TagalogSerye Ikalawang Edisyon: Ikalawang bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Isang mapagpalang araw sainyo mga katropa ito ang aking unang pagsusulat mula sa tagalog serye. Medyo nahirapan akong dugtungan ito dahil nga first time ko sana'y maunawaan at magustuhan niyo ang aking dugtong na kwento.



unnamed.jpg

"Ayoko na. Tigilan nyo ako."
Pero nagpapatuloy ang mga tinig na ngayon ay nadagdagan pa muli ng isang tinig... ng pamilyar na tinig.
"Wade, tulungan mo kami. Palayain mo kami"

Ang tinig na iyon kilalang kilala niya ang may ari ng boses na iyon. Si Lara na naging isa ding sekretarya sa kompanya ng mga Serrano. Bumalik ang mga kaganapang hindi niya malilimutan noong una palang niyang makilala ang dalaga.
Isang Junior Architect sa kompanya ng mga Serrano si Wade at sekretarya naman duon si lara. May tinatapos siyang trabaho kaya ginabi na siya ng uwi. Kasalukuyan niyang inila-lock ang silid nang mapansin niya ang guwardya na nagra-round sa building.
"Good evening, Sir." magalang nitong bati
Isang tango ang isinagot niya
"Ako na lang ba ang natitira sa building? Mang hener?" Tanong niya na ang ibig sabihin ay ang mga palapag na okupado ng SERRANO ENGINEERING, Inc.
"May isa pa ho sa personnel, Sir Wade nag-o-overtime ata."
Si lara na nakayupyup pa rin sa mesa niya at patuloy sa marahang paghikbi. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Ang nasa harap niya'y isang magandang babae. Basa pa rin ng luha ang dulo ng mahahabang pilikmata. Naikwento sakanya ni lara ang paghihiwalay nito at ng kanyang boyfriend. Naging matalik silang silang magkaibigan tuwing breaktime ay sabay silang kumakain. Lumipas ang ilang buwan at ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pagiging magkasintahan. Ngunit ng ito'y nalaman ni Nolan ay kanya itong tinutulan batas siya at ang kanyang pamilya lahat ng naisin ay nakukuha nila. Tinakot nitong tatanggalin ang dalaga sa trabaho kapag pinagpatuloy ang pakikipag-relasyon sakanya at alam ni Wade at ramdam niya na may pagnanasa si Nolan sa kanyang kasintahan.
Biglang nawala ng parang bula si lara kung saan man ito nagtungo walang nakaka-alam ngunit pakiramdam ni wade ay may masamang nangyare sa kasintahan.
Tuluyang kumawala ang mga luha na naipon sa kanyang mga mata bigla na lamang siyang nalungkot ng maalala ang nangyare sakanila ni lara. Hanggang ngayon ay wala siyang balita sa dalaga at lagi niyang naririnig ang boses nito na humihingi ng saklolo sakanya kaya alam niya na may nangyaring masama rito.
Kina-umagahan mabilis siyang nag-ayos upang hindi mahuli sa trabaho ng paglabas niya ng pinto ay laking gulat niya ng makita ang isang matandang babae. Mahaba ang mapuputi nitong buhok at puro ketong ang katawan ng matanda mula ulo hanggang paa. Bahagya siyang natakot ngunit napalitan din iyon ng awa.

images (1).jpeg

"la, taga san ho kayo? Ihahatid ko na po kayo sainyo." sabi niya sa matanda
"iho, sandali lang ito may nais lamang akong iabot sa iyo."
At ibinigay nga nito sakanya ang isang singsing na may batong Asul. Nagtataka man ay kanya itong tinanggap.
"iho, ito ay iyong pakaingatan. Ikaw ang itinakda ng panahon, gamitin mo ito sa kabutihan at labanan ang kasamaan."
Kanya itong pinakatitigan. Sinuri ang makinang na singsing na asul na hawak niya at sinuot niya ito sa gitnang daliri at nagulat siya ng ito'y sukat na sukat sakanya.

images.jpeg

"lola para saan.....???" tanong niya ngunit laking gulat niya ng biglang sa kawalan ay naglaho ang matanda.

