TAGALOG SERYE VI: UNANG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

toto.png

Ang larawang ito ay nagmula kay ginoong @toto-ph na ligaw ni Nene.

Tinatawag nila itong "ang panahon ng mga diyos," kung saan ang mga tao sa lungsod ng Antipolo sa lalawigan ng Rizal ay masasabi nating alipin na ng mga negosyanteng briton at siyantipikong briton. Ulti mo mayor at gobernador ay hawak ng mga briton pati rin ang presidente ng Pilipinas na si Oscar Gabriel. Walang nagawa ang mga kawawang tao kung hindi maging sunod sunuran lang sa mga briton, 99% ng popolasiyon ng Antipolo ay alipin o alila ng mga briton. Lingid sa kaalaman ng mga tiga Antipolo, may underground base ang mga briton sa may burol boundary ng Tay-Tay at Antipolo (malapit sa may Iglesia cheret), doon pala nakatago ang sikretong laboratoryo ng mga briton sa pangunguna ni Dr.John D. Paul. Mahigpit ang seguridad sa nasabing laboratoryo. Kada palapag ay may boss master. Habang lumalalim naman ang palapag ay palakas nang palakas ang mga bantay. Ang mga nasabing bantay ay may lakas ng isang mabangis na hayop na tinatawag na "EXKO". Ang mga EXKO ay produkto ng experimento ng mga tauhan ni John, kung saan pinipwersa nila ang mga tao na sumailalim sa kanilang experimentasiyon at gawing exko. Modernong moderno ang ginagamit nila sa laboratoryo, galing pa ang mga ito sa Japan na kusang ipinagkaloob ni prime minister Tippy Tokomiya sa Pilipinas. Ang plano kasi nila Tippy, Valerie, Cheche, Oscar at John ay pabagsakin ang Estados Unidos at ang buong mundo. Layunin din nila na gawing exko ang mga tao sa buong mundo, nang sa gayon ay maipakalat nila ang mga tao sa iba't ibang planeta. Hindi kasi tatagal ang mga normal na mga tao lang sa Mars at Jupiter kaya pilit nilang ginagawang exko ang mga nabubuhay na tao sa planetang Earth gamit ang teknolohiya ng Japan, UAE at UK sa pamumuno nina; Prime Minister Tippy Tokomiya ng Japan, Prime Minister ng UK na si Valerie Sandbox at ang Prime Minister ng U.A.E na si Cheche Mohammed. Si Dr. John naman ay Half Filipino Half British na namumuno sa "project exko".
crime-forecasting-minority-report-realized.jpg

Larawan

SA KABILANG DAKO.


Binangonan, Rizal.
06/12/2018

Masayang masayang naghuhuntahan ang makakaibigang Rafael, Rodylina at Min-Min sa ilalim ng punong Manga. Hapong hapo ang magkakaibigan, tila kulang ang isang oras na pahinga twing tanghali sa kanila. Wala na ngang sahod ay sobrang hirap pa ng trabaho nila.

"Hay babalik nanaman tayo sa trabaho, paulit-ulit na lang ganito, kailan ba darating ang bukas para sa atin?." Mangiyakngiyak na wika ni Rodylina kay Min-Min at Rafael.

Hayaan niyo mga bes darating din ang panahon na mawawalan din sila ng kapangyarihan. Sa ngayon, kahit gusto ko kayong palayain ay wala pa akong magagawa hindi pa napapanahon ang pagaklas natin kay Mayora Julie San Miguel. Hayaan niyo muna siyang magtiwala sa inyo, nang sa gayon ay ligtas kayo. Huwag niyo ako isipin mga bes kaya ko ang sarili, kapag umalis ako dito pupunta muna ako sa Batangas upang hanapin ang master ko. Matutulungan niya tayo sa problema natin. Galit na galit na sambit ni Rafael sa mga kaibigan.

Bumalik nasa trabaho ang magkakaibigan. Hindi naman magkamayaw sa pagtawa ang mag-amigang Julie at Romeline. Mantakin mo dumayo pa sa hacienda ni mayora Julie sa Rizal, ang mayora ng Taguig para lang mag-laro ng Madjhong. Tuwang tuwa ang mag-amiga sa pinaghuhuntahan nila, ang hindi nila alam ay nag-paplano na palang umiskerda si Rafael sa hacienda ni mayora Julie. Sumapit ang gabi at pinagplanuhan na nila Rafael, Rody at Min-Min ang pag-iskerda nila, nang dumating ang takdang panahon ay isasaganap na nila ang kanilang pinaplano. Bigo ang magkakaibigan subalit si Rafael ay nakatakas sa kamay ng mga bantay ni mayora Julie. Nabalitaan ni Dr. John D. Paul ang mga nangyari sa hacienda ni mayora Julie. Galit na galit ang doktor subalit nawala ang kaniyang galit nang makita niya si Min-Min. Binola bola ng doktor si Min-Min, sinakyan na lamang ni Min-Min ang pambobola ng doktor, nang sa gayon ay makalimutan nito ang pagpuga ng kaibigan. Dinala ng doktor sa personal niyang laboratoryo sina Min-Min at Rody. Doon ay pinagplanuhan niyang gawin pangalawang asawa(muslim pala ang doktor) si Min-Min subalit tumanggi si Min-Min, dahil batid ng dalaga na may sabit ang doktor at ayaw din ng dalaga na may kahati, kaya naman napilitan ang doktor na ipatapon na lang dalawa sa isang kuweba sa Davao Del Norte.

