FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: IKATLONG BAHAGI NG IKA-LAWANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago

Isang exciting na araw para sa lahat ng taga subaybay ng #tagalogserye! Itong pong muli ang isa sa mga kwentista ng tambayan @tpkidkai na magtutuloy ng kwento sa Ikalawang pangkat. Kung nais mong i catch up ang kwento pwede kang mag umpisa dito sa mga link sa ibaba.

Unang Bahagi ni Ginoong Twotripleow

Ikalawang Bahagi ni Ate Romeskie

9edh90ogwm.jpg

Ang Larawang nabanggit ay may pahintulot mula sa promotor ng kaguluhan na ito na sila @tagalogtrail

Ang Nakaraan...

Napangiti nang wagi si LaVonda. Masyado kang matalino Protacio. Pero mas matalino ako.
Naghanda muli si LaVonda sa paglalakbay. Destinasyon: Tumalog Falls. AKA Mag-Ambak Falls.

Gamit ang nakuhang bakas mula sa balon daglian nang umalis si LaVonda sa Dapitan, ngayon ay sumakay siya sa isang airlines sa may Pasay patungo ng Cebu upang kunin ang ikatlong artepakto na itinago sa Tumalog Falls o Mag-Ambak Falls. Pagkarating na pagkarating ni LaVonda sa bayan ng Oslob ay dali dali siyang nagtanong sa mga tao roon kung mayroong parang isang dambana o altar na malapit lang na hindi gawa ng simbahan.Tangan-tangan ang maaring maging larawan ng dambana ito ay ipinakita niya sa mga residente.

Agad umiling ang mga tao na naroroon dahil sa kanilang pagkaka alam ay wala namang ganung gusali. Lagi siyang naituturo sa isang rebulto ng babae na bantay na akmang nagdarasal, ito ay ang rebulto ni Maria ngunit alam ni LaVonda na ito ay hindi isang ligtas na lugar.

Nilibot niya ang lugar at pinag-aralan ng maigi ang bakas na iniwan.

Huwag bulagsak. MAG IMBAK.

Ang tubig dumadaloy. Ang ganda tumatatak.


Sa isang liblib na lugar nakita niya ang isang estatwa ni Buddha, napatingin siya ng maigi dito at naalala na ang bakas ay parang kasabihan ni Buddha ( gawa gawa lang ni Author iyan not sure di ko na ni search).

Agad na nilapitan ng dalaga ang estatwa at masusing ininspeksyon ito. Mapapansin na ito ay naliligo sa tubig ng talon. Walang hanngan ang pagdaloy at sa kaniyang mga palad ay may mga tubig na natitira na parang naiimbak. Namangha ang dalaga sa kaniyang nakita ngunit mas namangha pa siya sa mga sumunod na eksena. Isang mumunting bagay ang kumikinang sa gitna ng palad ni Buddha. Pinilit niyang kunin ito ngunit sadyang makipot ang butas kaya't gamit ang lakas ng bampira ay sinira niya ng buong lakas ang nasabing estatwa ay agad tumilapon ang nadurog na bahagi ng katawan ni Buddha kasama ng artepakto. Hinanap niya kung mayroong papel na katulad ng nakuha niya sa Dapitan gamit ang kanyang mga mas pinag-ibayong mga mata ngunit wala ni isa man lang na bahagi nito.

Ngayon tatlo na ang hawak niyang artepakto ngunit kailangan niya parin ng isa pa, at sa ngayon ay hindi niya na alam kung saan makukuha ang ika-apat na bahagi. Ang tanging magagawa niya na lamang ay ang mailigtas si Carpio sa kamay ng mga Koreano na naka kuha dito.

Isang Simbahan sa may Parañaque araw ng Miyerkules.



Kakatapos lamang sumamba ng mga parokyano sa nasabing simbahan. Isang ulat ang natanggap ng pari na mayroong isang bampira na pakalat-kalat sa Maynila. Isang magandang dalaga na nagtuturo sa may bandang Quezon. Agad nag-ayos ang mga paring naroroon kasama ang mga taga Vatican na bisita upang kumpirmahin ang nasabing ulat. Buong batalyon ang sinama nila dito dahil sa ang nasabing dalaga ay hindi lamang isang pangkaraniwang bampira ngunit isang anak ng isang tunay na bampira.

Sa isang bahagi ng North Korea

우리 모두 준비 됐어? (Are we all set?)

예! 우리는 준비가되어있다. (Yes! We are ready)

Isang binata ang tumatawa habang pinapaikot-ikot sa kanyang mga daliri ang isang kwintas na may lamang artepakto. Mababanaag sa mukha ng matandang binata na hindi siya Koreano, siya ay mukhang tipikal na Pilipino na nilamon ng sistema ng K-Pop.

