FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: Ikalimang Bahagi ng Ikalawang Pangkat (Ang Pagtutuos)

in #tagalogserye7 years ago (edited)

Hello hello po mga kababayan! Ako po'y naririto upang ipagpatuloy ang mahiwagang kwento ng mga bampira sa Pilipinas. Aba'y may dugong imported p ang Pinay n bidang bampira. Hahaha.

Parang call center agent lang gaya ko dati, bampira kasi gising sa gabi. Hwehehehe. Charot pero ang nasa kwento namin ay tungkol sa mga tunay na bampira sa Pilipinas. 😂




Eniwei, upang malaman ang nangyari sa mga naunang bahagi ng anim na parteng kuwento, maaaring pakibasa po muna ang mga ito:

Unang bahagi, ni @twotripleow

Ikalawang bahagi, ni @romeskie

Ikatlong bahagi, ni @tpkidkai

Ikaapat na bahagi ni @johnpd


Ang buod ng kuwento ng nakaraan na may halong parte ng ikalimang bahagi :

Si LaVonda Davis ay anak ng isang dakilang siyentipiko at bampira na si Markus Davis. Ang amang si Markus ay pumanaw noong 1521 pagkat sinakop ng Espanya ang Pilipinas at siya'y nahuli ng mga Tagapatay ng Bampira (TB or The Killer Priests sa Ingles). Sila ay isang grupo ng mga pari na layunin puksain lahat ng bampira sa mundo.

Tinangka ng mga kasamang Espanyol ng mga pari na makuha ang kanyang imbensyon ngunit nagawa niyang itago ang kanilang kastilyo. Pati ang mahiwagang kwaderno at patpat ay nilagyan nya ng hiwaga. Apat na artepakto mula rito ay kanyang ipinakalat sa kanyang anak at matapat na mga alagad. Isa na rito ang ninuno ni Protacio.

Sa di maipaliwanag na kadahilanan, si Protacio ay kahawig na kahawig pala ni Markus. Ang hindi nila alam, hindi si Protacio ang anak ng ninuno ni Protacio kundi ang nobya nito. Si Markus pala ay nakatakas sa kamatayan noong panahon ng Kastila kung kaya nakabalik siya bilang si Protacio. Ginamit niya ang kapangyarihan ng hipnotismo sa kapamilya at mga naging supling ng kanyang matalik na kaibigan. Dahil dito ay di nalaman ng kahit sino ang tunay nitong katauhan. Nakapagpari pa siya upang baguhin ang pag-iisip ng simbahang katolika tungkol sa mababait na bampira. (Nakaimbento siya ng isang pagkain para di maapektuhan masyado ng mga banal na bagay.) Nang siya ay nabigo at muntik na mabuko sa kanyang plano ay tumiwalag siya sa grupo.

Ang serum na isinaksak sa kanya ni PSY noong 1980s ay walang epekto pagkat dati na siyang bampira kung kaya't nang kagatin niya ang nobya ay naging bampira rin ito.

Ang ibang alagad niya noon ay mahusay na nakapagtago pagkat sila ay hindi masyadong kilala ng mga tao. Ang ninuno ni Protacio ay kabaliktaran. Matalik na kaibigan ni Markus ang ninuno nito. Isang purong tao at magaling na manlililok at pintor ito noong panahon ng pagdating ng Kastila. Naging mayaman ang pamilya nito at sumikat kung kaya't di katakataka na nang lumabas sa pagkapari si Protacio noong 1980s ay tinambangan silang dalawa ng kanyang nobya. Muntik nang mamatay ang babae. Kung hindi dahil kay Dr. PSY ay baka nabuking siya na bampira at baka nakagat niya ng kusa ang naghihingalong nobya.

Bago siya totoong pumanaw ay nilikom niya muli ang mga artipakto maliban sa nasa anak at sa alagad na si Carpio. Iniwanan niya ng mga sikreto at mensahe ang anak na si LaVonda upang ito ang muling magbangon ng kanilang nawalang dangal. Sa tamang panahon alam niyang matutuklasan ni LaVonda kung paano maibabalik sa mundo ang itinago niyang kastilyo. Sa tamang panahon, naroon ding magagamit nila ang kanyang mga mahalagang imbensyon.


