TagalogSerye : Unang Araw mula sa Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago

Dear @tagalogtrail,

Alam kong nabanggit na sa'yo ni @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika at @lunamystica ang buhay ng aking tita na si Aileen kaya sa'yo na ako sumulat para mailabas ang lahat ng aking saloobin. Ako ang nag-iisang anak ni mama Analyn, ang kakambal ni tita Aileen na itinago sa kanya nang mahabang panahon. Opo, tama po kayo. Pinsan ko nga sina Teresa at Reese, na siyang anak ni tita Aileen kina tito Mark at tito Richard. Gusto ko sanang ibahagi ang suliranin ko sa buhay at umaasa na mabigyan pa ng solusyon habang maaga pa at hindi pa malala ang sitwasyon. Hindi ko kilala ang aking ama at ayaw din ng aking ina na matagpuan ko ang aking ama. Ipinagkait sa akin ni Mama ang kaligayahan na mamuhay na may kinikilalang haligi ng tahanan. Kaya nanawagan po ako sa inyo, pati na rin sa aking mga Facebook friends, followers sa twitter, upvoters sa Steemit at sa mga peymus kong frennies na paki-share po itong post ko. 1 Share = 1 Love. Hype na social media account yan, qiqil nyo si acquoh. Hanggang dito na lang muna, sasamahan ko muna si inay sa aming rude trip. Sa mga bashers ko, don't be road, OK? Babush!

"Pwede na kaya ito? Makakaabot kaya sa mga awtoridad ang mensahe ko na ito?", nangangambang tanong ni Lucy sa sarili.

"Bilisan mo anak, kailangan makarating tayo sa Caloocan bago mag-dilim. Doon muna tayo titra kina mareng Estela. Mas magiging ligtas tayo doon. Natunton na ng mga tumutugis sa atin na nagtatago tayo sa bahay nina Aling Marilyn.", pagmamadaling utos ng ina.

"Pero Mama, kung lilipat na naman tayo ng tirahan, paano na ang mga manliligaw ko na nagreregalo sa akin ng yacth, hotel, Lamborghini atsaka Helicopter?", pagmamaktol nito. "Atsaka saan ko ipa-park itong ferryboat na niregalo sa akin nung may-ari ng Resorts World??"

"Taragis na yan! Sa galing mo magpa-ikot ng lalake, kayang-kaya mo agad mapalitan ang mga 'yan, anak."

"K.", matipid na sagot ni Lucy. At sila ay humayo na.

"Mama, inabutan na tayo ng dilim sa daan. Nagsisimula na naman kumati ang mga palad ko..."

"Tiisin mo lang 'nak, malapit na tayo."

Pasado alas otso na ng makarating sila sa bahay ni Estela sa Caloocan. Pagkadating nila, iniligpit muna ang kwartong kanilang tutuluyan para doon sila makapagpahinga. Malaki ang bahay subalit si Estela at ang anak lamang nito na si Erika ang nakatira doon.

Eksaktong alas dose na ng hatinggabi nang tumugtog ang batingaw ng malaking antigong orasan na nakatayo sa may sala sa baba. Oras na para kay Lucy na magpalit-anyo...

🎵Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang nanaman sa'yong apoy🎶

Kinakanta ni Lucy habang nagpapahid ng langis sa katawan. "Gusto ko sanang kainin si Erika pero respeto ko na lang kay ma'am Estela sa pagpapatira sa amin sa bahay nila." At nakapagpalit na ito ng anyo. Mga kukong mahahaba at matutulis; pangil na matalim at matibay; dila na kasing-haba ng kanyang mga biyas; naninilaw ang mga mata; gulu-gulong buhok na parang na-rape ng sampung manyakis na Hokage; kulubot at manas na mukha na parang nilagyan ng prosthetics sa napapanood ninyong horror movies; pakpak na tulad ng sa paniki; at kulay berdeng balat na may batik ng purple. Isang nakakakilabot at kagimbal-gimbal na nilalang ang mababanaag sa pagpapalit anyo niya. Suot-suot pa niya ang bling-bling sa leeg na nakasulat ang mga katagang "Like A Boss" habang humihiwalay ang kalahating katawan pang-itaas mula sa pagkakakabit sa bewang nito. Isang kampay pa ng pakpak nito at tuluyan na siyang pumailanlang sa kadiliman ng gabi. Larawan siya ng isang Millenial na Manananggal. At tanging ang sinag mula sa liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw na gumagabay sa direksyong nililiparan ni Lucy.


