TagalogSerye : Ikalawang Araw mula sa Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)


Napasabit po ako sa isang madugong hamon ng @tagalogtrail na TagalogSerye. Hango ang hamon sa SteemitSerye na dugtungan ng kwento ang pakulo. Chill lang ako nun una pero medyo nawindang ako kay @johnpd haha. Kakaiba talaga ang pambungad. Sa mga hindi pa po nakakabasa, ang unang bahagi ng kwento ay nakalink sa baba.

TagalogSerye.jpg

Ang nakaraan ...

Hindi na tinapos pang pakinggan ni Lucy ang kwento ni Angelo. Hindi na niya kinaya kaya nagtatakbo na lamang siya hanggang sa kung saan siya dalhin ng mga paa. At sa kanyang pagtakbo, nabangga niya ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo at naka-shades.


galing sa pixabay

Umpfh

Damang dama ni Lucy ang namumuong pasa sa kanyang noo dahil sa pagkakauntog nito sa mala-bakal sa tigas na pectorals ng lalaking naka-shades. Dali-daling namuo ang pagkainis ng dalaga at unti-unting lumabas ang pagka-bruha. Pero … tila isang malamig na tubig ang bumuhos nang masilayan nya ang estranghero.

Nanlamig si Lucy... At nag-init.

‘Besh, iba na to.’ May kung anong karisma ang nakabalot sa lalaki. Pero bukod sa pagkabusog sa mata sa tikas at kaguwapuhan ng estranghero, may isa pang bagay ang pumupukaw sa pagnanasa ni Lucy. Isang kabigha-bighaning amoy: ang bukod-tanging amoy ng PERA.

Armani na tuxedo. Dolce & Gabana shades. ‘Teh, hindi sya ukay’. At halos mapatumbling na si Lucy ng matanaw ang isang itim na Lamborghini sa hindi kalayuan. Kaya’t sa isang iglap, na parang si Sailormoon, biglang nagtransform ang babaita sa pinaka-maalindog nitong anyo.

Duck Lips. Check. Pia Wurtzbach smize. Check. Kembot na parang matatae na. Check.

“Eiyow powz. Lehmown ka bah? Kaszi i-cahw ang leymown ng pusoh ko pows” 😆

Isang malamig na tubig na naman ang bumuhos sa kanya. Wait, literal na pala. Hawak ng estranghero ang isang spray bottle na sya namang ipinangwisik ng tubig sa dalaga, marahil ay dahil hindi kinaya ang pagka-jejemon at paka-waley nito.

Bagama’t tumatagas na ang Chanel na mascara ni Lucy, keribels pa rin daw dahil pasok naman daw ito sa kanyang pamatay na wet look. Winasiwas nya ang kanyang medjo basang buhok ala-baywatch at napatugtog ng background music sa isip:

Pasok Ely Buendia

🎵 Minsan pa ulan bumuhos ka, wag nang tumigil pa.
Hatid mo ma’y bagyo, dalangin ito ng puso ko … 🎶

pssht. Ngayon naman inasinta ng lalaki ang butas ng ilong ni Lucy na syang naging dahilan ng kanyang pagkasamid. Habang abalang sinisinghot ng dalaga ang tubig paalis sa kanyang sinus, nagsimula ng magsalita ang estranghero.

“Pasensya na, time is gold kasi kaya paspasan ang approach ko sayo. Sumama ka sa akin at mayroon tayong mahalagang paguusapan.”

Gusto pa sanang kumontra ni Lucy ngunit naisip ng manahimik nang makitang naka-amba na naman ang spray bottle. Sa huli, ipinakita ng estranghero ang bugkos na dolyar sa loob ng kanyang coat. At gaya ng biktima ng budol-budol gang ay napasunod na lang si Lucy sa lalaki.

“Grabe. Hindi ko naman inexpect to. Lambo sasakyan, tapos karinderia lang tayo. Ate, extra rice pa po!” Okay, masarap naman yun ulam, in fairness. Kaya’t napaparami talaga ng kanin si Lucy.

“So i-recap ko nga yung napagusapan natin ng tatlong oras.” Paumpisa ni Lucy para mabanggit ang lahat ng importanteng bagong plot points sa pinakamabilis na paraan.

“Kinokonfirm mo na ako’y kalahating mortal, na ang aking ama ay isang demonyo, na sya naman ding ama ng muntik ko ng fling na si Angelo. At bukod pa dun, sinasabi mo na ikaw ang kakambal nya na si Debilo. Kaya we therefore conclude na magkakapatid tayong tatlo sa ama”, banggit ni Lucy ng may kaunting pagkainis dahil pwede naman pala i-summarize ang tatlong oras na usapan sa tatlong sentences lang.