Samantala iyak nang iyak si Rafael dahil nabigo siyang isama ang mga kaibigan sa pagpuga, inisip na lamang niya na ang ginagawa niya ay para sa nakakarami. Gusto niyang bigyan ng hustisya ang pagkakabihag ng mga kaibigan pero walang magawa si Rafael. Nagtungo na lamang siya sa kaniyang master sa Batangas. Tila naligaw ang binata sa kaniyang paghahanap sa kaniyang master, tanong dito tanong doon ang ginawa ng binata. Sa isang kainan sa lungsod ng Lipa ay isang lalaki na kumakain ng lomi (lomi ng Batangas) sarap na sarap siya sa kaniyang kinakain, tumabi sa kaniya si Rafael kasi may bakanteng upuan doon. Napitlag bigla si Rafael nang tumambad sa kaniya ang mukha ng kaniyang master. Master Kendall Ron ikaw ba iyan? Bulalas ni Rafael.

"Ay ala e sino ka ba ato?" punto ng isang batangenyo

Ako ito si Rafael Ursal ako iyong tinuruan mo gumamit ng balisong at saka nang lahat lahat noong naka destino ka pa sa Antipolo, Sinabi mo rin sa'kin na kung may kailangan ako'y lumapit ako sa'yo. Andito ako ngayon master humihingi ng tulong. Sana'y ako'y iyong pagbigyan. Nagmamakaawang pakiusap ni Rafael sa kaniyang master.

"Ala e titingnan ko ang aking magagawa ato. Tila mahina na ang aking konesiyon ngayon, ala e ano ba ang iyong problema?" Tanong ni Kendall sa nagmamakaawang Rafael.

Ganito kasi iyon master. Isang taon ang nakakalipas, habang ako'y nag-lilinis ng opisina ni mayora Julie sa Antipolo ay hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pinaguusapan. May pinaplano sila na "project exko" ito daw ay mga tao na may puwersa ng hayop na mabangis. Ito din daw ang magpapabagsak sa Estados Unidos at sa buong mundo.

"Ay gay-on ba? Ito la-ang ang aking maitutulong sa'yo. Kakausapin ko ang aking mga kabaro at ika'y aking ipapakiusap na ika'y tulungan sa kahilingan mo. Ika'y mag-tungo sa Malaysia at hanapin ang aking kabaro na si James Anity at sabihin mo la-ang ang passcode ang pass code ay "BestOfPH", nang sa gay-on ika'y kaniyang matulungan lumipad patungong Estados Unidos, kapag ika'y nakarating sa Virginia sa Estados Unidos, ika'y aabangan ng aking kaklase na si DeShawn ay sigurado akong makakatulong siya sa'yo. Ay siya tayo'y magmadali sa bahay nang magawaan na kita ng passport. Iyon ay aking pepekein nang sa gay-on ika'y makalipad nang maayos at iibahin ko na rin 'ngalan mo ato sa ngay-on ikaw na si "Beyond Disability". Hahatid na kita sa Batangas port baka kung ika'y mapano pa."

Pagkatapos maigawa ni Kendall ng passport ay dali dali niya itong inihatid sa daungan para sumakay ng speed boat patungong Malaysia. Pagkarating na pagkarating ay sinalubong agad ni James at inihatid si BD sa paliparan. "BestOfPh" Paanas na wika ni BD kay James. Tumango na lang si James at walang sinayang na oras batid niya kasi na nagmamadali na si BD. Binigyan pa niya ito ng 1,000 USD pocket money. Lumipad na si BD patungong Estados Unidos.

ESTADOS UNIDOS


Nang makalapag na ang eruplano sa Virginia sa Estados Unidos. Nakaabang naman agad si DeShawn sa pagdating ni BD. Walang sinayang na oras ang dalawa at agad nagtungo sa himpilan ng CSI. Doon naghuntahan ang dalawa nang masinsinan.

"Alam ko na ang lahat lahat BD. Habang ika'y nasa biyahe ay kausap ko si Kendall sa Pilipinas sa pamamagitan ng hologram chat. Sinabi niya sa'kin ang lahat lahat patungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas. Bilib din ako sa'yo at sa mga pinaglalaban mo. Sana ay mailigtas mo hindi lang Pilipinas at ang buong mundo. Tutulungan ka namin dito sa C.S.I." Ika ni DeShawn kay BD na manghang mangha sa mga kagamitan sa Estados Unidos.

