Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Tagalog Edition 🎨

in #wordchallenge6 years ago (edited)

https://s3.us-east-2.amazonaws.com/partiko.io/img/dyinkfinity-word-poetry-challenge-10--pangarap--tagalog-edition-1531557000670.png

Naranasan mo na bang mangarap ng gising?
Yung tila nakapaimposibleng marating?
Na sa t'wing iyong sinasambit, tingin sayo'y baliw?
Aminin ko man o hindi, naranasan ko ito giliw.

"Nagsusulat at nagpipinta ka pala?"
Wika ng isa na may pagmamata.
"Ahh, hindi ako makapaniwala. Wala kasi sa mukha"
Paminsan minsan kong marinig sa iba.

Ni minsan hindi ko rin inakala,
Na ako'y mawiwili sa pagpipinta.
Ngunit sa t'wing ako'y gumagawa,
Labis ang galak ng puso ko sinta.

"Walang lugar ang ganyan sa Industriyang Ito"
Masakit kong narinig kung kani-kanino.
"Maghanap ka na lang ng ibang pagkakakitaan mo"
Kuha ko ang punto, pero paninindigan ko ito.

At sa pagkakataong ito, dito ko napagtanto
Tunay na halaga ng pangarap ko.
Higit pa sa pwedeng kitain ng kakayahan ko,
Ay mga ngiti at motibasyong naibabahagi ko.

-Ito ang pangarap ko 💞


Magandang bati sa lahat! Ako'y naririto na naman para sa isang edisyon ng word challege - Tagalog edition. Nung una pa lang na nabasa ko ang tema para ngayong linggo, lubha na akong nagalak sapagkat akin ng maibabahagi ang aking saloobin ukol sa aking Pangarap Huehue.

Lahat ng nasusulat sa aking tula ay pawang katotohanan at base sa aking personal na karanasan. Nakakalungkot na habang ika'y nangangarap ng mataas, sadyang may iba na pilit kang dinidismaya at hinihila pababa. Ngunit nais kong sabihin sa iyo na, Pangarap ka. Pangarap ka ng malaki at wag mong isipin ang sasabihin ng iba. Magsikap at patunayan na iyong makakayang maabot lahat ng minimithi. Nag umpisa din akong walang kompiyansa sa sarili, ngunit patuloy binabago ng Panginoon ang isipan ko. Nagkaroon ako ng tiwala sa sarili at sipag para aralin ang mga nais ko. Oo, tanggap kong madaming MAS magaling sa akin ngunit hindi iyon naging at magiging hadlang para tumigil ako. Isa pa, iba iba naman kami ng nais at motibo bakit kami nagsusulat at nagpipinta.

Kaya ikaw, oo ikaw. Ano man yang pumipigil sayo upang abutin mo ang Pangarap mo, bitawan mo na at hayaang ang Panginoon ang maging gabay mo. 😊


Thank you for reading! ✨

videotogif_2018.07.06_00.20.36.gif


Posted using Partiko Android

Sort:  

Pangarap kong makarating sa buwan

Edi meow hahahaha. Punta ka NASA dun ka magpaliwanag whahaha

Posted using Partiko Android

Lumipad hanggang doon sa kalawakan

Sige push mo yan te whahaha

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 58254.01
ETH 2971.20
USDT 1.00
SBD 3.89