Tagalog Serye Ika-Pitong Hamon | IKALAWANG BAHAGI NG IKA-LAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

Mapagpalang araw! Ako po si @romeskie at samahan niyo po ako sa pagpapatuloy ng paglalakbay ng ating bida na si LaVonda.
Para lubos niyong maunawaan ang aming ipinaglalaban sa kwentong ito, maaari po lamang na basahin ang unang bahagi ng aming kwento sa panulat ni @twotripleow

9edh90ogwm.jpg
Ang larawang ito ay may pahintulot ni @toto-ph na asawa ni Nene, para gamitin sa Tagalog Serye VII.

Ang nakaraan...

Sa kabilang dako naman sa Nepal. Sa masigasig na pag-iimbestiga ng mga tropa ni LaVonda ay napag-alaman nila na kinidnap at binihag ng mga koreano ang kawawang alalay ng ama ni LaVonda. Napag-alaman din nila na ang pakay ng mga koreano ay ang mga nawawalang artifacts din. Lingid sa kaalaman ng tropa ay may nag-hihintay na panganib sa kanila pag-uwi nila ng Pilipinas. Umaasa pa rin ang tropa na makikita nila ang susi patungo sa dako pa roon.

images.jpeg
Malaki pero tagong kastilyo ng bampira

Taong 450 B.C. Masayang masaya ang mag-asawang bampira na naninirahan sa Cordillania (ngayon ay mas kilala sa tawag na Cordillera). Paano'y nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Maligaya at tahimik silang namumuhay sa isang malaking kastilyo na nakatago sa liblib na kabundukan, malayo sa mga mapanghusgang mga tao. "Kinatatakutan ng mga tao ang bagay na hindi nila nauunawaan." Iyan ang laging binabanggit mg amang bampira sa noon ay batang bata pang si LaVonda.

Hindi rin masisisi ng mga magulang ang mga sinaunang tao sa Cordillania dahil ang mga ninuno nilang bampira ay namuhay sa primitibong pamamaraan. Namuhay sila sa pagpaslang ng mga tao st paghigop ng dugo nito. Ang ama ni LaVonda, bilang isang siyentipiko, ay gumawa ng paraan upang makapamuhay nang mapayapa ang bampira at tao. Sa kanyang laboratoryo ay gumawa siya ng kontrapsiyon na kayang makagawa ng sapat na supply ng dugo para sa kanyang uri na hindi nangangailangang pumatay ng tao. Noong una ay hindi kayang sikmurain ng mga kapwa bampira na sila ay mamumuhay sa dugo ng mga hayop. At hindi rin nila kaya na hindi lilimasin ang dugong nananalaytay sa mga ito. Ngunit kalaunan ay nakasanayan din nila. Nagawang makuha ng ama ni LaVonda ang tiwala ng mga tao sa mga bampira.

Ang impormasyon ukol sa kanyang imbensiyon ay nakasaad lahat sa kanyang kuwaderno na noon ay tinatawag ng mga tao na "mahiwaga" sapagkat tanging ang ama lamang ang may kakayanang makapagbukas nito. Wala itong mga pahina at kumikislap sa liwanag kapag nahawakan ng ama.

Ngunit nabago ang lahat noong taong 1521, nang lumapag ang mga espanyol sa Pilipinas. Ito ay ang krusada na ang layon ay lipulin ang mga bampira sa buong mundo. Natakasan ang mga ito ng ama nang sunugin ng mga ito ang isang buong bayan ng bampira sa Transylvania. Sa pagtakas ay napadpad ang kanyang ama sa Cordillania kung saan nakilala nito ang kanyang ina.

Nagpadala si Lapu Lapu ng mensahero para balaan ang kaibigan. Binigyan niya ito ng panahon para makatakas habang nilalabanan amg lupon ng mga krusada sa Mactan. Batid ni Markus na ang kaniyang imbensiyon ang pakay ng mga estranghero. Kaya't minabuti niyang paganahin ang stealth mode ng kaniyang kastilyo. At para makasiguro na hindi ito kailanman mapapasakamay ng mga espanyol ay isinalin niya ang lahat ng laman ng kaniyang mahiwagang kuwaderno sa apat na magkakahiwalay na artifact. Ipinadala niya sa tatlong magkakahiwalay na ekspedisyon ang tatlo sa mga ito. Itinago nila sa tatlong lugar sa Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao ang bawat piraso. Ang huli ay itinago niya sa paraang hinding hindi paghihinalaan ninuman. At ipinagkatiwala niya ito kay LaVonda.

images (1).jpeg
kuwintas na hitech at shala shala

Hawak hawak ni LaVonda ang kuwintas na ibinigay ng ama bago siya nito iwan sa pinakapinagkakatiwalaan nitong alalay noong nagkagulo sa Cordillania. Hinding hindi niya makakalimutan ang habilin nito.

Pag-ingatan mo ang kuwintas na iyan. Iyan ang susi para manatili ang kapayapaan. Ikaw ang susi para sa pagkakaisa ng lahat.

Hindi niya naunawaan ang huling sinabi nito pero hanggang ngayon ay iniingat-ingatan pa rin niya ang kuwintas. Pinalaki siyang parang tunay na anak ni Carpio. Sinuportahan nito ang lahat ng kaniyang gusto mula nang maiwan silang dalawa. Namatay sa kaguluhan ang kaniyang ina nang may tumarak na pilak na punyal sa puso nito. Isang matapang na mandirigmang bampira ang kaniyang ina at marahil ay dito niya namana ang kaniyang katapangan na lagi ay napagkakamaliang kasungitan.