Minority_Report-Big_1000_418_90_c1.jpg

Larawan

Inirekomenda ni DeShawn si BD sa kaniyang hepe at sinabi pa nito na may balak ang UK at mga kaalyadong bansa na pabagsakin ang Estados Unidos. Inutusan ni hepe si DeShawn na imbistigahan ang kaso sa Pilipinas at isinalang si BD sa isang operasiyon, kung saan siya mismo ang unang sasabak. 50-50 ang kakalabasan kung mabubuhay ba o hindi si BD. Kailangan magtagumpay ang operasiyong nang sa gayon mailigtas niya ang buong mundo.

Nag-simula na nga ang operasyon kay BD, kinabahan ang lahat sapagkat hindi tumitibok ang puso ni BD, napagalaman pala ng mga doktor na kayang pigilan ni BD ang kaniyang tibok ng puso at kakaiba din ang mga vital organs niya. Matagumpay ang operasyon kay BD. Pagkalabas na pagkalabas ni BD ay nag-iba ang kaniyang anyo, ang dating payat na binatilyo ay nag-mistulang si Dwayne Johnson matapos sumailalim sa modernong operasyon.

"Success" sigawan ng mga doktor. Nagusap ulit nang masinsinan sina DeShawn at BD. Sinabi ni DeShawn na bumalik na sa Pilipinas si BD. Sinabi rin niya na nakikita nila ang bawat kilos o galaw ni BD sa satelite.

ITUTULOY NI @beyonddisability












Ano ang transpormasyon na nangyari kay BD?
May kakaibang lakas na ba siya?
Siyang na nga ba ang Roborat ng Pinas?


Unang Pangkat

@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26


Ikalawang Pangkat

@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Rescue

Transformation

Slavery

Tema ng ika- Anim na Serye
Sci-Fi

Mga Karakter
Hero: Rafael Ursal aka BD

Villian: Hindi pa namin siyempre sasabihin. Hulaan niyo haha.

Madaming extra sa mga eksena gay-on talaga.

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you kindly.

Antagal kong inisip kung sino si Rafael. Kagandang pangalan ah. Ayos ang tema. At ang halimaw na exko, talaga nga naman. #magmoveontayo, diba @twotripleow? Ahahaha

Grabe ka naman maka halimaw ka haha. Mabangis na hayop lang haha.

Hahaha! Tawang-tawa ako dito 2k! 🤣🤣🤣 Maraming salamat sa masayang simula!

Dalagang Pilipina ang peg mo, mas ninais mo pa itapon sa Davao Del Norte hha.

nyahaha! bwah hah hah! sasakupin ni Dr. John D. Paul ang buong mundo gamit ang EXKO. bwah hah hah! grabe ka master @twotripleow bakit ipinatapon pa sa Davao, hindi mo na lang ipinakasal. tsk! KJ ka, nyahaha! dami kong tawa. 😂😂😂

Haha hindi puwede kasi magkalaban tayo pero kung magkakampi tayo idedetalye ko lahat lahat haha sorry naman. Sana lang ay mapasaya natin student ni Minmin.

umpisa pa lang tawa na ako ng tawa eh.
anak ng teteng
dapat maganda ang kadugtong nito
ang galing ng character ko eh .Captain America ikaw ba yan
bakit di na lang si Chris Evans kamukha ko naman yun
Lilipulin natin yung mga exko na yan!

Mapipiga na naman ang utak ko nito!

Galingan mo idol. Kailangan napaka ganda ng role mo kasi ikaw ang bida haha. Tapusin tapusin tapusin!

gagawan ko na ng karugtong master. Ipapanalo natin ito

Panalong panalo iyang sa'yo hehe. Lupulin mo na mga briton at ang mga kalaban na yan haha.

hahahh ginawang kalaban kami ni @twotripleow grabe sya. Pero inumpisahan mo hahahah kaya kami din. Ikaw ang main na kalaban as per suggestion ni @johnpd

Ok lang para sa studyante ni MinMin hehe. Sana maging masaya ang mga kasunod kasi ako ang kalaban haha.

Hindi po ako Ligaw ni Nene ginoong @twotripleow isa po akong mangingibig na niya.

Ang galing po at ang mga bida at kontrabida ng serye ay ang mga kasali sa tagalog-serye iba ka po talaga ginoong Two!

Hindi ka na kita isinali haha. Gusto ko lang kasi talaga mapasaya ang student ni Minmin hehe.

Dr. John D. Paul LOL
Pero Ang mga EXKO talaga Ang bida dito.

Hell IdolestEST miss ka na namin.

aun nmn iba ka tlga 2k pinahirapan m nnmn aq magisip ng isusunod sa mga ganap sa kwento nato... sana manalo tau

Ikaw ang inaabangan bro. At sana nga manalo tayo hehe. Kahit dehadong dehado tayo hehe.

Asa politika na naman pangalan ko boss. Haha. Magandang simula ang ginawa mo. Talas ba ng imahinasyon. Lodi!

Oo boss presidente ka palagi haha. Hindi ako makapasok sa discord shet!

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66772.03
ETH 3237.54
USDT 1.00
SBD 4.25