FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: UNANG BAHAGI NG IKA-LAWANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

9edh90ogwm.jpg

Ang larawang ito ay may pahintulot ni @toto-ph na asawa ni Nene, para gamitin sa Tagalog Serye VII.


Si LaVonda Davis ay isang guro sa UP Diliman, lungsod ng Quezon. Si LaVonda ay nag-tapos ng kolehiyo sa UCLA (University of California Los Angeles) sa kursong Geology at Archeology. Si LaVonda ay may tatay na kano at ang kaniyang nanay ay isang pinay. Bumalik sa Pilipinas si LaVonda upang matuklasan ang tinatagong yaman ng Pilipinas. Hindi lang iyon ayon sa pagsasaliksik ng dalaga ay may natuklasan siyang mahiwagang wand, na ayon sa kaniyang pagsasaliksik ay matatagpuan sa isang kuweba sa Kalinga CAR. (Cordillera Administrative Region).

Ordinaryong guro sa umaga si LaVonda, ngunit sa gabi ay isang siyang bampira. Si LaVonda ay may busilak na loob na kagaya sa isang normal na tao. Hindi siya basta basta nangangagat ng tao. Sa halip ay tinutunguhan niya kaagad sa libingan ang kamamatay lang na bangkay. Hindi naging madali kay LaVonda ang pinagdadaanan, halos mamatay na siya sa gutom araw-araw sapagkat hindi siya nakaka inom ng dugo. Nagkaroon ng pagkakataon na bigla na lamang hinimatay itong si LaVonda habang nag-tuturo. Mabuti na lang at mababait ang kaniyang mga istyudyante. Agad agad siyang dinala sa ospital, subalit pagdating sa ospital ay wala namang nakitang sakit maliban sa kulang sa dugo, kaya naman sinalinan ito kaagad ng dugo nang sa gayon ay hindi siya manlata. Mahal ang bayad sa ospital pati na rin ang dugo kaya hindi puwede na araw-araw ganoon, kulang ang kaniyang sahod bilang isang guro sa U.P kapag araw-araw siyang sasalinan ng dugo.

Masiyahing babae si LaVonda ngunit medyo masungit. Wari ng mga istyudyante niya ay tomboy ang guro sapagkat 28 anyos na ang guro ay wala pang asawa at hindi man lang nakikipag halu-bilo sa mga kalalakihan. Ganoon din siya sa kabila niyang pagkatao. Palagi niyang pinag-tatangkaan ang buhay ng mga lalaking tangkang manligaw sa kaniya.

Samantala sa Tuguegarao, Cagayan ay may dumating na grupong koreyanong archeologist sa pamumuno si Dr. Park Song Yeon. Nag-tungo sila sa Tuguegarao upang mag-saliksik ng mga bagay tungkol sa makalumang kagamitan sa Pilipinas. Ayon din sa kanilang aparato ay matatagpuan ang kanilang hinahanap sa CAR (Cordillera Administrative Region). Hindi nila mawari kung ano eksakto ang kanilang hinahanap subalit ayon sa kanilang pag-aaral at pag-susuri may isang bagay sa Pilipinas na makakalinis sa pagkatao ng isang tao balik dangal ika nga. Gumawa ang mga koreyano ng isang head quarters sa Tuguegarao. Sa head quarters nila ay pinag-aralan ng mga koreyano ang isang kuwadernong may buhok na nakapaloob. Napag-alaman din nila na ito ang susi sa kanilang hinahanap.

mkrkuaixyy.jpg

Larawan.



Tumulak naman patungong Bucharest, Romania si LaVonda at ang kaniyang grupo. Doon ay nag-saliksik siya kung paano mabubuhay ang mga bampira. Napag-alaman nila na maaari rin gamitin ang kape na may patak ng dugo na nag-mula sa kahit anong hayop upang humalili sa sariwang dugo ng mga tao. Sa ganitong paraan ay hindi na hihigupin ni LaVonda ang dugo ng mga namayapang mga tao sa kani kanilang mga libingan.

Masiyang masiya ang mga bampira sa kanilang natuklasan. Hindi man sila makainom ng dugo ay mayroon namang alternatibong paraan upang sila ay manatiling buhay. Gala nang gala ang mga bampira sa Romania. Iba talaga ang resistensiya ng mga bampira kung ikukumpara sa mga normal na tao. Pansamantala ay nakaranas ang mga bampira na mabuhay nang malaya.

"Sa wakas ay naging malaya rin tayo. Walang sasarap pa sa ganitong buhay. Malayo tayo sa mapanghusgang mga tao at andito tayo ngayon nagpapakasaya. Saan nga pala ang susunod nating destinasiyon?" Tanong nung isang bampira kay LaVonda.

Sa Nepal at sunod sa Egypt. Hahanapin natin ang nawawalang artifact. Kailangan kasi natin ito para sa tradisyon natin. Isa rin ito sa mga sagot kung sino ang pumatay sa'king ama. Sagot ni LaVonda.

Lumipas ang isang linggo at pumunta ang tropa sa Nepal. Nag-tagal sila sa Nepal ng isang linggo ngunit wala silang nakitang sagot sa kanilang mga tanong, subalit hindi naman sila nawawalan ng pag-asa at hindi rin sila susuko hanggang sa mahanap nila ang dapat mahanap.

Vatican City, Vatican.

