Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Apat na Araw

in #pilipinas6 years ago

Magandang umaga mga ka steemit! Pasensya na at sobrang huli ng balita dito sa account na ito. Ngayon ay nasa ikatlong araw na tayo ng biglaang Kolaborasyon.

Sa apat na araw ng patimpalak aking napili ang kaniyang akda na gagamitin ay mula kay

@aboutart

"PAGBANGON" | ORIGINAL-POETRY

Ang tulang ito ay nalikha pa noong 2011. Patungkol sa pagmo-moveon ng karakter.
Ngayon ang pagsubok sa mga sasali sa patimpalak. Gamit ang mga ideya na nagmula sa post ni @aboutart ano ang maaring nangyari noon sa karakter ng tula? Papaano siya nawasak at bakit nasabi nya sa sarili ang

Ngunit nakakalungot
na sa pagmulat ng mga mata,
At pagbangon mula sa pagkakahiga,
Ay ang pagbangon din
ng lahat ng sakit na nararamdaman.

Maaring ang inyong sagot sa pagsubok na ito ay isang tula o kwento.

Ito ay hindi kadugsong bagkus ang reply dapat ay ang naisip mong nangyari bago ang tula


  • Ang palugit sa pagsusumite ng gawa ay hanggang April 16 2018 alas dose ng tanghali.

Paano mapipili ang nagwagi sa patimpalak?

Ang magiging hurado ay ang mismong may-akda ng piyesang ginamit. Isa lamang ang kaniyang pwedeng piliin na magwawagi sa pagkakataong iyon. Ang anunsyo ng nanalo sa paligsahan ay magaganap pagkatapos ng 7 araw ng naunang anunsyo. Lalagyan ko din ng munting deadline para alam ng hurado kung hanggang kailan siya pwedeng pumili. Sa pagkakataong walang napili ang awtor ay magkakaroon ng kahalili na pipili ng nanalo at ito ay ang inyong lingkod.

Para sa kumpletong detalye ng paligsahan maari mong i-click ang link

Kung may katanungan man kayo, maari kayong mag comment o magpadala ng mensahe sa aking FB account

Sort:  

Narito na po ang aking nalikhang reply para sa tulang "Pagbangon" ni @aboutart.

https://steemit.com/tagalogtrail/@rodylina/lihim-na-pag-ibig

Salamat sa pagsali! :)

Walang ano man

Maraming salamat @tagalogtrail sa pagpili ng aking tula upang gamitin sa patimpalak na ito. Sana ay madami ang makilahok dito :)

Harinawa @aboutart maraming sumali/ may sumali hehe medyo kaunti lamang ang may alam ng ganitong patimpalak dahil sa ako'y nag-uumpisa pa lamang.

Wag ka pong mag-alala makikilala din ang tagalogtrail at marami ang sasali sa mga patimpalak nyo :)

https://steemit.com/teardrops/@beyonddisability/ang-mga-kulay-ng-watawat-ng-pilipinas...\

narito po ang aking tugon.. ginawa ko kagabi ..pero nakalimutan ko ipost ang link

ay mali di pala rito

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 59449.45
ETH 2406.65
USDT 1.00
SBD 2.43