Di na rin nya magawang pagdudahan ang kwento ni Debilo, dahil para talagang pinagbiyak na bunga sila ni Angelo. Di rin mapagkakaila ang kakaibang awra ni Debilo na hindi pang normal na tao. Kung si Angelo ay mala-anghel, mas lutang naman ang pagka-mapanganib kay Debilo. Awrang masaabing taglay din ni Lucy.

“Madaling mabali ang katotohanan. Hindi lahat ng makita o inakala mo ay totoo. Magingat ka kay Angelo... At magingat ka din sa akin”, misteryosong bitaw ni Debilo na may kasamang mabigat na hugot habang malayo ang tingin.

“Alam na alam mo iyan. Sinong magaakala na ang isang kabigha-bighaning dalagang galing sa states ay isang halimaw na kumakain ng bato ng tao gabi-gabi.” Medyo kinalibutan si Lucy sa impormasyong alam ni Debilo.

“Dalwang extra rice pa nga ate!” Napakainin sya lalo dahil sa stress.

“Pero may pag-asa ka pa. Ang pamimili mo ng masasamang loob bilang biktima ay patunay na hindi pa nanaig sayo ang kadiliman. Pero hindi mo man tinapos ang kanilang buhay ...”

“Tao pa rin silang nasaktan mo, Lucy. Nagkasala man sila, mayroon pa ring paraan para magbago. At huwag na huwag mong kalimutan na tao ka rin na pwede pang mabago …” , paalala ni Debilo na may aninag ng sinseridad.

Nangilid ang luha ni Lucy dahil medyo na-touch sya sa sinabi ni Debilo. Pero naluha rin sya lalo dahil sa kakaibang kati na naramdaman.

omigehd, na-allergy ako!

Bigla na lang sya napatingin sa paligid, hinahanap ang maaring sanhi ng kanyang allergy. Krus, buntot ng pagi, bawang …. Bawang?!

omigehd, garlic rice pala itong nilapang ko!

Naguluhan si Lucy. Hindi naman sya naapektuhan ng ganito kagrabe kadalasan. Ang bling-bling nyang bertud ay nagsisilbing proteksyon sa kanya upang makapamuhay sya ng mas normal, gaya ng makapag-sunbathing sa Boracay tuwing Holy Week. Nagulantang na lang sya nang makita itong nasa kamay na ni Debilo. Ang pagkakaalam ni Lucy ay sya lang at ang kanyang Ina ang maaring humawak ng bertud-bling.

“Paano?”, sambit ni Debilo na parang binasa ang isip ng natamemeng si Lucy dahil sa tindi ng allergic reaction sa bawang.

“Marahil alam mo naman na ang bertud o anuman nabahiran ng mahikang dilim ay madaling linisin. Isang bendisyon lang at mawawalan na ito ng bisa.”

Napaisip si Lucy kung kailang sya huling nadiligan .. este kung kailan sya huling nabendisyunan. Windang na windang na sya sa kati at sa kakaisip pero wala pa ring mapiga. Nabigyan lamang ng linaw ang mailap na misteryo nang ilabas ni Debilo ang kanina pa nyang ginagamit na spray bottle.

omigehd, Agua Bendita! Hindi yun normal na tubig, Holy Water pala!

omigehd, leche ang kumplikado ng strategy mo!

Sadyang hinang-hina na si Lucy ng unti-unti syang lapitan ni Debilo. Dinukot nito ang nakatagong panyo sa kaliwang bulsa ng mini-skirt ni Lucy. Iyong mismong panyo na ginagamit nya upang patulugin ang kanyang mga biktima bago kunan ng dugo at kidney.

Sa unang pagkakataon nalanghap ni Lucy ang chloroform na makailang ulit nya ng ginamit sa iba.

Itutuloy ...

Bilang ng mga salita: unti na lang 1K na. Bagama't noong una ay plano ko lang sumulat ng isang bahagi na may bilang na 350 na salita, nagulat na lamang ako nang lumobo pa ang gawa ko lagpas sa 1000 salita. Masasabi ko na impluwensya ito ni @johnpd. Haha. Bagama't mahirap, nakakaliw sundan ang kanyang kwento, at gamitin ang mga punlang kanyang itinanim sa simula.

Sa mga susunod po sa grupo, wag po kayo mag-alala at ienjoy lang din natin ang pagsulat. Baka kusa rin pong dumating yun karugtong sa inyo. Ngayon po ay opisyal ko na pong ipinapasa ang pluma ng grupo kay @jemzem. Enjoy po.