Abalang abala ang mga arsobispo, pari at ang santo papa sa kani kanilang mga trabaho. Napag-alaman nila na mayroon pang natitirang mga bampira kaya naman agad agad pinulong ng santo papa ang mga pari at arsobispo. Ibig nilang sugpuin ang mga bampira patay man o buhay. Basta sa kahit anong paraan ay maubos nila ang mga lahi nito. Bumuo si arsobispo Frederick ng grupo na lilipol sa mga bampira. Ang binuong grupo ay ang mga dalubhasang pari na lumipol ng mga bampira sa Romania. Sa nangunguna rin ni Father Frederick. Ang nasabing grupo ay binansagang "The Killer Priest".
mtd344jfjs.jpg

Larawan.

Mababait naman ang mga pari sa katunayan ay: Nag-mimisa pa sila at nag-bibigay aral din sa mga mahihirap na tao subalit sa likod ng mga maaamong mukha ay walang awa silang pumapatay ng mga inosenteng bampira. Kaya naman ganoon na lang ang galit sa kanila ng mga tao. Hindi naman porket maamo ang mga mukha nila at miyembro sila ng simbahan ay hindi na sila puwedeng maging kontra bida. Parang mga K-Pop lang maaamo ang mga mukha ngunit pagtalikod mo ay maiitim pala ang mga budhi nito.

Nag-impake na ng gamit ang Killer Priests. Nag-misa muna bago sila bumiyahe patungong Pilipinas. Matapos ang labing-anim na oras na biyahe simula Vatican City - Pasay City ay nakarating na rin sila sa NAIA Terminal III sa lungsod ng Pasay. Umupa sila ng isang taxi para maka-tungo sa Manila Hotel, Roxas Boulevard Manila. Nag-pahinga muna sandali ang mga pari sa hotel na inupahan nila.

Sa kabilang dako naman sa Nepal. Sa masigasig na pag-iimbestiga ng tropa ni LaVonda ay napag-alaman nila na kinidnap at binihag ng mga koreano ang kawawang alalay ng ama ni LaVonda. Napag-alaman din nila na ang pakay ng mga koreano ay ang mga nawawalang artifacts din. Lingid sa kaalaman ng tropa ay may nag-hihintay na panganib sa kanila pag-uwi nila ng Pilipinas. Umaasa pa rin ang tropa na makikita nila ang susi patungo sa dako pa roon.

ITUTULOY.








Bida: LaVonda Davis

Kontra Bida: Mga koreyanong archeologist at mga sugo ng Vatican City.

Bilang ng mga salita: 1,002 (hindi kasama disclaimer)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Lock of Hair (check)

Tomb (check)

Split Personality (check)

Tema ng ika- Ptiong Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ikalawang Pangkat : Adventure (check)

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo
Unang Pangkat
@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15
Ikalawang Pangkat
@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, ( open slot pa po needed pa nila ng isa )

Sort:  

Ayos ang pasok ng mga prompts atbp. Ang galing ng eksena at pagiging detalye nito #balik dangal na talaga si @twotripleow.

@chinitacharmer may issue ata si @twotripleow sa mga K-POP, ito ba yung mga K-POPanget nyahahha waley. Good luck sa next na entry magiging maganda to panigurado.

@artgirl ka grupo ka namin - Sunday ka nalang ikaw ang mag wra wrap up ng kwento.

Oo kailangan talaga bro maibalik hehe at saka ayaw ko talaga sa mga KPOP haha tama ka diyan sa sinabi at sorry Min-Min di ko bet mga lalaking koreyano lalu iyong mga naka skinny jeans at pants haha. Girls ok sa'kin.

Ay may tag pala dito di ko nakita. Hahaha. Ok sige. Juskolord sana di ako mahirapan. Ang lupet nung sinulat nyo eh. hahaha.

Siya ba si LaVonda? Ang ganda nmn. Nakakatuwa ang vampire at nag BT sa hospital.😄Di pa rin ako naka getOver sa "The Killer Priest", lodi @twotripleow. 😉👏

Yes sila ang mga vampire hunters hehe. Ang dami nilang hunters ewan ko lang kung kakayanin siya ng bida.

Kaunting character - check
Hehehhe. Hindi na tayo popoknatan ni Junjun. 😁
Ayos 'tong balik-dangal, talagang babalik ang dangal n'yo rito. Hehehhe. Excited na ako sa idudugtong ni mam @romeskie rito. Tiyak na ibabalik niya rin ang nawala niyang dangal sa nakaraang tagalog serye. 😂

Kinakabahan ako kay Jampol nakarinig ng dugo haha. Baka kung ano ang isulat haha. Romeline galingan mo, huwag mo gawing Twilight itey haha.

nais po naming ipagbigay-alam sa mga kinauukulan na NA-HACK po ang Steemit account ni @twotripleow. walang halong berde at kalaswaan ngayon sa isinulat niyang post. kung may nasagap kayong impormasyon o ebidensya para malutas natin ang problema at mahuli ang HACKER, ireport lamang po sa mga awtoridad. o maaaring mag-iwan ng mensahe kay ate @romeskie, pro-writer @jemzem, pinunong @tpkidkai at sa kanyang mga kagrupo ngayong linggo sa TagalogSerye. nyahaha! 😂😂😂

Nyahahaha hindi na hack account ko. Kinontrol ko lang talaga. Kaya ikaw kontrolin mo rin.

Hahahahahhaa. Kailangan nating mahuli ang hacker na 'yan! 😂

Haha boss huwag ka maniwala diyan.

wahahahaha. naninibago ako.
magaling magaling.
pinahirapan tayo ng @tagalogtrail

Kaya mo iyan idol. Ikaw pa. Sigurado ako comedy iyang gawa mo na iyan haha.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63896.48
ETH 3315.00
USDT 1.00
SBD 3.92