TagalogSerye: Ang Unang Hamon ng Dugtungang Kwento

in #philippines6 years ago (edited)

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...



galing sa pixabay.com

Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Toto, na maghahatid ng bagong pakulong sana magiliwan ng mga Pinoy sa Steemit.

Ang SteemitSerye ay orihinal na pinangunahan ng mga manunulat na sina @sunnylife, @jennybeans, @shikika, @akoaypilipina at @lunamystica. Sa pagsali ng ilan sa mga miyembro ng grupo sa Tropa ni Toto discord, naenganyo rin ang katropahan na harapin ang hamon at saya ng pagkokolaborasyon sa isang akda sa paraan ng dugtungan.

Mga Alintuntunin

Ang #tagalogserye ay kaprehas lamang ng orihinal na Steemitserye na ang pangunahing layunin ay dugtungan ang gawa ng naunang manunulat. Maglalagay lamang po tayo ng mga karagdagang alituntunin upang mas mapaigting pa ang hamon 😉

  1. Ang mga kalahok ay hahatiin sa dalawang grupo na gagawin po sa paraang random.
  2. Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng bilang ng pagkakasunod-sunod (na gagawin din pong random) kung saan ang unang manunulat ay gagawin ang unang bahagi ng kwento sa araw ng Lunes.
  3. Dudugtungan naman po ng sumunod na miyembro ang naunang akda sa susunod na araw hanggang sa makapagsulat na ang lahat ng miyembro sa grupo.
  4. Ang bawat bahaging isusulat ay kailangang may bilang na 300 - 1000 na salita lamang. (Noong una’y hanggang 500 lang po ang limitasyon ngunit mas pinalawig sa kahilingan ni lodi @johnpd)
  5. Huwag pong kalimutan na lagyan ng tag na tagalogserye ang inyong akda. Maari nyo rin po isama ang tagalogtrail kung inyong nais.
  6. Kung maari ay ilagay din po ang link ng naunang akda sa inyong post.
  7. Ang bawat #tagalogserye ay magkakaroon po ng tema na kailangang mailahok bilang sangkap sa kwento (at hindi naman po kailangan maging pangunahing paksa ng akda). Para sa unang #tagalogserye ang tema ay: 💕Pag-ibig 💕
  8. Bukod pa po sa tema, naisipan po ni Toto na mas pahirapan pa ang mga kalahok. Kaya naman meron po kaming ilalagay na paglalarawan ng mga karakter at mga elemento sa kwento na dapat maisama sa kabuuan ng akda:
Mga Karakter
  • Ang Maalindog: Isang babaeng may kumpyansa sa sarili at kayang magpaikot ng tao sa kanyang palad
  • Ang Nagbabagong-buhay: Isang taong nais kumawala sa kasalanan ng nakaraan
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Ang Pagtakas
  • Ang Magkakambal
  • Ang Bilog na Buwan

Karagdagang Paalala

  • Nasa desisyon ng manunulat kung nais nyang maisali ang tema at mga elementong ibinigay bilang prompt.
  • Kung ang mga ito ay ilalahok man sa kwento, hindi ito kinakailangang kasali sa bawat bahagi. Ang mahalaga ay may nabigay na atensyon dito sa kabuuan ng akda ng pangkat.
  • Ang mga prompt ay pinili ng random kaya naman maaring hindi magtugma-tugma ang mga elemento. Good luck na lang po.

Mga Kalahok

Ito ang magigiting na manunulat na tumanggap sa hamon, kasama ang pagkakagrupo at pagkakasunod-sunod:

Unang Pangkat

@tpkidkai - Lunes
@beyonddisability - Martes
@rodylina - Miyerkules
@cheche016 - Huwebes
@valerie15 - Byernes

Ikalawang Pangkat

@johnpd - Lunes
@jazzhero - Martes
@jemzem - Miyerkules
@jenel - Huwebses
@creyestxsa94 - Byernes

Ano ang mangyayari matapos maisulat ang lahat ng mga bahagi?

Pagsasamahin po ang lahat ng mga bahagi upang makabuo ng isang kuwento. Mayroon pong mga panauhing hurado na hahatol kung kaninong akda ang mas maganda, kumpleto at mas matagumpay na nagamit ang mga tema at karakter na ipinagamit. Ang aktwal na pagbabasehan ng pagkapanalo ay nakasaalang-alang na sa konsiderasyon ng mga mapipiling hurado.

