Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Unang Araw

in #pilipinas6 years ago (edited)

Isa sa mga proyektong aking isinusulong ay ang magkaroon ng kahit munting patimpalak sa wikang Filipino. Ang problema nga lang ay ang pondo na gagamitin para dito.

Ngayong mayroon na akong kaunting halaga para magamit sympre ito ay aking gagamitin para mas mapalawig pa ang aking kampanya sa ating wika.

Katotohanan at Problema:

  • Maraming akdang Filipino dito sa steemit.com ngunit walang nagbabasa/ sobrang liit lang ng eksposyur ng kanilang likha. Madalas, magkakaroon ng isang mambabasa o minsan ay wala. Para sa isang manunulat ang isang simpleng komento na konektado sa kanilang gawa ay lubos na nakakapagbigay ng ligaya. ( Sympre hindi kasali si Nice post! Upvoted and Resteemed dyan spam yun madalas)

Naisip kong Solusyon :

  • Isang munting proyektong Kolaborasyon at ito ay gagawin nating "random". Isang akda na mula sa aking mga nahagilap na likha bawat araw ang pipiliin kong maging piyesa ng kolaborasyon.
    Maaring ang akdang aking mapipili ay isang tula o kwento, pwede ding sanaysay depende sa aking nais ng araw na iyon.

Mga alituntunin ng aking pagpili ng piyesang gagamitin:


  • Ang edad ng akda ay dapat 1 hanggang 6 araw

Para pati kung nagustuhan ng sasali ang akda ay pwede pang i upvote.

  • Dapat ang akda ay orihinal, at unang lumabas sa steemit.com

  • Magpapalit-palit ako ng may-akdang pipiliin, halimbawa gagamiting piyesa sa patimpalak ay kay @ortorres1123, sa mga susunod na araw ay si @racheleecious. Magkakaroon lang ng pag-uulit ng awtor kung wala na akong makita na bago. Ngunit sa aking pagmamasid kaya ang dalawang linggong walang ulit.

  • Dapat ay mayroon akong permiso na gamitin ang kaniyang likha sa patimpalak

Paano mapipili ang nagwagi sa patimpalak?

  • Ang magiging hurado ay ang mismong may-akda ng piyesang ginamit. Isa lamang ang kaniyang pwedeng piliin na magwawagi sa pagkakataong iyon. Ang anunsyo ng nanalo sa paligsahan ay magaganap pagkatapos ng 3 araw ng naunang anunsyo. Lalagyan ko din ng munting deadline para alam ng hurado kung hanggang kailan siya pwedeng pumili. Sa pagkakataong walang napili ang awtor ay magkakaroon ng kahalili na pipili ng nanalo at ito ay ang inyong lingkod.
    Para pangunahan ang patimpalak na ito ang gagamiting piyesa ay nagmula kay @johnpd ang kaniyang likhang Penitensya : A Filipino Short Story in Prose nais kong malaman kung ano ang magiging kadugsong ng kwentong natapos. Maaring maging tula ang kadugsong o isang bagong kwento.

Ang palugit sa pagsusumite ng gawa ay hanggang April 8 2018 alas dose ng tanghali.

  • Sa lahat ng sasali, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo at nawa'y hindi kayo magsawa na gumawa ng mga likhang Filipino dahil sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko ang mga bagay para mas madagdagan ang inyong mambabasa.

Para sa mga lalahok:

  • Dapat ay mabasa ninyo ang akda, kahit hindi nyo na i upvote ngunit dapat ay mayroon kayong komento sa piyesang napili. * Gumawa ng kahiwalay na post para sa iyong sagot sa piyesang napili. Maaring maging tula o kwento o reaksyon. Kayo na ang bahala sa magiging post.
  • Kapag tapos na ang iyong akda i comment sa ibaba ang link ng iyong gawa.

Ang gagamiting piyesa ay makakatanggap ng 50% na SBD reward na mula sa anunsyo. Ang mapipiling akda ng may-ari ng piyesa ay makakatanggap naman ng 0.50 SBD



( Opo maliit lang ang halaga ng pa-premyo dito ngunit ang mga alituntunin ay medyo madami dahil ang layunin ng patimpalak na ito ay mas pagbukludin ang mga manunulat ng wikang Filipino at madagdagan sila ng mga mambabasa at kaibigan narin )

Sort:  

Nawa po ay umabot pa, nang muli kung basahin ang post na ito ulit ngayon nalaman ko na hanggang tanghali lamang pala ang patimpalak. Kung sakaling mang hindi umabot ay ayos lang, isusumite ko pa din ang gawa ko .

https://steemit.com/tagalogtrail/@rodylina/bagong-simula

Huhuhu hindi na po sya umabot. Kailangan panindigan ang unang anunsyo po 😭 😭

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63212.56
ETH 3233.70
USDT 1.00
SBD 3.88