"Word Poetry Challenge #7 : "Simbahan"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"SIMABAHAN"
Orihinal na likha ni
@tinkerrose

Ito ay makikita sa ibat ibang mga lugar dito sa bansa,
Ibat ibang desinyo iyong masasaksihan, ito'y kahanga-hanga,
Ipinapakita ang mga nakaugalian nating pananampalataya,
Araw na lingo, selebrasyon na nakasanayan nating mga tao.

Tunog ng kampana mga tao sa simbahan nagdadatingan,
Indikasyon na tayo na, magsimba dito sa espesyal na tahanan,
Pusong uhaw at galit, dito ay epektibong mahihimasmasan,
Idasal mo lang mga pighati at lungkot, ito’y talagang maiibsan.

Mga salitang may aral at pang spiritual ay ating maririnig,
Tugtog ng mga instrumentong kay ganda ng mga himig,
SA bawat kanta na inaawit, Puso’y napapagaan, ito’y kaibig- ibig.
Mga magagandang balita ay inihahatid, puso mo’y maaantig.

Binibigyang respeto ng nakararami dahil ito ay napakabanal
Dito natin masasaksihan ang mga taong gustong magpakasal,
Binyag ng mga bagong silang, ikakatuwa ng ating may kapal,
Dito natin mauunawaan na tayo ay isang kristyanong may dangal.

____________________________________________________________________________________

Ito ay handog ko sa inyo aking mga kaibigan
Ito ang aking tampok sa patimpalak ni @jassennessaj

Sort:  

Congratulations @tinkerrose! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate to the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @lukestockes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30