Huli na nang malaman ni LaVonda na ang kanyang yumaong ama at si Protacio ay iisa. Ngunit isang misteryo pa rin kung paano ito biglang sumakabilang buhay. Nagbalik sa Cordillera region ang tomboyin na dalaga upang hanapin ang nakatago nilang kastilyo at para malaman kung sino ang pumaslang sa kanyang ama.

Ngunit kailangan niya ang huling susi upang matuklasan ang sikreto ng ama. Ang huling artepakto na alam niyang nasa kamay ng alagad ng yumaong ama niya. Si Carpio na nasa mga kuko ng mga masasamang Koreano.

Samantala ang mga atleta at ibang arkeolohistang mula sa Korea na kasama ni PSY ay dumating na rin sa Tuguegarao. Doon nila napagtanto na peke pala ang nakuha nilang aklat at nakaipit na buhok. Ang tunay na artipakto ay nawawala. Nang matapos ang pagpupulong nila ay napagpasyahan nilang magtungo sa kweba sa Sagada kung saan nahanap ni PSY ang bangkay ni Protacio. Kaso bago pa masaliksik ng todo ni PSY ang bangkay ay biglang may rumadyo sa kanya na paparating doon si LaVonda.

Napilitan silang lahat na magtago sa hindi mawaring paraan.

Ang mga TB naman sa pamumuno ni Father Frederick ay nadiskubre ang lumang kuta ng mga bampira kung kaya't nang malaman ito ni LaVonda ay nanatili siya kasama ang mga kabaong. Nagtagal siya doon kung saan nakahimlay ang labi ng kanyang ama at ang mga ninuno ng pumanaw na rin na nobya nito.

At ngayon, naririto ang katuloy ng kwento... badum tssss

- rainbow 3.gif

Hindi mapakali si LaVonda Davis. Kahit pa isa sa kanyang mabuti at tapat na alagad ay nabigyan siya ng babala na manatili sa kweba ay naiirita na siya pagkat hindi pa nila nasasagip si Carpio. Huling balita niya ay naglalakbay na ito pa-Sagada, kasama ang mga Koreanong dumakip rito. Hindi na niya kailangang magtungo sa ibayo, sila na pala mismo ang lalapit sa manok.

Nahanap na ng mga kasama ni LaVonda ang mahiwagang patpat, tatlo na ang kanyang nakuhang artipakto. Ang kulang na lamang ay ang nasa banyagang alalay para maibalik ang kanilang sinaunang kastilyo.

Sa kanyang pagmumuni-muni ay di niya namalayang nakamasid si PSY sa isang kubling parte. May hawak itong anting-anting na nakakapagtago ng presensya niya at ng mga kasama niya sa kahit kaninong bampira.

Biglang dumating ang mga kaibigan at alagad ni Binibining Davis. Dala-dala nila ang isang lalaking walang malay at itinabi ito sa malaking bato. Ang isang alagad ay may akay na lalaking nakilala niyang si Mang Carpio. May marka ng pagkakatali sa mga braso nito at mukhang nabugbog. Halos durog at butas butas ang mga damit. Hahakbang sana ito para yakapin si LaVonda ngunit namaluktot ang mga tuhod nito sa panghihina.

image.png

"Mang Carpio!" Sabay salo ni LaVonda sa matanda. "Ay mahabagin, ano po ang ginawa nila sa inyo?"

Excited na may alagad na lumapit. "Niligtas namin siya sa mga pasaway na Koreano LaVonda, alam na nila kung nasaan ang mahiwagang kastilyo! Eto nakuha namin ang kwintas mula sa lider na K-Pop fan. Binugbog tlga namin bago bumigay."

Iniabot ng kanyang alagad ang kwintas at nang mahawakan ay biglang bumagsak sila pareho ni Mang Carpio. Nanghina ng sobra si LaVonda na parang nung nagtuturo pa siya at nahimatay sa kakulangan ng dugo.