Nasa opisina na si Nolan naka-upo habang pinagmamasdan ang sugat sa kanyang kamao sanhi ng pagsuntok niya sa marmol. Nag balik pa rin sa kanyang alala ang walang buhay na katawan ni hannah ang kaawa-awang si hannah.
"tigilan muna ako masamang diablo ayoko na hindi ko gusto ang ginagawa mo sakin!"
Nakaharap sa salamin ngunit hindi ang wangis niya ang nakikita mula rito kundi ang isang diablo.
"Hindi ka makakawala sa sumpang ito Nolan. Ang katawan mo'y akin at iisa na tayo ngayon. Sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo ang mga nais ko. Hahahhahahahaahhahahahha"

pragaras-219x270.jpg

Pinukpok ng pinukpok ni Nolan ng dalawang kamay ang kanyang ulo, tinatakpan ang mga tenga at sumisigaw dahil ang tawa ng diablo ay nakakarindi at masakit sakanyang tenga. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may kumatok mula sa pinto ng kanyang opisina. Napatigil siya at mabilis na inayos ang sarili
tok...tok...tok...

Itutuloy....


bilang ng salitang ginamit: 715

●Bakit tila may pagkakapareho ng singsing si Nolan at Wade? sila kaya'y isa sa mga SAIDO PULIS PANGKALAWAKAN? 😂😂
●Mailigtas pa kaya si Lara mula sa walang dahilang pagkawala nito? oh baka kinain ni maria labo ang laman loob ng dalaga 😅😅
●Sino ang mahiwagang matanda? At ano ang tungkulin ni wade na sinasabi nito? Ang magwalis kaya ng buong simbahan dito sa antipolo? 😂😂😂😂
●At mula kanino ang katok???? ABANGAN

Mga Karakter

Kontrabida:

Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas.(Lahing Serrano)
Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Nolan Serrano)
Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Wade)
Ang gabay: mahiwagang matanda
Kasintahan: nawala sa di alam na dahilan (Lara)
Mga Elemento sa Kwento

Amulet/Anting Anting (singsing na ruby)
Lumang Larawan( larawan ni Nolan at ng Asawa niya)
Bethrotal or Arranged Marriage (pinilit banggitin basta nandyan pero nasa wiakng Ingles)
Rivalry o tunggalian( ang taong Nolan at ang dyablong Nolan)

Tema ng Ikalawang TagalogSerye
Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan" (pinilit din gawin)

Ikaw na ang bahalang magdugtong @Valerie15 . Pasensya na sa gawa ko haha

Mga kaibigan suportahan po natin ang mga gawang Filipino
Salamat po kay @tagalogtrail na sina Ka Toto at Junjun sa pagpapahirap sa amin, haha
Narito po ang bumubuo ng tatlong pangkat

Mga Pangkat
Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

Sort:  

Maganda ang laban! Ang galing parang isa lang ang nagsulat ng kwento. Naipag konek kaagad ang dalawang akda.
Ano nga kaya ang gagawin ni Wade sa mga susunod na eksena? Kung Demonyo si Nolan si Wade kaya ay isang......... Power Rangers!

Joke lang baka isipin ng susunod na author na Power Rangers nga hahaha basta grabe ang gagaling nyo po! Nakatuwa na ang daming sumali dito.

Salamat po kay @tagalogtrail na sina Ka Toto at Junjun sa pagpapahirap sa amin, haha

Grabe naman po kayo hahahah sa susunod na linggo mas mahirap pa ang prompt! Gusto nyo po pala ng mga challenge hehehe.

Wala po akong maayos na tulog dahil dyan haha alas kwatro na kasi si @BeyondDisability natapos inantay ko pa na ipasa nya sakin link para madugtungan ko na habang gising pa ko kanina madaling araw 😅😅 natapos ko yang ng alas otso then natulog na ko kaya late na na post 😊😊 maraming salamat sa papuri toto haha hindi ko akalain na makaka pag sulat ako ng ganyan 😂😂😂😂

hi @ailyndelmonte
I saw your writing, I liked it very much
I want to see something better in the future.
Be good friends.