Ang magwawaging akda ay itatampok ng @tagalogtrail at magagatimpalaan ang pangkat na sumulat ng 1 SBD na sya namang paghahatian ng lahat ng nakisaling miyembro. At bukod sa lahat, makakamit po ng mananalong grupo ang dangal at papuri galing sa sang-katropahan.

Sa mga kalahok ngayong linggo, nawa’y maging paraan ang #tagalogserye upang mas magkakilala ang mga kapwa manunulat ng wikang Filipino. Nawa’y mas mapukaw din ang inyong pagka-malikhain sa kolaborasyong ito.


Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

Para po sa mga mababait, tumatanggap rin po kami ng donasyon 😅kung sino man ang may nais na dagdagan ang papremyo ng mga kalahok

At sa mga ngayon lang po nakadiskubre sa @tagalogtrail, pwede nyo pong basahin ang aming mga nakaraang ulat:

Lingguhang Ulat ni Tagalog Trail : Abril 15, 2018.

Tagalog Trail: Curation for Filipino Works.
Opo, nagiingles din kami minsan, pero minsan lang talaga

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

OMG!!!! hahahahaa :D eto na siyaaaa!1! :D Naku! Kinabahan tuloy ako. Ako pa pala mag-e-end ng kuwento kasi ako yung huli. Pero, okay lang. :) Tinatanggap ko ang hamon. :D :D

Hahhaha good luck! Laban lang para sa karangalan!

Bakit parang ang hirap ng hamon mo Toto XD @tagalogtrail.

@creyestxsa94, good luck po sa team natin hehe. Ikaw ang magtapos sa sisimulan ni Jampol.

HAHA! :D Oo nga.. :D Ayusin natin ahh.. :D :D Turuan niyo lang ako. LOL :D

Hala kasali pla ako. @beyonddisability ikaw ang susundan ko

Hahaha kaya nyo yan! G lang palagi

Isang masigabong palakpakan para mga kasali sa patimpalak na eto. Goodluck po sa inyong lahat. 😀 @tagalogtrail kami po ay lubos na nagagalak na ang #steemitserye na aming nagawa ay inyong inspirasyon para dito. 😀 Kulang po ang iyong nabanggit sa steemitserye sisters. 😀 Narito po ang kompletong #steemitseryesisters: @sunnylife @jennybeans @akoaypilipina @shikika @lunamystica. 😀😀😀

Hahah ayun kaya pala parang may kulang. Salamat ate @shikika goodluck talaga sa mga sasali sa patimpalak na ito. Nawa'y magkaroon ng exposure ang mga manunulat na sasali at mas dumami pa lalo ang manunulat hindi lamang sa kwento at tula na gumagamit ng ating wika.

Hahahaha. Ayan kompleto na ang #teamjologs #teambuangz :teamaninganing. Hahaha
Atin palawigin ang atin sariling wika. Itaas ang bandera mga kapatid, kapamilya at kapuso. 😀💖

good luck sa mga sasali at mabuhay!
Nakkatuwa at merong ganyan @tagalogtrail
@lunamystica po pakidagdag sya yong nag ending sa #steemitserye
salamat po.

Hihihi salamat po! Ayan updated na ang buong line-up ng steemit-serye sisters @sunnylife

walang anoman:)
alam kung magiging mas masaya yan.
resteem ko na muna.

Goodluck sa mga sasali... Excited na akong magbasa. Maga lodi pa naman ang mga kalahok... Wooohoo, magiging maganda to.

Hahah oo mga lodi talaga sila. Kaya kaabang-abang talaga ang mangyayari.

Mukhang hindi magiging madali ito! Hahahaha. Good luck na lang sa amin. :D

Hahah sa bilis at husay mong gumawa @jemzem yakang-yaka mo din itong challenge na ito. Mga lodi na kayo talaga.

Pero ang hirap din sundan ng dalawang nauna sa akin na mas lodi sa grupo namin. @jampol at @jazzhero. Good luck na lang sa amin nina @jenel at @creyestxsa94. 😂

HAHA! :D Kaya nga ehh.. :D Kaya yan!!! :) :) Tiwala lang. :D

Kaya natin ito! Para sa premyo este para sa grupo! Hahahaha

oemdyi. o sya sige po

Heheh Oemdyi talaga @beyonddisability! Pero ayos lang yan yakang-yaka niyo iyan!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60497.39
ETH 2637.52
USDT 1.00
SBD 2.56