"Uhhhnnn... ano'ng nangyayari...?"

Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa mga mata niya at nakita niyang malakas at parang walang anuman na tumayo ang matandang inaalalayan niya kanina. "...Mang Carpio?"

"Naku iha, matagal nang patay si Carpio. Hahahaha. Nakuha na namin lahat ng impormasyon sa kanya at ito... iyang huling artipakto ay nilagyan ko ng nakakalason para sa mga sinaunang bampira kagaya mo!" Tuwang-tuwang humagalpak ng tawa ang matanda habang si LaVonda ay binitawan ang kwintas. Naramdaman niyang mabagal na nanunumbalik ang kanyang lakas. Hindi siya makatayo at hindi makalaban.

Nanindig ang balahibo ni PSY sa mga naririnig. Nagkamali silang lahat na mga arkeolohistang Koreano sa kanilang hinagap, hindi pala ito makakapagpabalik ng dangal ng mga tao kundi ito ay para sa mga bampira! Sila na nawalan ng dangal pagkat ang kanilang pinuno at mga kaaanib na mabubuting bampira ay pilit inuusig ng masasamang bampira! Ito ang dahilan kung kaya't napilitan si Markus/Protacio upang itago ang sarili at kanilang kakayahan, kabutihan at hiwaga!

At si Carpio, o diyos na mahabagin! Sino itong nagpanggap na si Carpio?

Malakas ang halakhak ng pekeng Carpio. "LaVonda LaVonda LaVonda, mahigit limang daang taon ka na ngunit wala ka pa ring pinagkatanda." Umalingawngaw muli ang nakakainsulto nitong tawa.

"Ilabas mo ang kastilyo kung ayaw mong mamatay pati na ang lahat ng tao dito kagaya noong panahon ng iyong ama!"

Mabilis pa sa alas-kwatro, sinakal siya ni pekeng Carpio gamit ang kuwintas. Hinila pa nito lalo ang metal para halos lumubog sa leeg niya kaya't nanghina na nang tuluyan si LaVonda. Nagdilim ang paningin niya at siya'y nawalan ng malay.




"CARPIO!!!"



Isang malakas na biglaang sigaw mula sa isang mas malalim na boses ng babae ang umalingawngaw sa kuweba.



"Tarantado ka pekeng Carpio na K-Pop fan, anong gusto mong mangyari ha? Bigyan mo ako ng dugo g_go."



Nagulat si PSY sa narinig.

"Paumanhin mahal na binibini." Yumuko si pekeng Carpio sa babae at sumenyas sa alalay nito.



Maya-maya ay inalis ng matanda ang maskara na parang sa sineng Mission Impossible at tumambad ang binatang galing ng Korea. Ito ang pinuno ng mga masasamang alagad na bampira sa Korea.

Ang kanina pang di gumagalaw ngunit buhay na lalaki ay kinaladkad patungo sa balahurang babae. Ito ay gutom na gutom na sinakmal at sinipsip ng binibini.




Sa di kalayuan, nagtataka si PSY. Sa isip isip niya, "Paano na si LaVonda? Sino itong bagong babaeng naririnig nya na parang reyna ng bampira kung makasalita?"




Matapos masimsim ang dugo sa lalamunan ng alay na binata ay nakahinga ng maluwag ang busog na binibini.



"Ang tanga tanga talaga ni LaVonda. Hahahaha. Nandito lang sa loob ang lagusan patungo sa kastilyo. Akina ang mga artipakto at nang makalaya na ako ng tuluyan."



Nagmamadaling sumenyas si PSY sa mga piling tauhan, pinakuha niya ito ng salamin. Gamit ang mga maliliit na makina nila ay dahan-dahan at tahimik nilang iniangat ito upang makita kung ano ang nangyayari. At sila ay di makapaniwala sa kanilang nakita.

