Paglalakbay Sa Dako Paroon: Ang Malungkot na Kastilyo Tawid sa Panglibangang Parke (Batangas-Tagaytay)

in #steemitdora6 years ago (edited)

Ako'y nagising nitong linggo, na tila hinahanap ng byahe ang katawan ko. Para bang kelangan ko umalis kahit ang oras ay ganap nang alas dos ng hapon. Hindi ko mawari kung saan ako tutungo, ngunit bandang huli'y napag desisyunan kong bisitahin ang kastilyong malungkot na tinatawag na "Disneyland" ng ating bansa. Alam kong huli na pagka't byahe mula sa aking bayan patungo roon ay may apat na oras o hihigit pa. Ngunit wala akong alinlangan at sinuot agad ang sapatos ni Dora.

Ang Batangas ay lalawigan na matatagpuan sa timog kanlurang bahagi ng luzon. Ito ay kilala na napakaraming beach at iba't-ibang magagandang lugar. Lingid sa kaalaman ng karamihan, dito rin matatagpuan ang "Fantasy world" o tinatawag na luma o malungkot na kastilyo. Ito ay itinayo upang magsilbing _disneyland" ng Pilipinas ngunit sa isang dahilan ay hindi natapos.

Upang marating ang aking destinasyon, mula sa aking Bayan - Bayan ng Malabon. Sasakay ng jeepney patungo sa istayon ng monumento sa halagang walong piso. Sa LRT monumento, ay sumakay patungong Buendia halagang tatlumpung piso. Pagbaba sa buendia ay makikita ang iba't ibang paradahan ng tren ngunit aking pinili ay DLTB co. byaheng pa-Nasugbu, Batangas. Ang Fantasy World ang nasa parteng Lemery ng Batangas ngunit huwag ka sumakay sa byaheng Lemery pagka't iba ang daan ng mga bus na iyon. Sa byaheng pa-Nasugbu ay bumaba sa Hangganan ng Tagaytay at Batangas sa halagang isangdaan at dalawamput limang piso. Ikaw ay bababa sa tinatawag na "Boundary ng Nasugbu." Sa wakas aking narating, Lalawigan ng mga magiting.

29177231_1868987133142928_7202629360476487680_n.jpg

Sa lamig ng klima di ko naalala na may araw. Grabe akong natatawa kasi hindi akma ang suot ko sa lamig ng lugar. Di ko naman naisip na ganito ka-lamig, pagka't likas naman akong tao na hindi lamigin. Kung sa baguio ang nakagala akong nakapalda kahit bumabagyo pa, dito sa tagaytay-batangas sadyang kakaiba. Di ko mapigilan, ako parin ay natatawa. Hahahahahaha!

Mula sa hangganan, isang jeep lamang ay patungo sa fantasy world. Sa halagang sampung piso ika'y nasa kakaibang lugar na.

Pagbaba ng sasakyan agad akong namangha. Kakaiba nga talaga at parang may mahikang kasama. Sa una'y di ako naniniwala sa mga litratong aking nakikita ngunit ng masilayan, sobra talaga akong humanga.
29026009_1867309666644008_4723046007787487232_n.jpg

May lungkot ng bahagya, bakit di natuloy kaya? Marahil kung natuloy, isa ito sa maipagmamalaki't darayuhin ng mga taong kagaya ko rin. Humahanap ng iba't ibang ganda sa loob ng sariling bansa. Panigurado'y mas maraming mamamangha sa dalang kakaiba nitong malungkot na Kastilyo.

Ako'y papasok sana ngunit ang oras ay patapos na. alas singko na ng hapon at ang pagpasok ay hanggang alasais lamang. Sabi ng mga guwardya, magandang pagbisita ay umaga. Dapat din ay madami, pagkat ang bayad ang isang libong piso kada sampung tao. Kung di umabot sa sampu, ay buo ang bayad na isang libo.

Sumunod na linggo kami'y bumalik, datapwat dalawa lang kami ay tuloy kaming bumisita. Hindi nakapagsisisi iyong mga makikita. Tila ikaw ay prinsesa na may taglay na mahika. Kay sarap ikutin ngunit ako'y natatakot. Haha! Sa lawak ng aking imahinasyon tila may nakatingin sa akin kahit saan ako magpunta. Sa laki ng lugar na iikutan kahit maraming tao ay parang iilan lang, iba't ibang ganda ng nasa loob halos ayaw ko nang lumabas. Ang masamang balita, memory card ng aking camera ay biglang nasira. Wala akong magawa kundi mainis ng bahagya. Wala tuloy akong maibahagi kundi masaya kong memorya. Ngunit para sa inyong idea, ito ang nasa loob nya.

Image source

Image source

Balik tayo sa unang araw ng aking pagbisita. Sa daan patungong Batangas ako ay namangha. Pagka't bayan ng Tagaytay ay talagang kakaibang likha. Kay daming magagandang bisitahin at kainan pang bigla.

Ala-sais ng hapon nagpasya kong lisanin ang kastilyo. Tutal nandito na ko ating tatawirin ang tagaytay at kumain ng pamosong bulalo.

17952498_1270764786310605_5695354619979565224_n.jpg
Ito ang tanging pumawi sa lamig ng buong katawan ko. Para akong single na walang pag-ibig, nanlalamig. Hahaha wtf!