Millenial na Manananggal

"Gutom na ako, kailangang makahanap ako ng snatcher, holdaper o rapist na pwede kong kainin ngayong gabi." pagsasaad niya habang naghahanap ng mabibiktima.

Kalaban nga ba si Lucy o maituturing na bayani ng ating lipunan? Hindi siya pumapatay ng inosenteng tao. Tanging masasamang loob lamang ang binibiktima niya. At hindi rin niya pinapatay ang mga nabibiktima. Sinisipsip lang niya ang dugo ng mga ito at papaamuyin ng panyo na may halong amoy ng pampatulog. Pagkatapos, gamit ang kanyang Medical Skills na natutunan sa Harvard, hihiwaan niya sa katawan ang biktima sa pamamagitan ng matatalas na kuko. At dudukutin at kakainin ang isang kapares ng kidney. Ititira ang isa pang pares para manatiling buhay ang biktima, subalit may iniindang sakit. Ganun ang kanyang pamamaraan. At kidney at dugo lamang ng masasamang-loob ang napagdiskitahan niyang lamunin.

Pero itong gabing ito, hindi isang ordinaryong gabi lamang. Ito na pala ang gabi na magpapabago sa love life ni Lucy. Habang kinakain niya ang kidney ng isa sa mga biktima niya, meron palang nagmamanman sa kanya. Isang lalake na may hawak ng baril at nakatutok sa kanya. Nangingilabot ang lalake sa hitsura niya. Mariin itong nagmamasid kay Lucy at nanginginig ang mga daliri na kinalabit ang gatilyo ng baril.

BANG!

Isang mabilis at nakasisilaw na liwanag ang biglang lumitaw. Pagkawala ng liwanag, wala na rin si Lucy. At wala na din ang kidney na kinakain nito.

"Sino ka? At paano mo ako nadala dito sa rooftop ng building?", pagtatanong ni Lucy sa nagliliwanag na nilalang.

Unti-unting nawala ang kislap nito at sa kanyang pigura, ang hulma ng isang makisig na lalake... isang tao. Ang nagligtas kay Lucy sa kapahamakan ay nasa kanyang harapan, sa anyo ng isang tao.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. O kung Angelo man ang pangalan ko. Ang mahalaga para sa akin ay ligtas ka."

"Wow! Gumaganon pa siya. O sige, tenks! Gusto mo ba ng kiss? Or hug?"

"Oo sana pero bumalik ka muna sa anyong tao mo. Medyo hassle kapag nadudunggol ako ng dila mo kapag nag-torrid tayo eh."

"Grabe ka naman! O siya, eto na!", at sa pagsigaw ng Doobi doobi dapp dapp(3x) Doobi doobi dipp dipp ay bumalik na siya sa kanyang anyong-tao.

"Ayan, maganda ka na ulit." 😍

"Stalker ka siguro. Bakit alam mo na maganda ako kapag tao na ako?"

"Excuse me! Admirer! Kapag panget, un ang Stalker. Pag gwapo, Admirer tawag dun."

"Whatever!"

At pinalipas ng dalawa ang magdamag sa pagkwekwentuhan at pagkilala sa isa't-isa. Bumilang pa ng mga dalawang buwan at nakagawian na ng dalawa na magkita at mag-usap tuwing hatinggabi. Mabilis na nagkapalagayan ang kanilang mga loob. Nahuhulog na ang damdamin nila sa isa't-isa. Kaya kinumpronta na ni Lucy si Angelo.

"Magtapat ka nga sa akin, type mo ba ako?"

"Oo pero hindi tayo maaaring magkaroon ng relasyon.", madiing pagbigkas ni Angelo.

"Dahil ba isa akong Manananggal? Ouchy! Beshycake, mahapdi. Huhuhu" 😢

PASOK MOIRA!

