TAGALOG SERYE VI: IKALAWANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Para mas maunawaan nyo p oang kwento basahin nyo po muna ang unang bahagi na gawa ni master @twotripleow

Ang Nakaraan. . .

"Success" sigawan ng mga doktor. Nag-usap ulit nang masinsinan sina DeShawn at BD. Sinabi ni DeShawn na bumalik na sa Pilipinas si BD. Sinabi rin niya na nakikita nila ang bawat kilos o galaw ni BD sa satelite.

Sa pagpapatuloy. . .

Namangha si BD sa kanyang naging transpormasyon. Siya ang unang tagumpay na resulta ng PROJECT HOKAGE. Subalit mas namangha sya ng malamang makikita lahat ng galaw nya gamit ang satellite. Napatanong tuloy siya kay DeShawn, "Paano po pag naligo ako, o umebs, kita nyo pa rin ba?"
Wahaha hindi ganung kita na iniisip mo. May tracking device ka at heat signatures lang ang makikita sa radar namin", wika ni DeShawn. "Bagaman tagumpay ang eksperimento, hindi pa rin natin lubos na nasisigurado ang mga kakayahang maibibigay nito sa iyo. Kaya babantayan ka namin. Wala ng makakakilala sa iyo ngayon. Bumalik ka ng Pilipinas at alamin ang mga plano ni Dr. John D. Paul at ang kasabwat nyang si Mayora Julie. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng mundo. Kailangan nating sugpuin ang PROJECT EXKO, litanya ni DeShawn.

"Masusunod master DeShawn", walang pag-aalinlangan tugon ni Captain BD (oo yun na alyas nya,Capt. BD)
"Teka lang po, wala akong pamasahe pauwi ng Pilipinas, Baka naman!,

9.jpg

Tinapik ni DeShawn ang malaking button sa kanyang dibdib. Nagpakawala siya ng SuperSonic Sound Waves na may kakaibang beat dahilan para sya makalipad at magkaroon ng gayak-pandigma na gawa sa Vibranium nanotechnology. Subalit sa paglipad nya bitbit nya si Capt BD at nilaglag sa kalagitnaan ng himpapawid.
Nahuhulog si Kapitan BD habang pinapanood ni Master DeShawn. Tumaas ang heat signatures niya sa radar tanda ng pagkatakot subalit ito ay biglang naging normal ulit.

Look its a bird, no its a plane, no its Capt. BD. Palakpakan ang lahat sa Head Quarters ng C.I.A. Lumabas na ang isa sa kanyang kapangyarihan bilang isang Augmented Human. Tagumpay ang PROJECT HOKAGE. Nagkaroon din sya ng gayak pangdigma sa tulong ng vibranium nano-technology. Bumulusok si Kapitan BD patungo kay DeShawn para magpasalamat.

"Salamat Master DeShawn", wika ni Capt. BD
"Master Beat. Ako si Codename Master Beat", wika ni DeShawn. Wag ka mag-alala. Kung mapatrouble ka man sa pag-iimbestiga mo isang iglap darating kaming mga Masters para tulungan ka. Matetrace ka namin sa tulong ng heat signatures mo.
"Mga Masters", gulat na gulat na rekasyon ni Capt. BD
"Kasama ba kayo sa sikat na Masters Guild na nagligtas sa mundo noon. Kayo yung lumaban sa mga alien na FAAZAXIA, tuwang-tuwa sa galak na wika ni Capt BD
"Oo, isa ako sa kanila.
Wow isa ka ngang tunay na master, Master Beat". Mula ngayon ikaw na ang master ko.
Gawin mo na ang misyon mo. Nakasalalay sayo ang kaligtasan ng buong mundo.
"Masusunod master"
kay bilis ng paglipad ni Capt. BD. Pero nasa isip niyang i-rescue muna ang mga kaibigan na si Min-Min at Rodylina.

Samantala nagbalik tao si Master Beat at lumapag sa rooftop.
"Sana di sya mabigo gaya namin". At tinanaw ni DeShawn ang malawak na tanawin

17.jpg


POV ni Narrator

Taong 2008
18.jpg

Dumating ang mga alien na FAAZAXHIA sa mundo upang sakupin ito
Pero napaghandaan na ito ng CIA. Bumuo sila ng isang grupo ng mga ordinaryong tao na may kakaibang kakayahan at mas pinalakas pa ang mga ito sa pamamagitan ng isang eksperimento.
Apat na kalalakihan ang napili para sa PROJECT MASTERS.

Matapos ang eksperimento ay isa-isa nilang natutuklasan ang kanilang kapangyarihan.

Ang isa nga ay si Codename Master Beat na si DeShawn

Ang isa ay batangenong may kakayahang kontrolin ang tubig at gawing yelo. Sapat na ang humidity ng hangin para makagawa sya ng IceBlast. Pagkukuskusin lang nya ang dalawa nyang kamay at titigas na ang yelo. Tinawag syang Codename Master JackCold.

Nasa Malaysia naman ang isa. Mayroon syang mind powers. Telekenesis, Telepathy at Teleportation Dahil sya nasa Malaysia tinawag syang Codename Master MT (Malaysian Thoughts.)

Magaling naman kumontrol ng mga insekto ang isa pa. Sya si Master Lee Bug na nasa Antipolo ngayon at gumagawa ng sarili nyang AUGMENTED HUMAN PROJECT

Sila ang naging resulta ng eksperimento ng pagsasanib ng Vibranium sa DNA ng tao.

Sumikat ang master Guild noon dahil sa pagliligtas nila sa mundo laban sa mga FAAZAXHIA. Minahal sila ng mga tao subalit hindi ganoong pagturing ang natatanggap ni Master Lee Bug. Dahil na rin sa kanyang kapangyarihan na kumontrol ng iba't ibang insekto nandidiri sa kanya ang karamihan kahit pa isa sya sa nagligtas sa mundo.