4281174632_18cd0e139f.jpg
CTTO

Di ko na mahanap yung litrato basta ito yung eksaktong kinain ko. Unli ang sabaw sa mga taong uhaw. Haha! Nawa'y matakam kayo, kasi kahit naman ako.

Matapos mainitan, Paglabas gininaw ulit ako. Ngunit wala na akong magawa kundi ituloy paglalakbay ko. Napansin ko sa daan, lahat sila'y nakapanlamig. Samatala ako'y naka t-shirt at naka-short at wala nang ibang sukbit. Sobra talagang ginaw, ako'y nanginginig. Pero tuloy ang laban tayo na't lumakad ulit! :)

Sumunod na destinasyon, ay ang tinatawag na Twin Lake Tagaytay.
31895407_1713294685416145_4044421018737967104_n.jpg
Halos lahat ng dumadaan sa Tagaytay ay humihinto dito. Kay sarap kasing tumitig sa ibang klaseng ganda.

At oo, wag na kayong magtanong. Kumain ulit ako! Bwahaha! Sinubukan ko pinagkaiba ng Diner's sa Bulalo Point. Parehas naman silang masarap pero mas naligayahan ako sa Bulalo point kasi malapit lang sa susunod naming bibisitahin.

Halos alas-otso na nang gabi sa sumunod at huli naming destinasyon. Walang dalang pagod, ako'y napangiti parin. Iba't-ibang ilaw nakaka tuwa kasi. Sa halagang 80 pesos mapapasok mo ang Sky ranch. Isa sa mga pamosong parke sa Asya. Tampok nito ang isa rin sa pinakamalaking ferris wheel sa bansa.

29066235_1867749383266703_6413288051635650560_n.jpg

Habang ako'y nanunuod ng mga taong nagsasaya, grabe nanaman yung hangin kaya ako'y nanginginig na. Hahaha! Gusto ko nalang ilagay sa title tuloy "Nginig sa Tagaytay" Haha lol.

Kahit nanginginig sige ngiti lang. Inikot ko yung lugar at sumakay sa ferris wheel. Natakot ako sa taas kaya walang litrato. Ngunit sobrang ganda tanawin ng bulkang Taal mula roon. Ang sarap sa pakiramdam na di ko na naaalala na maaga pasok ko bukas. Wahaha!

Halos alas diyes na ng gabi nang nagpasya akong umuwi. Byahe ulit ng jeep mula Sky ranch patungo sa bayang Oliveros. Doon naghintay kami ng Bus byaheng pabalik maynila.

29067303_1868987716476203_4889284374836543488_n.jpg

Habang nag aabang, nakunan ko ng litrato ito. Sa pakiramdam ang nakagagaang dulot ng mga ilaw na ito. Pagka sakay ng bus ay nakatulog agad ako. Nagising ako'y nasa taxi na ako. Ala-una na halos nang makauwi ako. Konting tulog lang ay papasok na ako. Ngunti balewala ang pagod sa sayang natamo ko.

Hanggang dito nalang muna para sa araw na ito, Samahan nyo akong muli hanggang sa susunod na paglalakbay ko! :)

CIAO!

Salamat aking @shikika sa magiliw na paghikayat na maging kaisa ng inyong mga paglalakbay! Ito'y lubos na kaliga-ligaya! <3

~~~~~0o0~~~~~

#steemitachievers #steemitfamilyph #gratefulvibes #steemitpowerupph

neihy05.png
26239258_1903480356329378_4288845262119346990_n.jpg
26761374_1801767746531534_4899909754559660032_n (1).gif

Sort:  

Ang sarap ng road trip and food trip ah :) Ever tried the bulalo in Mahogany market? The place is not fancy but they sure serve one of the best bulalo in town. Anu tawag dun sa castle-like na place on your first photo? I've passe this several times but never took a closer tour to it. Oh! Did you visit Caleruega?? I hope you did!

Ahuh! Kaya pala tinatanong mo kay Julie kung paano pumunta diyan at kung magkano gagastusin. Hehe sulit na sulit siguro ang pag-biyahe mo sa Batangas.

Wow..ang sayang maglakbay .. Salamat sa mga ibinahagi mo..tila bay ky gandang puntahan yan sa panaginip lang.hahahaha😁.salamat at sumama ka sa paglalakbay patungo sa dako pa roon..😁

Ang ganda sis @neihy05. 💖😀 Ang ganda at ang saya ng paglalakbay. Sensya po ngayon ko lang nadalaw. 😀 hindi naman malungkot ang kastilyo dahil sobrang ganda nito. 😀
Salamat sa masayang paglalakbay sis. Mas kapanapanabik ang susunod na mga paglalakbay. 😀

sneaky-ninja-sword-xs.jpg
Sneaky Ninja Attack! You have just been defended with a 1.42% upvote!
I was summoned by @shikika. I have done their bidding and now I will vanish...

woosh
A portion of the proceeds from your bid was used in support of youarehope and tarc.

Abuse Policy
Rules
How to use Sneaky Ninja
How it works
Victim of grumpycat?

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Yhien (neihy05) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63658.03
ETH 3299.99
USDT 1.00
SBD 3.90