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi

"Hindi un ang dahilan."

"At ikaw ay isang Anghel", maluha-luha na si Lucy na nagsasalita. "Napanood ko sa DLIVE na may nag-post ng video, nakuhanan ka habang nagta-transform bilang Anghel. Kaya ba hindi tayo pwedeng magkatuluyan?"

"Oo Anghel nga ako. Pero hindi din iyon ang dahilan."

"Eh ano? KJ mo ah! Choosy ka pa ba?"

"Ang iyong ama..."

"Ano ang alam mo tungkol sa aking ama?"

"Ako..."

"Huh?! Wag mong sabihing ikaw ang aking ama?!", gulantang si Lucy..

"Ang shunga naman neto! Malamang hindi ako ang ama mo. Dalawang taon lang tanda ko sa'yo eh. Bobitang 'to!"

"Eh ano nga kasi?"

"Ang iyong ama, at ang aking ama..."

"Ay magkatropa? O, ano naman problema dun?"

"Langya! Patapusin mo muna kasi akong magkwento."

"Go!"

"Ang ama mo ay isang demonyo."

"Tama ka! Inabandona kami ni Mama ng aking ama. Mas masahol pa siya sa demonyo! Hayup siya!"

"Literal na demonyo. As in diablo."

😱😱😱 Ang tanging tugon ni Lucy

"Ni-rape niya ang iyong Mama nung mapagkatuwaang laruin ng Mama mo ang OUIJA Board. Lumabas ang demonyo mula sa maitim na usok at paspasang ginahasa ang iyong ina. At ikaw ang bunga ng kahayupang iyon.", patuloy na pagkwento ni Angelo. "Anak ka ni Lucifer."

😲😲😲 Puro emoticon na lang ang naging sagot ni Lucy

"Ikinwento iyon sa akin ng aking ina."

"Dahil ba demonyo ang aking ama, kaya hindi na tayo pwedeng magkarelasyon?", garalgal na tinig mula kay Lucy.

"Hindi din iyon ang dahilan."

"Eh ano? Dami mo naman alibi. Peste!"

"Ang aking ina ay isang anghel. Ginahasa din siya ni Lucifer..."

Hindi na tinapos pang pakinggan ni Lucy ang kwento ni Angelo. Hindi na niya kinaya kaya nagtatakbo na lamang siya hanggang sa kung saan siya dalhin ng mga paa. At sa kanyang pagtakbo, nabangga niya ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo at naka-shades.

Itutuloy...



Patawarin sana ako ni @jazzhero dahil sa pagpapahirap sa kanya. Naging crossover na ng iba't ibang maikling kwento ang nangyari. Ang pagbanggit kay Estela at Aling Marilyn mula sa mga nauna kong naging mga akda at ang pagpapatuloy ng lahi mula sa angkan ni Aileen na nagbida sa naunang SteemitSerye sinamahan pa ng malikot at makating imahinasyon ko, Maaaygaaad! Labu-labo na ang lahat.
Gayunpaman, sana naibigan ninyo ang aking kakornihan at sa ilang mga jokes na hindi gaanong nakakakiliti at hindi akma sa inyong panlasa. Muli po, humihingi ako sa inyo ng paumanhin. Sagad na ang mapagbigyan ako sa bilang na isang-libong salita, pero hindi ko pa rin iyon nasunod. Sadyang may katigasan siguro talaga ang aking ulo o masyado lang akong mabulaklak magkwento kaya pilitin ko man na limitahan, palagi pa rin lumalampas.

Para sa mga susunod pang kwento abangan ang likha ng Ikalawang Pangkat
@jazzhero - Martes
@jemzem - Miyerkules
@jenel - Huwebes
@creyestxsa94 - Biyernes

At konting paglilinaw na rin po, hindi namin kalaban ang unang pangkat. Dahil ang kalaban namin ay ang mga demonyo sa aming kalooban. Ang takot, hiya at duda para simulan ang pagsusulat ng kwento sa wikang Filipino. Nawa'y magapi nating lahat ang takot na iyon. At mapaglabanan ang demonyo na pumipigil sa iyo para magsulat.