Ang galing naman bigyan ng jacket yan hahahahha

Hahaha ang galing ha salamat at sana binasa mo be ng ramdam ko yang comlpiment mo 😘😘

mabuti at nairaos nyo rin ang kwento. Di ko alam saan ito patungo. Salamat @ailyndelmonte dahil nabigyan mo ng direksyon ang kwentong ito.Naway mabigyang kaliwanagan ni @valerie ang kwentong ito :) :) :)

Walang anuman @beyonddisability medyo natagalan ako sa pag iisip niyan maikonekta lang ang kwento mo sa gawa ko hahahha 😂😂

kung may alterego si Nolan na dyablo
sino kaya ang alterego ni Wade. Baka si ka Toto
bahala ka na @valerie.

Ang matanda kaya na gabay ??? Hmmmm hahaha o baka si maria labo 😂

ang matanda ay isinumpang tunay na minamahal ni nolan

Haha hayaan na nating bigyang linaw ni sis valerie yan. Nasakanyang kamay ang kwento 😉😉😉

Ang galing nito, @ailyndelmonte! Sang-ayon ako kay @tagalogtrail, parang iisa lang ang nagsulat ng una at ikalawang bahagi. Ang husay mong mag-adopt ng ibinigay na plot at saka pati tono ng tagapagsalaysay. Hooooo! Nagsisimula na naman akong ma-pressure. Hahhahaha

Haha maraming salamat @jemzem naku naku matagal ko napag isipan kung paano ang aking gagawing pag dudugtong dyan sa kwento ni @beyonddisability inumaga na ko para matapos lang ang kwento 😂 nag uusap kami sa discord kanina hindi ko akalain na pareho pala ang tumatakbo sa isip namin dyan sa kwento na yan. Medyo slow din pati ko kaya naka ilang ulit ako kakabasa ng unang bahagi.

Hahhahaha. Baka umagahin din ako kapag ako na ang magdudugtong. Nagsisimula na talaga akong ma-pressure, pero kakayanin. :D

Kaya yan haha ako nga sis bago lang pero kinaya ko naman.. go go go push natin to 😉😉😉

True! Push lang tayo nang push! :D

Sa huwebes ikaw naman ang magdudugtong nyan hahaha 😊😊 ka team pala kita ih 😘

Opo, magka-team po tayo. Heheheh. Malapit nang mag-huwebes. Ako na naman ang makakalbo kakaisip nang magandang idudugtong. Hahahahah

Haha makakalbo talaga naku naku nakaka lagas pa naman ng bangs tong dugtungan

Kasi noong unang dugtungan, nalagas lang ang bangs ko. Baka ngayon, makalbo na talaga ako. Hahhahahaha. Pero gora lang! Para sa 1 SBD. Hahahha

Haha anu beyen ang hirap kasi ng gotiko ih 😅 kahit sino makakalbo kakaisip ng dugtong

Aba ang husay ng pagkadugtong ng kwento! Naging mas exciting pa ang mga kaganapan! Talagang aabangan namin ng susunod na yugto! 😃

Ay salamat po @chinitacharmer salamat at nagustuhan niyo ang dugtong na kwentong ginawa ko 😅😅

Exciting, meron talagang clash na namumuo. Ang galing ng karugtong ng kwento. Ayos ang pagpasok ng asul na singsing. Kaabang-abang yun sagupaan ng dalawang panig hehe. Good job po!

Salamat @jazzhero haha 😊😊 medyo kinabahan pa ko sa pagsusulat niyan pero dahil sa mga komento niyo mas na pupush akong gumawa ulit 😂

Maganda yun dugtong mo, nakuha mo yun timpla at na-maintain ang mood :D
Minsan mahirap pero enjoy un challenge diba? haha. Sali ka ulit next week kun meron mang bagong serye challenge.

Sige sige .. antagal ko nga ginawa yan kasi hindi ko alam pano ko sisimulan kasi walang pumapasok sa utak ko parang nahirapan ako sa gawa ni @beyonddisability pero ayon mabuti naman at ayos ang pagkakadugtong ko 😉

Awesome post!! Keep it up and check out THIS POST as well as I have something similar.

Pwede ka nang maging manunulat na batikan @ailyndelmonte.

Hahahha sana po mas ma push ako dito sa serye na to grabe ang gagaling ng mga kasama ko 😊😊 maraming salamat SA

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43