sa pagkat tayo'y minsan naring pinaglaroan

Ang buhay ay may puot at saya
Kasamaan at kabaitan
Misteryo at mga pagkabunyag nito
Pait at tamis sa mundo

Ang lahat ng ito
Kasama ng lahat ng ating mga plano
Ay ating ibahagi sa Diyos
Sa simbahan man o kahit saan

Pasasalamat

Ako'y nagpapasalamat sa gumawa nitong bukod-tanging patimpalak. @jassennessaj mabuhay ka kapaitid, kasama ang steemph-cebu, @bayanihan at @surpassinggoogle, kayo po ay nagbibigay ng suporta at gabay sa pagbuo ng kumunidad na nagtutulongan sa isang hangarin, Ipagsigawan ang sariling atin, sa wika salita at gawa at ako'y higit na nagpapasalamat sa poong-Maykapal na syang gumagabay, nagbibigay, at nagmamahal sa higit kanino man.

Paanyaya

Inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa patimapalak nang maibahagi ang inyong yaman sa wika na Filipino, ang inyong pagsumite sa inyong mga gawa ay napakagandang pagkakataon. Halina't bigyan ng buhay ang inyong mga gawa, malay mo't ikaw ay mabigyan ng gantimpala #wordchallenge.

Nawa'y nasiyahan o kaya'y nagandahan kayo sa tulang aking ginawa, pwedeng-pwede nyong pindotin ang upvote o kaya'y resteem na buton.

Sort:  

Ang dami pa lang pa-contest, di ko alam ano ang uunahin ko.

Good job sa tulang ito.

Maraming salamat sa pagkagusto mo sa tulang orihinal na ako ang gumawa,, dasal ko na sana'y palagi na ang iyong motibasyon sa pag-steemit at higit sa lahat ang pagmamahal sa maykapal.

Susubukan ko po! By faith!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.17
JST 0.032
BTC 63715.34
ETH 2738.90
USDT 1.00
SBD 2.61