Narito naman po ang Unang Pangkat
@tpkidkai - Lunes
@beyonddisability - Martes
@rodylina - Miyerkules
@cheche016 - Huwebes
@valerie15 - Biyernes

Sort:  

@jampol totoo yan. Ang hirap hahaha. Bukod sa wala ako kaalaman sa pagiging millenial, napapaisip din ako ng husto kun pano susundan ang ganitong nakakaaliw na simula.

Pero tama ka. Kailangan daigin ang takot sa pagsulat. Try ko yan bukas.

naniniwala po ako sa husay ninyo @jazzhero
wag po kayo masyadong mag-alala. nakasalalay sa kamay ni @creyestxsa94 ang ating 1SBD dahil sa kanya ang ending at conclusion nyahaha! 😂

Oh my goosh! HAHAHA :D #feelingpressured :D di ko pa nabasa.. Basahin ko later. Masakit kasi tiyan ko eh.. Di ako makapag concentrate magbasa ngayon.. Don't worry. Papaturo lang ako sa inyo. HAHA :D

pak thrilling...ito ang gusto ko horror comedy.

heheh 😁 pwede nyo naman hiramin si Lucy at isama sa inyong gagawing kwento. mas mag-eenjoy si @tagalogtrail kapag labu-labo na mga characters 😂

Hahahah grabe sya o! Pero mas magulo mas masaya. Mas masaya mas magulo!

OMG!!! Nabasa ko na siya. HAHA :D Ang galing galing mo naman mag kwento. Napressure tuloy ako bigla. :D Ako pa naman magtatapos ng kwento. Naku nakuuu!! HAHAHA :D

Wag kang ma pressure di nila binanggit na ang 1SBD na premyo ay nakasalalay sa iyong mga kamay.

HAHAHAHA! :D Nakuuu! Inulit pa talaga ehh.. :D :D :D

Dear @johnpd,

Lubos naming naibigan ang paghahahalo-halo ng mga elemento mula sa mga dating karakter ng likha hanggang sa mga maligno at hindi kagandahang elemento. Witwiw! may pa anghel din!

Tito @jazzhero di naman sa prinepressure ka namin pero galingan mo pa lalo

Nagmamahal,

Toto ng @tagalogtrail

Maygad! Ang galing-galing nito, @johnpd. Ito palang e panalo na. Kaya naman, hindi na lang kami magsusulat. Hahahha joke lang. Isang karangalan na maging kagrupo ninyo. Simula pa lang pero pak na pak na ang kwento. Sobrang nakakaaliw at nakakatawa. Hindi pilit ang pagpapatawa at talaga namang natural na natural. At tama nga, wala tayong kalaban dito kundi ang sarili natin. At sa pagtanggap pa lang ng hamon ay panalo na tayong lahat. At ipapanalo naman tayo ni @creyestxsa94 kaya solve na. 😂 Mabuhay! 🎉

sigurado ako na madami pa lilitaw na mas magagaling at mahuhusay magsulat. at isa ka sa magpapaganda ng kwento na ito @jemzem
nyahaha! humanda ka na para bukas 😄

Naku po! Mapapaaga nga ako sa paghahanda e. Dinugtungan na kasi ni @jazzhero ang kwento mo. Baka hindi rin ako makatulog nito sa pag-iisip ng idudugtong. Hahahah

Relate. Matutulog na lang po ako, iniisip ko pa rin yun kwento ni Jampol hehe. Looking forward po sa karugtong :D

Wahahahha Lodi ka talaga @johnpd

pasok Vice Ganda!

Boom Panes! Boom Boom Panes panes!

sambahin si pinunong @tpkidkai

Boom Shigi Shigi Maka Shigi Uwa

(repeat 4x until fade)

Hahahaha!!! Tawang tawa aq dito!

Hello @johnpd you will be included in our daily featured post as recommend by @tpkidkai. As part of being featured you are given the opportunity to recommend another steem blog-post which you think should also be included in our daily article. You may reply the link of your recommendation with a short explanation why it should be included. We hope to hear from you soon.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61111.24
ETH 2687.89
USDT 1.00
SBD 2.61