LaVonda는 이제 우리의 전투를위한 시간입니다. 나는 내가 진정으로 가치가있는 것을 얻을 것이다. (LaVonda it is now the time for our battle. I will be getting what I truly deserve.)

오케이! 필리핀에 가기 위해 우리는 몇 가지 사항을 마무리해야합니다. (Okay guys! Time to go to the Philippines we have some matters to finish. )


Masaya na may halong pagkadismaya si LaVonda dahil sa wakas ay nasa kaniya na ang ikatlong bahagi ngunit dismaydo dahil sa hindi niya alam kung saan makukuha ang huling bahagi nito. Wala siyang maisip at para bang nasa dead-end na siya ng kaniyang paglalakbay. Dahil narin sa pag gamit ng lakas niya kanina ay medyo mahina na ang dalaga at sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog pagkarating na pagkarating niya sa kaniyang kwarto.

Isa sa mga naging biyaya ng mga Unang Bampira ay ang kakayahang makatulog. Ang mga sumunod na henerasyon ay hindi na ito kayang gawin pa dahil sa hindi mawaring dahilan. Nanaginip ang dalaga at nakita niya ang kaniyang ama na si Protacio, mababakas na kahit sa panaginip ay dismayado parin si LaVonda dahil sa wala na siyang magawa ngayon. Ang kanyang tatay ang nagsabi ng mga katagang.

Ang katapusan ay sa umpisa;
at ang umpisa ay ang katapusan.
Sa mga bagay na hindi ka malinawan;
Lagi mong tatandaan kung saan ang iyong pinagmulan.

Dumating ang umaga, ang pupungas-pungas si LaVonda. Bagama't medyo magulo ang kaniyang isipan, wala namang masama kung susubukan. Kahit anong bakas o tip na pwedeng magturo sa huling bahagi ay kaniya nang papatulan.

Naghanda na ulit siya sa paglalakbay patungong Luzon: Destinasyon Sagada kung saan nakahimlay ang kabao ni Protacio.


Bida: LaVonda Davis
Kontra Bida: Mga koreyanong archeologist at mga sugo ng Vatican City.

Bilang ng mga salita: 978

Mga Elemento sa Kwento na ginamit sa serye ngayon
Lock of Hair
Tomb
Split Personality

Tema ng ika- Pitong-Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ikalawang Pangkat : Adventure

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang PangkatIkalawang Pangkat
@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl

Mga Pinagkunan ng Larawan:
1, 2,3

tepe.png

Sort:  

kapanapababik.
aylab adbentyur

Hehe salamat BD! Mag ca catch up din ako sa serye nyo bukas o sa makalawa. Ayusin ko lang ang mga gawain sa personal na buhay. Push para sa Adventure!

Ow em gheeee!! Exceeds expectations! Iba ka talaga pinunong @tpkidkai!

Nyahaha thanks @romeskie nako good thing kaunti plang ang information na hinabol ko. Nag worry ako baka sumablay ako.

Gustong gusto ko ang mga matalinghagang salita ni Tatay Protacio! 😍 At talagang multilingual na, with Korean script pa. Level up na talaga ang T-serye! Galing!

Kailangan panindigan ang pagiging Korean kasi, kaya dapat may pa script din. Though wala akong tiwala kay google translate kung tama ba yang mga pinaglalagay ko dyan nyahahah. Sana tama nga yun,

May sub title pa panis silang lahat. Kinakabahan ako sa mga mangyayari, nasa Paranaque na ang mga mamaw na pari. Nagkakasalisi lang palagi kasi haha.

Hahah oo naman boss @twotripleow pa panisin natin silang lahat! #balikrespeto na talaga tayo muna. Yung mga pari ano na kaya ang mangyayari. Sa SAGAD-a pa naman sila tutuloy ngayon. Ay Sagada pala

Ay so panu ko malalaman pag ako na? Tag niyo ako kelan ako gagawa? Hahaha. Ilang bahagi ba dpat?

Juskoday, parang challenging na ituloy itey huh... Bakit niya kasi sinira? Hahaha, grebeh... :P

Pagkatapos ni @johnpd ikaw na ang susunod @artgirl nako ikaw pa ba. Mabangis din ang sa iyo eh kahit minsan sabawan pero pag nag seryoso iba din ang level!

Sinira nya na kasi may anger issues sya. Hahaha

Ayyy. Hahaha may anger issues pala... Sige madali n yan. Luh. Hahaha. Char lang. Hahaha. Ewan bahala n. Hahaha.

Posted using Partiko Android

Bsta susunod ako kay johnpd? Tma d b? So malamang lunes n ako? Haha. Orayt.

Posted using Partiko Android

Masaya ako sa mga nangyayari sa kwento natin. Hehehehe. Adventure na adventure talaga ang dating lalong-lalo na ang dugtong mong ito, TP. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63453.92
ETH 3283.73
USDT 1.00
SBD 3.89