Sa pinagkukublihan ng mga arkeolohista at ni Dr. PSY, ngayon alam na nila ang katotohanan. Panahon na para may mangyaring himala!

Bumulong si PSY sa isang kasamahan nito. "Senyasan mo na ang mga TB." Ang hindi niya alam, nasa loob na rin ang mga TB.


"Margarita LaVonda! Itigil mo yan!"




Narinig ni PSY ang matigas at matapang na boses ni Father Frederick. Napabalikwas siya ng tayo at saka lumabas sa pinagkukublihan kasunod ang mga kasamahan niya. Napanganga sila sa nakita.

Si LaVonda at ang may matapang na boses na babae ay iisa! Pati mga tauhan at kasama niyang kapwa Koreano ay nabigla kaya't nagsilabasan ng mga baril na may balang pilak.

Naalarma ang mga nakatago rin palang mga bampira at nagsilabasan mula sa kinatataguang mga sulok-sulok. Pinalibutan silang lahat. Sa kaguluhan ng mga nasa kweba, narinig na lamang nila ang dahan-dahang paglakas ng napakalalim na tawa ng pinunong babaeng bampira. Natigil at natahimik ang lahat. Nawala ang halakhak at napuno ang lugar ng katahimikan.

"Pwede ba, ako ay si Margarita lamang. Si Margarita na tanging bampira na nakapatay kay Markus Protacio. Hahahahahahaaaaa!" Sinenyasan nito ang pekeng Carpio.

"Opo, ako na po ang bahala mahal na binibini." At nagsimula na ang laban ng mga bampira at mga pari pati na ang kakampi nilang arkeolohista at atletang Koreano na kasama ni PSY.

image.png

At si Father Frederick? Habang nilalabanan ang mga bampira ay unti-unting gumagawa ng malinis na daanan para mapigilan ang schizophrenic na si LaVonda. Hindi maaaring mailabas ang sikreto ng mga Unang Bampira. Hindi maaaring lumaganap muli ang lahi nila.

Itutuloy...

- rainbow 3.gif

Jusko karir ito. Hahaha. 😂 Ang hirap ng inimbentong halu-halong kwento ha. Nahilo ako. Ahaha. Na-challenge ng matindi yung utak ko mga bes.

Napatagal ako sa pagsulat, kakaimbento ng kasunod na parte ng pinagtagpi-tagping istorya. Ang katapusang bahagi ay itutuloy po ni @jemzem. Sana po ay inyong subaybayan ang huling parte ng munting kwentong adventure na ito.

- rainbow 3.gif

Pictures via Pixabay.

Mga Karakter

Evil Albino - Ang kontrabida na nagtatago sa kanyang kulay puti na kutis, bagama't maputi kabaligtaran naman nito ang kaniyang puso, Ang kanyang ugali ay sadyang kay sama. Halimbawa daw ay si Lucius Malfoy from HP sabi ni Junjun

Nung una, ito ay ang mga pari at mga Koreano, ngayon ito pala ay si pekeng Carpio at si Margarita.

Boyish Girl - Ang bida ng kwento "one of the boys" physically fit at active din. Halimbawa ay si Sailor Jupiter ng Sailor moon

Ito ay si LaVonda Davis

Limang karakter:
1/2. Markus Davis/Protacio
3. Carpio/Pekeng Carpio
4. PSY
5. Father Frederick

Bilang ng mga salita: Bahala n kayo magbilang. Haha.
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metapora)

• Lock of Hair (nasa pekeng kwaderno na hawak ng mga Koreano. )
• Tomb (kung saan naroon si LaVonda)
• Split Personality (Si LaVonda)

Tema ng ika-Pitong Serye

Unang Pangkat : Thriller
Ikalawang Pangkat : Adventure

Unang Pangkat
@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15

Ikalawang Pangkat
@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl


That's all.

I thank you. bow.

XOXO,
@artgirl



my-Bitlanders-banner2.gif



Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.

