TAGALOG SERYE VI: IKA-PITO AT HULING BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT - UMPISA NG KATAPUSAN

in #tagalogserye6 years ago (edited)

mapagbunying gabi sa ating lahat ng mga sumusubaybay sa tagalogserye ng ating maalamat na mamag na si @tagalogtrail. Ngayong gabi ay ihahatid ko sa inyong lahat ang katapusan ng kwentong kinahumalingan nating lahat at minahal pero sa katotohanan, kinuwestyon ko ang katinuan ng mga naunang sumulat, at sa ngayon marahil ay kukuwestyonin nyo rin ang katinuan ko kung bakit ko nagawang tapusin ang kanilang nasimulan.

Kung nais ninyong mabasang muli ang mga naunang akda, maari lamang na sundan ninyo ang mga sumusunod na link:

Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi
Ika-apat Bahagi
Ika-limang Bahagi
Ika-anim na Bahagi


Ang Nakaraan...

Tutan!! Tutan!! Tutan!! sabayang sigaw ng mga Guardians of Eathia, bahagyang napatigil ang lahat habang hagalpak sa pag tawa ang kalaban, Nagimbal silang lahat sa naganap. Tulungan ninyo si Kapitan Tutan, ani MasterMT na pansamantalang tumirik este tumindig na pinuno ng grupo.

Samantala...

Sige na bebe, patikim nako niyan(nang siopao), buong pagsusumamo ng manyakis este mahilig ay este masamang siyentipikong(bakit ako'y namamali?) si Dr. John D. Paul sa babaeng siopao. Lingid sa kanyang kaalaman ay paparating na si MasterBate(typo MasterBeat ho yan) sa kanyang kinakukublihan.


Nag alala ang lahat sa kinahantungan ni Kapitan Tutan, maski si Captain BD di mawari kung ano ang gagawin, tila sinisisis ang kanyang sarili sa sinapit ng kanyang ama.

"Itay! Gumising ka itay, di na galit si inay!" nagmamakaawang wika nito sa kanyang tila walang buhay nang ama habang hawak-hawak nya ito sa kanyang mga bisig. Mataimtim na nanalangin si Captain BD na gumising ang kanyang ama, at tila isang milagrong dumilat ng marahan si Kapitan Tutan at ngumiti sa kanyang anak, at muling nawalan ng malay tao. Marahang inilapag ni Captain BD si Kapitan Tutan sa isang ligtas na lugar, at bumaling kay 2tripleKen Doll.

"Kagagawan ninyong lahat ito. Una ang aking mga matatalik na kaibigan, muntik na silang maging EXKO kahit hindi naging kami, tapos ang mga kanayon ko sa Antipolo, tapos ngayon ang aking ama." Nanlilisik ang mga mata ni Captain BD at sumigaw sya ng ubod ng lakas. may kung anong pwersang bumalot sa kanya, at kasama na dito ang di masukat na galit at paninibugho. "Humanda kayong lahat! Uubusin ko lahat ng lahi nyo!" "Grraaaaaaahhhhhhhhhh!!!"


Samantala...

Natuklasan ni Master Beat ang kinaroroonan ng mahilig, este, masamang si Doctor John D. Paul. Nakapanghihilakbot ang laboratoryo ng naturang doctor, mga mga babaeng nakatali at walang saplot, tila isang eksena sa malaswang pelikula. Lahat ng mga kababaihang ito ay tila walang malay, at nasa ilalim ng epekto ng droga ni Doctor John D. Paul upang hindi sila makapalag sa tuwing hahalayin sila ng naturang doctor. Ito pala ang paraan ng pagpapadami ng mga EXKO, kukuha si doctor John D. Paul ng mga pa-walk sa tabi-tabi at gagawing sex slave para punlaan ng kanyang genes na may halong genes ng insekto. At pag nabuo na ang embryo sa loob ay aanihin na ito ni Doctor John D. Paul, at ilalagay sa nakaabang na test tube, at doon na mag uumpisa ang accelerated growth process sa tulong ng kanyang mga makabagong kagamitan sa agham. Nilibot ni Master Beat ang kanyang mga mata at hindi nya halos mabilang kung ilang pa-walk na ang nasabat ni Doctor John D. Paul. Halos ang buong palapag ay puno ng mga naka taling sexslave na pa-walk.

"Santisima Trinidad!! Kayang punlaan ni Doctor John D. Paul ang ganto karaming sinapupunan? Grabe, anong gamot kaya iniinom ng walang hiyang iyon. Samantala ako 2 palang pagod na, at lupaypay!!" "Bilib na ako sa kanya!" bulalas ng hanggang ganyo'y di parin makapaniwalang si Master Beat.

Nang mahimasmasan si Master Beat sa kanyang pagkabilib kay Doctor John D. Paul ay mabilis nya itong hinanap at nakitang kasama ang isang maputi at maalindog pero mejo malaman na babae, sinusuyo ito ng doctor at pilit na kinukuha ang kanyang loob.