Ang Prompts

Ang Maalindog, Ang Nagbabagong-buhay
Ang Pagtakas, Ang Magkakambal, Ang Bilog na Buwan

Ang Ikalawang Pangkat

@johnpd - Lunes
@jazzhero - Martes
@jemzem - Miyerkules
@jenel - Huwebes
@creyestxsa94 - Biyernes

Sort:  

Hahahhahahhah. Kung tawang-tawa ako sa kwento ni @johnpd, napahalakhak naman ako rito sa idinugtong mong kwento, @jazzhero. 😂😂😂
Nakaka-pressure tuloy. Dalawang magagaling ang susundan ko. Kailangan kong mag-meditate mamaya para makapag-isip din ng magandang idudugtong na kwento. 😅
Nakaka-proud talagang maging kagrupo ng mga magagaling na manunulat na kagaya n'yo. 🙌👍

Salamat sa pag-appreicate @jemzem. 😝

Solved na ko kung may napatawa akong isa haha. Sinubukan ko lang magpadala sa nasimulan ni Jampol at iyan po ang kinalabasan. Grabe si Jampol. Siya po talaga may kasalanan neto.

Pero ang napulot ko talaga sa activity na to, masaya rin magsulat ng mga style na bago sayo. Siguradong mageenjoy ka rin sa pagdugtong ng kwento 😉

Sapian n'yo po ako @jazzhero at @johnpd para makapag-isip ako ng magandang idudugtong. Hahahaha. Pero ipu-push ko 'to mamaya. Gagawin kong inspirasyon ang kwento ninyo. Hehehehe

nyahaha! @tagalogtrail tagumpay tayo na mailabas ang kakaibang side ni @jazzhero
napaka-pulido ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari.
ang spray bottle, sobrang nahusayan ako sa pagkakagamit nun
kaya idol na idol kita tito jazz. ang galing ng daloy ng kwento
naging trademark na natin ang sound trip at pagka-Millenial pero pina-level up mo pa sa paggamit ng jeje 😄

Salamat din sa pagkakataong dugtungan ang inyong kwento lodi. Inspirasyon talaga yon! May mga nadiskubre tuloy akong bagong skills, at isa na dun ang trying hard na jejemon haha.

Ang paggamit ng spray bottle ay nainspire sa isang manhwa na nabsa ko kamakailan lang. Yan po talaga naidudulot ng kakanuond ng anime at kakabasa ng manga.

Salamat po sa pagbasa, at sa uulitin lodi.

Hahha opo @johnpd napalabas natin ang kaniyang natatagong katauhan. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o hindi. Pwede bang mag Un-Tito bigla? Hahahah

Hahhaha @jazzhero bro di ko alam na may tinatago ka palang ganitong side. Pasok mga bully este mga tropa na makukulit unahin natin si @adamada

Ang husay bro!

omigehd, ba't ka nagtawag?!

Busy sila Adamada. Wag na nating papuntahin dito lol.
Salamat sa pagbabasa TP; gusto ko na nga itago ulit yang side na yan at i-lock sa baul.
At baka madala ko pa sa everday life haha

Ung tambling po talaga nag.dala ginoo. Hahaha
Hanggang dito ung tambling ndi nawala hahahaha..

Haha. Hindi maiwasan, lagi na lang may tumbling lol.
Yun kinakain ng bida sa kwento muntik ng maging jumbo lomi. Ikaw naalala ko sa eksana na un Cheche hahaha. Extra rice pa!

Oo na jazz matakaw nako at pag.busog nako tumatambling ako hahahahaha.

Pero nice ka talaga sa kwento mo na toh sana ako din bukas na pala ako ..kinakabahan na ako

Hahhaha lol masisira ang concentration mo nyan. Hindi yan busy pag mga ganitong bagay kita mo maya maya lang

Ayan may dumating na tuloy. Si Cheche haha. Salamat sa resteem TP bro.

Tay @tpkidkai, grabe si jazz at yung naunang nagsulat parang iisang tao lang. Natatawa ako sa tin, yung sensual biglang naging magic tapos balik sensual. nyahahahahaha

Kilala ko yung ginamit mong quote tito @jazzhero!
Irereport kita sa cheetah copyrights!
PikupLemon.jpg

Nahihiya ako hahahha sa iyo ata ako nagmana.