♥ Thanks! ♥

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Wow, nice. Salamat! 😊

Posted using Partiko Android

I checked your curated posts and they are all of good quality! It's good you dropped by so now I have another good acct to follow. :)

Greetings @artgirl! Your post was chosen at random and was resteemed because you are one of our followers. Enjoy your free resteem!

If you wish to stop receiving this comment, please do unfollow us.

By upvoting this notification, you're supporting @Shareables.

Shareables - We resteem anything we find shareable. Always strive for quality content. Go on express and harness your blogging potential!

God bless from us @Shareables!

Pasensiya ka na kung nahirapan ka pero alam ko echos mo lang iyon haha. Maganda ang naging takbo hehe. Maganda kasi kapag bumabiyahe sa ibang lugar may misteryo hindi ba? Kaysa sa naman sa adventure type na puro landian lang haha. Kanina ko pa nabasa ngayon lang ako nakapag-comment ano ba nangyari sa steemit. Maraming salamat kasi hindi naging love story na para bang Twighlight kasi kadiri iyong movie haha. Salamat ulit sa magandang bahagi na ito.

Hahaha nagkamali kasi ako pala ng tag sa taas, imbes n twotripleow naging tripletwoow.

Onga kung kelan ko pinasa ung pagkahabahabang kwento saka naman nag-error ung Steemit after. 😂😂😂

Giyera na lang wag n Twilight. Ayaw ko rin nun e.

... i-wattpad nayan! :3

Hwahaha... Pwede... Konting praktis p. Para d mhirapan. 😂

Posted using Partiko Android

I am not a vampire uyyy! Hahaha 😅

Hahaha LaVonda isdatchu?

Posted using Partiko Android

Nice one @artgirl! Ang galing! Napakunot noo at napa-Omg at napa wow ako sa mga rebelasyon! Ibang klase!

Salamat!

Napakunot noo at napasakit din ulo ko sa apat na bahagi wag kang mag-alala. Hahaha. Ibang klase tlaga yung kwentong nasimulan at nagawa nyo. Hahaha.

Di bale. Sa umpisa lang yan... sali ka ulit sa susunod na serye ha. @toto-ph di pa nga natatapos ung running nating serye, nangrerecruit na ako. Wahahaha. Gawa ka na ng discord para the more the many-er tayo. Haahaha

Luh... ayoko na... hahaha. Next time na lang ulit. Mas mahirap itong nangyari ngayon kaysa yung naunang kwentong sinalihan ko. Hahaha. Import lang ako pasulpot-sulpot. :P

Hahaha. Keriboom. Sana sa sunod na pagsulpot mo ulit, kakampi pa rin kita. Hahaha

Hahaha sige bahala na... kahit ano. hahahaha.

Whooaaah! Salamat at ipinasok mo na agad ang labanan at ang nasa prompts na hindi pa nabanggit. Hindi na ako masyadong mase-stress. heheheh. Ang galing ng pagkakadugtong mo at bet na bet kong dugtungan ang twist na ginawa mo. :D

nagustuhan ko ung buod. grabe! effort na effort talaga un. galing ni ate @artgirl
sana regular ka na makasali sa TagalogSerye 😊

Tenkyu beri mats. Kahit na-challenge ako ipinilit ko tlga gawin hanggang dulo. Hahaha. Konti n lng po baka maisipan kong sumali n as regular. 😅😅😅

Posted using Partiko Android

Hahaha salamat. Ang tinding challenge nitong round. Hahaha. Ay na-excited ako para sa ending... Hahaha.

Posted using Partiko Android

hello @artgirl, magregular ka na po sa @tagalogserye at makihalubilo na sa discord channel

Ahehehe... Siguro sa pangatlong pag-import/pagsali ko baka sumali n po tlga ako. 😅 Tnx beri mats.

Posted using Partiko Android

halika na...tara na. sakay na

😅😂😅

Ang creative ng plot twist sis! Nakakawindang ang revelations! Galing 👏😍

Hwehehe, salamat. Piniga ko s utak ko yan grabe. Haha ang tindi ng pagkakagawa kasi nila. 😂😂😂

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 96498.98
ETH 3442.26
SBD 1.54