Dahil dito sinisisi ni Master Lee Bug ang CIA na syang dahilan para layuan sya ng mga marami at husgahan, pandirihan. Bumitaw sa Master Lee Bug sa Mastesr Guild at di na nakita pa. Subalit bago sya umalis sinabotahe nya ang mga kasamahan sa Masters Guild. Hinaluan nya ng serum ang kanilang inumin dahil dito nawalan sila ng kontrol sa lakas ng kanilang kapangyarihan na nagdulot ng maraming aksidente at sakuna sa boung mundo. Hanggang sa kasuklaman ng mga tao ang Masters Guild at sila ay pinilit ibaon sa limot

Nagpalit ng katauhan si Codename Master Lee Bug at nagsaliksik kung paanong mapapalitan ang kanyang super powers. Sa kanyang pag-aaral marami siyang natuklasan. Ang makabago nyang kaalaman sa Augmented Human Expirement ang magiging daan para sambahin siya ng mga taong nandiri sa kanya matapos nyang iligtas...

Sa Underground Ground Lab

Sa wakas, tagumpay ang eksperimento ko. Bwahahahaha, malakas na sigaw ni Dr. John. D. Paul.
Mula sa madilim na bahagi ng silid tumayo ang dalawang babae na parang anime character ang datingan.
Ang pinakamagaling kong likha. Ang pinakabagong bersyon ng EXKO.
Matagumpay ang pagsasanib ng vibranium, DNA ng mga insekto, DNA ng FAAZAXHIA at DNA ng tao, bwahahahahaha, ang lakas na naman ng tawa ng mad scientist na ito.

Ginamit ni Dr. John D Paul ang kakayahan nyang kontrolin ang isip ng mga insekto. Inutusan nya ang dalawang bagong EXKO para lumuhod sa harapan nya.

22.jpg

Mula sa madilim na bahagi ng silid tumayo ang dalawang babae at lumuhod sa harap ni Dr. John D. Paul.

Dalhin nyo sa akin si Master JackCold at Master MT, wika ng nababaliw ng syentipiko.
"Masusunod po Master Lee Bug", magkasabay na sabi ni Min-Min at Rodylina.
Sa isang iglap nawala silang dalawa.

Naging EXKO na nga ba kaibigan ni Capt. BD?
Kung may Capt BD, meron din bang Admira BD, General BD, Lieutenant BD, at Security Guard BD?
Nahulaan nyo ba ang katauhan ng tatlo pang miyembro ng Masters Guild na sina Master JackCold, Master Malaysian Thoughts at Master Lee Bug? Kung hindi basahin nyo ulit sa umpisa.
Naubos na nga kaya ang mga FAAZAXHIA?
Gaano kaya karami ang EXKO?
Sino pa ang miyembro ng PROJECT HOKAGE
Si Capt BD ba ang may-ari ng BDO?
Irerespeto pa kaya ninyo ako matapos nyong mabasa ito
Bakit kaya di pa tumitigil ang ulan? ang dami ko ng labahin eh!

Wholesome po ang kwentong ito. Yung isip nyo po ang may problema. Nahirapan akong sundan ang unang gawa ni Master (beat) @twotripleow. Bahala na po yung susunod sa akin. Wasak na ang kwento hahahaha.

BILANG NG SALITANG GINAMIT : BILANGIN NYO NA LANG BASTA WALA PANG 1000

pinagkunan ng larawan

1
2
3
4
5
6
7

Sort:  

Taragis na iyan kakampi ba kita? Bakit ganiyan ngalan ko? Akala ko kung anong MT iyon, akala ko talaga Moroccan haha.

parangal yan sa mga master ko

Pakarami kong tawa sa mga codename! Parang kasama na talaga sa lahat ng tema ang komedya ano? Wahahahaha!!!

magkahalong emosyon ako ngayon.
napasabak ako sa ulan kanina
naubos wifi load ko
at ang tagal umayos ng pukares na globe
ayan ang ang kinalabasan
walang kasusta-sustansya

Naku-naku.. masama yang doktor John D. Paul na yan, pinag-eksperimentuhan si Minmin at Rodylina. pukares na Master Lee Bug yan! dapat dyan IPAKO SA KRUS!!!
ang Masters Guild kaya ang hero na lumaban dati kay Pinunong Kron? pwede ba natin i-ugnay un ate @romeskie? nyahaha! 😂

Magandang fusion yan ah. Nag eevolve ang tagalogserye! Hahaha

sabi sa inyo maraming alam talaga iyang si @johnpd
hangtaba ng utak niyan
nitong nagdaang buwan madalas kong syang nakakausap ay nagkakaroon na ako ng splitpersonality

Tawang-tawa ako rito, BD! Hahahahahha. Hanep ka magbigay ng codename! Patunay lang na wholesome ka talaga. 😂
Hindi ko alam paano dudugtungan ito, pero bahala na si barbie.

mamats lodi ......ito ay isang parangal sa mga iniidolo kong mga masters

ikaw na ikaw na puregold! este BD pala. S na lang kulang SBD ka na haha sana lumipad din siya. Kagigil yan si Master Lee Bug dinamay pa ang mga inosente. 👏 magaling magaling.. naku ano kaya ang susunod? pag dating nito sakin windang na ako haha.

ang lakas makaimpluwensya nyang si Master Lee Bog este Lee Bug pala. Kaya nyang impluwensyahan ang isip mo

daig pa pala niya ang bampira haha naku naku na iexcite ako sa gagawin ko haha

ikaw ngayon di ba.
nabasa mo na ba yung kay @jemzem
sya kahapon

nabasa ko na po :)

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30