Word Poetry Challenge #10: Pangarap

in #wordchallenge6 years ago (edited)

LRM_EXPORT_20180717_171914.jpg

PANGARAP

Namulat sa isang masayang pamilya
Manunuod ng telebisyon na sama-sama
Di pwedeng kumain kung kulang ng isa
Upang mapagsaluhan ang handa ni Ina


Hatid sundo kami tungo sa paaralan
Para masigurado yaong kaligtasan
Inspiradong sumasali bawat paligsahan
Dahil sa pinamana mong tibay ng kalooban


Ngunit isang araw ay biglang nagpaalam
Sa ibang bansa ikaw ay makipagsapalaran
Para mapaghandaan aming kinabukasan
Pagtatapos ng pag-aaral ay tiyaking makakamtan


Bawat tunog ng telepono ay inaabangan lagi
Sa mga pangangaral mo’y nakikinig ng maigi
Pinangarap na ika’y makasama na namin muli
Para si Ina ay di na mahihirapan gaya ng dati


Araw, linggo, buwan, taon ang lumipas
Ni tawag o sulat ay wala ng kahit anong bakas
Pagmamahal mo ba sa’min ay sadyang may wakas?
Sana bangungot lang ito para sa sakit ay makaiwas


Para akong ibong nabalian ng pakpak sa kalawakan
Subalit kasama ko sina Ina, Kuya’t Ate na ituloy ang laban
Kahit pagbabalik mo’y walang kasiguraduhan
Ginawa lahat para Pangarap ay mabigyang katuparan


Ngayon abot ko na ang Pangarap na ‘yong binuo
Ngunit wala ka at ‘di alam kung anong nangyari sa’yo
Ama, dalangin namin sana ika’y nandirito
Para ipagdiwang ang tagumpay na aking natamo


hello po sa lahat na mga taga-subaybay sa patimpalak na binuo ni Ginoong @jassennessaj. Muli, ito po ang aking entry para sa edisyong ito na may temang “pangarap”. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na matiyagang nagbabasa ng aking mga akda at sa inyong walang sawang suporta dito sa kumunidad na ito.

Hanggang sa susunod....

FB_IMG_1517815254224.jpg

Sort:  

Get your free $40. All it takes is 5 minutes to get your money. Read the post for more info. I just bought some Steem with the money I got :D

https://steemit.com/free/@kayyam09/did-you-claim-your-free-usd40-yet

steembytes.JPG

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62559.43
ETH 3092.10
USDT 1.00
SBD 3.86