Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Tagalog Edition

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Pangarap"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Panibagong Tuntunin : Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #9 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Tagpuan"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Pangarap". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #10 : Pangarap"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 5 Steem Dollars

1st runner-up - 3 Steem Dollars

2nd runner-up - 2 Steem Dollars

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong July 19, 2018 at 11:59 p.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa July 20, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay ako : @jassennessaj


Maraming Salamat sa Sponsor ng Paligsahang ito

@donkeypong

At kay @surpassinggoogle na patuloy na sumusuporta sa mga gawa ng mga makatang Pinoy.

Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

Hello po! Ito po ang aking entry para sa edisyong ito https://steemit.com/wordchallenge/@chameh/word-challenge. Maraming salamat po.

Grabe. Nice to see you participating brad. Congrats by the way for winning! :)

basta feel naq ang theme, gora dayon.. hihihi ^^ Thank you brad! :) Pero dili ra weird akong Tagalog? haha.. Bisaya na pud sunod.. ^^

magandang gabi sa inyo.. ito po ang aking entry.. sana po ay inyong magustohan..
https://steemit.com/wordchallenge/@benotbuday/word-poetry-challenge-10-pangarap

boss akong first entry, naghanap pa ako ng gagawing cover photo.hehe

https://steemit.com/wordchallenge/@mrnightmare89/word-poetry-challenge-10-pangarap

Magandang hapon po: Heto po ang aking entry para sa patimpalak na ito:
https://steemit.com/wordchallenge/@nantzjbalayo/word-poetry-challenge-10-pangarap

Maraming salamat po!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 62480.78
ETH 3045.78
USDT 1.00
SBD 3.91