Sinadya ko yan Toto. Para pag nakornihan sila sa Jeje ko, Ikaw an ituturo ko hahaha.
Salaamt sa pagbabasa lol. At sa kakaibang pa-contest na to. Parang ayoko ng umulit lol

OMG!!! HAHAHHA! : D Parang mas napressure ako lalo. HAHA :D

Go Tin, 3 days to go pa naman. Ang hirap ata ng last, 4 na kwento yun tatapusin mo :D haha.
Good luck! At ako nama'y ibabaon ko muna sa limot na sinulat ko tong kwento na to

HAHAHA! :D bakit naman? ANg ganda kaya.. :) This deserves to be treasured. :) Tulongan niyo nalang akong tapusin. HAHAHA :D

Omayghad! Bakit anjan ako? Charot. 😂😂😂

Eto b yun kasali kau kamo. Hmmm.

Nako ikaw na ikaw nga yan haha. Jk.
Yep, yan yun dugtungan kwento ng group. Si @creyestxsa94 yun last day.
Sali ka sa discord ni Toto lol. Andun na si Dy ... hanap lang ako ng link.
Eto hehe: https://discord.gg/DjrySR5

Waley ako s Discord eh. Steem.chat lang ako. Keribels lang... Makiki-comment comment n lng muna ako. Hahaha.

uuy @artgirl proxy'han mo nalang ako. HAHAHA :D Na'pressure na ako. LOL :D :D

Hahaha naku. Kaya m yan. Hahahaha. I believe in you. Wag ka ma-pressure jusko kami-kami lang naman magbabasa. Charrr. Hahaha.

HAHAHA! :D Tulongan mo ako ahh. :D

Ahahaha panu b yan d ko nasimulan kwento e d ko p binasa lahat.

Charot charotin m n lng. Hahaha imbento ka lang.

Haha.. :D Takot na nga ako ehh. Baka kainin ako ng mga kagrupo ko pag panget yung magiging ending. waaaaahh! HAHAHA :D :D :D

Ahaha, nako pag ending usually tpos n climax eh. Yung pressure dpat nasa mauna sau. 😂

Nyahahahahaha, this is another side of you @jazzhero. Nakakainis!!! AHAHAHAHAHA grabe, hanggang ngayon tawang-tawa pa rin ako. May tinatago ka palang jejemon sa loob-loob mo. hahahaaahah!!!!

Haha, salamat sa pagtawa. Panandaliang sanib lang yan dahil sa unang bahagi lol.
Baka hindi na maulit, at mukhang ayoko ng ulitin hehe. Excited on reading your part.
Sali daw si Maine din next week :)

dami kong saya. nakakpressure... hahaha. Buhay ang mga salita. Nakikita ko ang mga binabasa ko

Salamat sa pagbabasa Beyond. Hehe.
Natuwa rin ako sa pagkakagawa mo sa akda mong punung puno ng kakaibang elemento at aksyon.
Exciting ang katapusan ng mga kwento natin panigurado.

Hahah ang galing ng transition ng kwento mula

Salamat sa pagbabasa Rodylina. Si Jampol talaga may pakana ng lahat hehe.
Abangan po natin yun idudugtong ni @jemzem. Natuwa rin po ako sa dinugtong nyo sa kwento :D

Hahaha nalerky ako sa storya na to Jazz! 🤣😂 Naintriga tuloy aq sa unang bahagi! Ang husay husay ng pagkagawa! Binasa q tlga mula una hanggang huli! Ako'y magiging tagasunod na sa kwentong ito. Nyahaha

Maine :D Thanks for reading. Kahit ako nabaliw din. haha

Basahin mo rin yun first part ni Jampol (nakalink sa "ang nakaraan" sa taas"). Tapos itutuloy naman ng iba yun kwento.

Sali ka next time hehe. Abangan mo rin yun upcoming entries ni @cheche016 at @valerie15. Kaso sa ibang group sila. Ulitin ko hehe, sali ka next week! haha.

Binasa ko na lahat ng kwento. Pati sa unang pangkat! Tuwang tuwa aq sa mga kwento hahaha!

Inaabangan q na ang ikatlong bahagi ni @jemzem! Nakakabitin! San ka na po? Hahaha.

Wala aqng talent sa tagalog talaga. Pero tingnan natin!

Nakanaks, salamat sa suporta sis hehe.
Nakakatuwa din talaga yun challenge. Try mo Taglish or may halong bisaya.
Kapag bisaya, challenge yun sa susunod na hindi maalam haha

Axuly, na inspire aqng sumubok dahil sa mga kwento nu. Gusto q ung comedy horror na genre. Try q gumawa rin, di q lng i publish qng pangit 😂🤣

Nako, sakto may contest ang @steemph.cebu na ang tema ay kababalaghan. Isali mo yang entry mo :D

Haha. Cge cge try q lang, baka kc chaka 😂 salamat bro!

Meron ulit??? Abah...

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61059.95
ETH 2677.49
USDT 1.00
SBD 2.61