"Ano bang kailangan kong gawin siopao my loves? Kaya ko ibigay sayo ang lahat, malapit ko nang pamunuan ang sang sinukob, ikaw na lang ang hindi ko napapaamo." wika ng doctor.

"Masama kang tao John, hindi na ikaw ang dating John na nakilala ko, naging alipin ka ng iyong galit at pagkamunghi sa buong munod, lahat tinalikuran mo na, pati ang iyong pagkatao!" humihikbing tugon ng dalagang siopao.

"Ngunit may loves, ginawa ko lahat to para tanggapin mo ako! Nagbago ako para sayo, naging makapangyarihan para hindi nila ako pagtawanan, lahat yun para sayo, ano pa bang kulang!?" galit naman na tugon ng doctor.

"Walang kulang John, kung tutuusin pa nga sobra, sobra ka na, sobra na ang ginawa mo! Hindi na kita mahal!" sagot naman ng dilag.

"Pero pano ang puson ko!? Este puso ko? di ko na kayang pigilan to, sasabog ako pag hindi ko ito nailabas sayo, itong pagmamahal ko." Tila nahihirapang sagot ng doctor.

"Hindi mo ako mahal, gusto mo lang ako gamitin gaya ng mga pa-walk mo. Pwes kung ganun mag dusa ka jan!" at tuluyan nang lumisan ang dalagang tila mukhang siopao.

Sa sobrang sabik, este, galit ng doctor hindi na nya kinaya at tuluyan nang sumambulat ang puson, este puso nya na sya namang kinamatay niya sa kinatatayuan. Nasaksihan ni Master Beat ang nangyari sa doctor at nakaramdam sya ng tila pinaghalong tuwa at lungkot, tuwa dahil wala na ang pinagmulan ng lahat ng kasamaan ng mga hayop na EXKO, ngunit mayroon ding lungkot dahil sa kanyang nasaksihan, na kaya pala nagkaganun si Doctor John D. Paul aka Master Lee Bug ay dahil sa kanilang mga pangangantyaw at panunuya dito.

Pagkatapos ng mga naganap sa laboratoryo ay mabilis na pinuntahan ni Master Beat ang mga babaeng nakagapos at saka sila hinalay, este niligtas sa kanilang kinasadlakang kapalaran. Pinag iisipan nya muna kung bibigyan nya ba ng masusuot ang mga babae o hahayaan nya na muna ang mga pa-walk na ito. Pero napag desisyunan niyang bigyan na lang sila ng masusuot, mini skirt na kasing ikli ng good morning towel at manipis na spaghetti strap na blouse na parang bio degradeable sa nipis at see through.
At isa-isa silang inilikas at pinatuloy muna sa kanyang tahanan upang na debriefing sa mga masasamang nangyari sa kanila, at ang iba, yung mga bata bata pa ay tinatanong nya kung gustong sumali sa kanyang foundation, ang Pag-aaralin kita iha foundation, na naglalayong mapag-aral ang mga kabataang nais mag tapos pero walang pang tustos, si Master Beat ang bahala sa gastos.


Samantala... Ulit...

Hindi parin tapos sa pag-sigaw si Captain BD at nangangalay na ang kanyang mga panga, kaya papatigiling na natin sya. Agad syang mabilis na sumalakay kay 2tripleKen Doll, pinaulanan nya ito ng nag aapoy na suntok, at malakidlat sa bilis na mga sipa. Walang magawa si 2tripleKen Doll kundi ang umilag at salagin ang mga atake sa kanya ni Captain BD. Ngunit kahit nakaka salag si 2tripleKen Doll, ramdam nya parin ang bigat ng mga binibitiwang atake ni Captain BD, tumagal ng mahabang oras ang kanilang bakbakan at tila papalapit na sila sa sukdulan ng kanilang pagniniig, este pag tutuos, nang maramdaman ni 2tripleKen Doll na nawal bigla ang kanyang lakas.

"Doctor!!" hikbi nito, tila naramdaman ng lahat ng mga likha ni Doctor John D. Paul na wala na ang kanilang maylikha, at unti-unti nang nililisan ng lakas ang kanilang katawan, ang galit ng doctor sa mundo ang siyang nag sisilbing gasolina ng mga ito upang mabuhay ngunit ngayong wala nang buhay ang doctor tila isang sasakyang natuyuan sila ng gasolina at isa-isang tumigil sa pag andar, at habang nanghihina si 2tripleKen Doll.

Sinamantala ito ni Captain BD. Nagpaulan siya ng sunod-sunod na suntok, tinapik-tapik pa nito ang magkabilang pisngi ni 2tripleKen Doll habang binabanatan nya ito at maririnig ang mga daing ni 2tripleKen Doll "igh, igh, igh!!" at sa huli ay isinagad na ni Captain BD ang lahat ng kanyang kayang ibigay. At pumusitsit ang isang mainit, malapot at malagkit na dugo mula da ilong ni 2tripleKen Doll, at nalunod sya kanyang sariling dugo na sya niyang kinamatay.