Kasama ang iba pang bampira ay namuhay silang kasama ng mga tao ngunit tago sa mga ito. Gaya ng ama ay nakagawa siya ng paraan upang makapamuhay silang mga bampira na hindi nasusunog sa liwanag ng araw. Ngunit kahit anong subok niya ay hindi niya pa rin magaya ang orihinal na imbensiyon nito. Hindi niya rin mahanap ang dati nilang kastilyo dahil naka stealth mode ito nang nilisan nila ito.

Nang mabalitaan niyang nasa Cordillania sina Dr. PSY ay alam niya na ang pakay ng mga ito. Kailangan niyang sagipin si Carpio. Hindi titigil ang mga ito hangga't hindi nakakakuha ng impormasyon mula sa kawawang alalay. May kutob siya kung nasaan ang isa pang piraso ng susi. Kung hindi siya nagkakamali ay ipinagpasa pasa ito sa mga katiwala ng mga bampira. At nang minsang mapadpad doon ang isa sa mga pinagkatiwalaan ay malaki ang tsansa na doon iyon itinago. Naging napakadali para dito na itago ang artifact dahil ipinatapon siya ng mga espanyol sa lugar na iyon. Perpektong balatkayo para sa perpektong pagkakatago. Kailangan lamang na hanapin ni LaVonda kung saan sa Dapitan itinago ng sugo ang piraso ng artifact na ito.

images (4).jpeg
Dr. PSY (Park Song Yeon)

Nang mabalitaan ni LaVonda ang mga gawa ng sugo sa Dapitan ay may mga naisip na siyang maaaring paglagyan nito ng artifact. Tumulak siya pa-Dapitan at nang makarating sa maliit na komunidad sa kung saan ipinatapon ang sugo ay agad siyang nagsaliksik habang kunwa'y namamasyal. Kailangang mahanap niya ang balon na ginawa ng sugo. Sigurado siyang doon lamang nito maaaring ilagay ang maliit na artifact na iyon.

images (5).jpeg
well, well, well!

Hinintay niyang dumilim at patagong nagtungo sa balon. Hindi niya alam kung saan magsisimula pero kailangan niyang subukan. Nilibot niya ang buong paligid ng balon. Masyado nang matagal nang huli itong nagamit at hindi niya na sigurado kung ito pa ba ang orihinal na balon. Wala siyang makitang kakaiba. Nang mapagod ay naupo siya sa gilid ng balon. Parang gusto niya nang sumuko. Inilapag niya ang hawak na flashlight at padabog na isinandal ang ulo sa posteng sabitan ng timba ng balon. Nasaktan siya nang bahagya sa nakaumbok na turnilyo. Pagalit na tiningnan niya ang kinauntugan at napansin niyang kakaiba ito sa ibang mga turnilyo na nandoon. Sa katunayan ay hindi ito mukhang turnilyo. Mukha lang itong nakabukol na parte ng kahoy. Binakbak niya ito. Nakita niya ang isa pang piraso ng artifact at may nakabalot ditong piraso ng papel.

Huwag bulagsak. MAG IMBAK.
Ang tubig dumadaloy. Ang ganda tumatatak.

Napangiti nang wagi si LaVonda. Masyado kang matalino Protacio. Pero mas matalino ako.

Naghanda muli si LaVonda sa paglalakbay. Destinasyon: Tumalog Falls. AKA Mag-Ambak Falls


Itutuloy...


Bida: LaVonda Davis
Kontra Bida: Mga koreyanong archeologist at mga sugo ng Vatican City.

Bilang ng mga salita: 999

Mga Elemento sa Kwento
Lock of Hair
Tomb
Split Personality

Tema ng ika- Ptiong Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ikalawang Pangkat : Adventure

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang PangkatIkalawang Pangkat
@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl

Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

Sort:  

Thank you kindly. Sa tingin ko medyo naging scifi nanaman nyahahaha.

haha. Bampira pa rin yan. Tsaka adventure. Hi tech na kasi ang mga bampira ngayon. Di na sila primitive.. hahaha

love making adventures. nice one bes

Thanks bes! Kinailangan ko ng mapa para lang masigurong hindi ako maligaw sa Dapitan. Haha

meron na ba mabibili sa CDR-King nung kwintas na USB? trip ko un. nyahaha! nasama pa si PSY, idol ko yan. heheh 😂

Hahaha. Di ko lang sure kung magtatagal nang more than 300 years pag dun mo binili. Hahaha

Congratulations @romeskie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Ay waiiit. 😱 San ung pagkakasunud-sunod? Pang-aling part ako???

Ong gondoooo hahaha trip n trip ko pantaserye itey!

Posted using Partiko Android

Ikaw daw ang finale. Masaya yan pag ikaw ang gagawa ng ending. Na sa iyo ang closure. Hahaha

Awtssss. Boom. Hahahaha.

Bet ko ang pagkakadugtong mo ng kwento, mam @romeskie. Magaling! Magaling! Magaling! Nagsisi akong hindi ko agad ito dinugtungan. Mas bet ko pa yata itong dugtungan e kaysa maging panghuli. But no choice na rin kasi. heheheh

Akala ko ikaw ang kasunod ko kaya ko dinala za Oslob. Haha. Pero mahusay ang pagkakadugtong ni TP kaya ok na rin. Kayang kaya mong bigyan ng malupit na finale itong serye natin.. Bigyan mo kami ng closure ate @jemzem. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63423.51
ETH 3252.70
USDT 1.00
SBD 3.91