"PAGBANGON" | ORIGINAL-POETRY

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

PicsArt_04-08-05.06.11.jpg
Image Source

I wrote this poetry way back in 2011 and I want to share it to my fellow Filipino Steemit Friends.

I can't remember what I am going through that time, but I surprisingly wrote this poem.

PAGBANGON

Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong nakikita
Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.
At sa bawat minuto't segundo nito,
Ay unti-unting nadudurog
ang bawat parte ng aking puso.
Unti-unting nawawasak ang buhay
na minsang pinagsikapang mabuo.
Nakakatuwa nga lang isipin,
Na sa bawat pagpikit ng aking mga mata, Kasabay ng mahabang pagkakahimbing,
Ay pansamantalang nalilimutan
ang lahat ng pait.
Ngunit nakakalungot
na sa pagmulat ng mga mata,
At pagbangon mula sa pagkakahiga,
Ay ang pagbangon din
ng lahat ng sakit na nararamdaman.
Minsan nga naisip ko,
Na kaya siguro ang hirap bumangon sa pagkakahiga,
Ay dahil kasabay ng pag-angat ng katawan,
Ay ang pagbuhat din sa bigat na iyong nararamdaman.
Pilitin mang alisin sa aking isipan,
Kapalit nito'y luhang patuloy Na umaagos patungo sa kawalan.
Sana'y ganun lang din kadaling mawala ang lahat ng sakit,
Sana'y kapalit ng mga luhang nawala
Ay ngiti sa mga mata.
Sana'y kasabay ng paglipas ng araw,
Ay ang paglimot sa mapait na karanasan.
Sana'y kasabay ng paglubog ng araw,
Ay ang pag-angat ng pagmamahal at pagtitiwala.
Sana'y kasabay ng magandang pag-angat ng buwan,
Ay magandang simula ng buhay ng puno ng pagmamahal.

Minsan may punto sa buhay natin na may mga problemang darating, especially in terms of love. Hindi lahat may magandang happy ending. Minsan akala mo sya na, pero hindi pala. Masakit, but that's the reality. But even if things are not okay, for now, the time will come that you will surely be happy with the one you love.

Remember:

"Everything will be okay in the end,
if it's not okay,
then it's not yet the end"


THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING AND READING MY POST!!!

DQmZigP4Np5NLVmNR1N3zbpfgfEHkTXRQiGNmh589wMKauD.gif

aboutart_.png

Sort:  

Congratulations @aboutart! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Pitong taong gulang na tula. Wow! Maganda na ito sa panahong iyan. Paano pa kaya ang mga sumunod na tula pagkatapos.

Sa bawat pagka lugmok natin, tayo ay makakabangon parin. Hindi natatapos ang kwento ng buhay! Napakarami bang dapat isalaysay.

Salamat sa paglikha ng Tagalog, lubos ko po itong naibigan 😍

Binibining @aboutart napili ko po ang tulang ito para gamitin sa isang patimpalak na biglaang kolaborasyon. Humihingi po ako ng pahintulot para dito :)

Ito po ang alituntunin ng nasabing patimpalak.

Maraming salamat po. Yes, pwede nyo po gamitin itong tulang ito. :)

Hello po @aboutart , narito po ang aking naisulat na reply sa piyesang ito na "Pagbangon". Nawa po ay mabasa niyo 😊

https://steemit.com/tagalogtrail/@rodylina/lihim-na-pag-ibig

Nabasa ko na ang iyong kwento. Napaka-ganda ng ginawa mo. Nai-imagine ko ang gabing iyon na umiiyak sya. Kinaumagahan, tsaka nya ginawa ang tula. Napakahusay! Maraming salamat sa pagsali! :)

Salamat po at nagustuhan niyo @aboutart

Hahha umabot pa ako! Buti sa 16 pa ang deadline ng patimpalak.

Ito ang aking bahagi sa iyong akda.

https://steemit.com/pilipinas/@tpkidkai/hindi-mahal-si-mahal

Naisip ko habang binasa siya pwede namang lalaki din ang karakter na naiwan. Hindi naman laging babae lang ang nasasaktan, minsan mas madrama pa.

Salamat sa iyong tula at sa inspirasyon! Medyo nag lulugaw na talaga ako sa gagawin kong kwento hahaha.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57929.49
ETH 2354.05
USDT 1.00
SBD 2.44