Kasunod nito ay ang pagdating nila Master MT, Master JackCold at iba pang Defenders of Earthia na nag wagi sa kani-kanilang mga laban, nag wagi sila kasi nga nanghina na ang mga kalaban nila. Malas lang...

nagtungo ulit si Captain BD sa kinalalagyan ng kanyang ama, may malay na ito, ngunit naghihina parin, at niyakap siya ng kanyang anak.

"Itay, salamat sa Diyos at may malay ka na. Nag alala ako sa inyo ng husto." Madramang bigkas ni Captain BD sa kanyang naghihina paring ama, at nagpakawala si Tippy ng kanyang makamandag na killer smile. At may itinuro sa di kalayuan, sa direksyon ng itinuro ni Tippy, nandoon naghihintay si Min-min at Rodylina. At mataimtim na nag-group hug ang mga magkakaibigan. At nangako sa isat-isang, hinding hindi na ulit sila magkaka hiwalay, at magtutulong tulong na iangat muli ang nasadlak nilang bayan ng Antipolo.


### Dito na po nagwawakas ang aming kupunan para sa hamon ng dugtungan para sa linggong ito, muli po, ito po si @jamesanity06 na hiyang-hiya sa mga pinagsasasabi ko dito, pero as usual, katuwaan lang, ang di makagets, mahina. Maraming salamat sa pagbasa.


Bilang ng mga salita: di ko na mabilang
Pinagkunan ng mga larawan 1, 2, 3



©@jamesanity06

Unang Pangkat
@romeskie , @cheche016, @johnpd, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26

Ikalawang Pangkat
@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Rescue
Transformation
Slavery

Tema ng ika- Anim na Serye
Sci-Fi
Mga Karakter

Hero: Guardians of Earthia, Captain BD, Kapitan Tutan etc.
Villian: 2tripleKen Doll, Pepe Co, EXKO, John D. Paul etc.


Balik Biyaya Mula sa pangunguna ni @toto-ph ng TagalogTrail, naisipan naming gumawa ng proyekto na kung saan ibabahagi namin ang mga natatanggap naming biyaya sa mga nangangailangan. Napagdesisyunan ng tropa na gamitin ang malilikom na halaga para sa "Pag-aralin kita benefit program" na kung saan isang mapalad na estudyanteng may kapansanan ang tutulungan naming matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan, bukod pa sa tuition fee nito at ibang gastusin. Ang makukuhang payout mula sa TagalogSerye ay buo naming ibibigay sa estudyanteng aming napili. Maaari ka ding magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pag-upvote at resteem sa mga kwento ng TagalogSerye o kaya naman ay direktang magdonate ng SBD sa account ni @tagalogtrail.

Anumang halaga, maliit man o malaki ay malayo ang mararating. Always be a blessing to others. (credits to @johnpd)


Sort:  

Parang hindi rin kita kakampi haha.

Sorry boss, yun lumabas sa tawas eh... nyahahaha...

Ibang klase ang ending! Magkabilang kwento iisa ang role ni dr. John. Ibang klase! Wahahaha

Actually balita ko maski sa real life ganyan din daw sya, naulinigan ko lang... di ako sure, pero parang confirmed eh.

nyahaha! kahit anong ending masama pa rin talaga nangyari kay doktor. at sobrang kj nyong lahat, hindi nyo man lang hinayaan na makatikim ng siopao si doktor. nyahaha! ang lupit ng imagination mo par. nyahaha! ayos! 😂

Hahahaha! Natapos na rin ang kalaswaan este kalokohan ng mga manunulat edisyong ito. Epic battle ang naganap ngaung linggo hahaha! Mahusay na pagtatapos James! 😃

Di ko nga kinaya yung mga nilalaman ng mga akda. Ibalik nyo ang puri ko! Nadala ako sa emosyon at daloy ng kwento.

last na natin ire.
Kayoy mangako na next week magiging wholesome na tayo
clap clap master @jamesanity06. ayh maayos ang kinatapusan ng lahat

Nadala na ako, ayaw ko na, di na maibabalik yung nawalang puri sa akin, kasalanan ito ni @chinitacharmer, tapos nakita ko pa yung digi-art nyang ubod ng bangis, wala na talaga, nasira lalo yung puri ko...

Hahahahahaha! Kagagawan itong lahat ni @twotrippleow 🤣🤣🤣

kakaiba talga ang week nato.... tuwang tuwa so MasterBeat kasi nakuha nya ung mga pa-walk...

most used word : este

Hindi nga nawala sa bawat yugto yung este eh, palibhasa nagpupumilit talaga umiksena yung malaswang este, masamang side ni Doctor John D. Paul.

Hahha ang daming typo ng tagalog serye ngayon mahusay @jamesanity may hustisya parin.

Congratulations @jamesanity06! You have received a personal award!

1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest3 and SteemitBoard - Meet the Steemians Contest

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @jamesanity06! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest Meet The Stemians Contest - The mysterious rule revealed
SteemFest⁴ - Meet the Steemians Contest
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 59120.07
ETH 2921.92
USDT 1.00
SBD 3.79