Lihim na Pag-ibig

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

Ang kwentong ito ay reply sa tulang Pagbangon ni @aboutart para sa patimpalak sa biglaang kolaborasyon ika-apat na araw ng @tagalogtrail .


"Bagay na bagay nga sa akin ang damit na pinili mo at halos lahat sila kanina nakatingin sa akin, thank you so much babe," wika ni Sarah Unice(o mas kilala bilang SU) sabay halik sa pisngi ng kasintahan

"Wala yun, maganda ka naman kasi talaga"

"Alam mo all-in-one ka talaga, kasintahan na bff, hairstylist, shopping buddy as in lahat na. Siguro hindi ko talaga kakayanin kung mawawala"

"Wala naman akong sakit hindi ako mawawala", biro nito na ang ibig sabihin niya ay hindi pa siya mamamatay

Niyakap niya ng mahigpit ang kasintahan, hinihiling sa langit na kung maaari ay ihinto muna ang oras. Mahigit dalawang taon na silang magkasintahan ngunit wala pang basbas ng magulang ng babae ang relasyon nila, ngunit suportado naman sila ng mga kamag-anak ng lalaki. Parehas silang nasa ikatlong taon na ng kolehiyo, isang taon na lamang ay parehas na silang makakapagtapos.

Si Manuel ang tipo ng lalaki na papangaraping maging kasintahan ng kahit sinong babae. Sa dami ng babaeng umaali-alid sa kanya noon tanging si SU ang bumihag sa puso niya na noon ay wala talagang interes sa kaniya. Kinalaunan ay naging sila dahil matiyaga siyang manuyo at hindi babaero.

Halos perpekto na ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang kanilang ika-tatlong anibersaryo.

"Rinnnggg", kanina pa tumatawag si Su kay Manuel ngunit hindi nito sinasagot

Kanina pa naghihintay si SU sa tagpuan nila, alalang-ala siya dahil kahit kailan ay hindi siya nito pinaghintay. Maya-maya pa ay may natanggap siyang text mula s kasintahan.

"Babe, pasensiya ka na talaga hindi ako makakarating. Nawala sa isip ko na anibersaryo natin ngayon, na lasing ako. Kaarawan ng bago naming tropa si Zenki, babawi ako bukas"

Umuwing malungkot si SU.Halos di siya nakatulog, labis niyang dinamdam ang nangyari. Hindi niya matanggap na pinaghintay siya sa wala ng dahil sa kaarawan ng bagong kilala. Sumagi din sa isip niya na baka nambabae na ito, ngunit alam niyang mahal siya nito.

Maaga siyang pumasok kahit maga ang kaniyang mga mata. Pag pasok niya ng classroom may nagbigay sa kaniya ng tatlong pulang rosas sinundan ng tatlong puting rosas at tatlong puting tulips. May sulat na kalakip ang mga ito.

tri-ruze1.jpg
Pinagkunan ng Larawan

Pulang mga rosas simbolo ng nag-aalab kong pag-ibig para sa iyo SU

3_rose_bianche.jpg
Pinagkunan ng Larawan
*Puting mga rosas simbolo ng tunay at dalisay na pagmamahalan nating dalawa *

White-Tulips-Picture.jpg
Pinagkunan ng Larawan
Puting mga tulips simbolo ng pagpapatawad, nawa ay mapatawad mo ako sa nagawa kong paglimot sa ating mahalagang araw

"Halika ka, punta tayo sa labas", yaya sa kaniya ng isang kaklase at nilagyan siya nito ng piring sa mata.

"Ano ba tong ginagawa niyo sakin?"

"Sandali lang nandito na tayo"

Isang malaking banner ng bumungad sa kaniya, may nakasulat na,

**Maligayang Anibersaryo!
i ❤ SU
SUman Forever
**

SUman ang kombinasyon ng Su at Manuel, parang pagkain lang dahil nag-umpisa sila bilang food buddy.

Nilapitan siya ni Manuel at inabutan ng mga tsokolate at isang pulang maliit na kahon. Ang laman niyo ay dalawang singsing na para sa magkasintahan, mayroon pang nakaukit na SUman.

Lumipas pa ang mga buwan, mula sa kasing tamis ng tsokolateng toblerone at kasing sarap ng nutella na pag-iibigan ay nauwi sa parang sorbetes na unti-unting nalulusaw o bubble gum sa habang tumatagal ay nagiging matabang. Halos wala ng text o tawag kung hindi siya ang mauuna, wala na ring oras at napakaraming dahilan sa tuwing nais niya itong makasama.

Tinawagan niya ang kaibigang si Marie upang magpasama sa mall para naman mawala ang bigat na nararamdaman niya. Nagkita sila sa Mall, nag-shopping at kumain. Pauwi na sana sila ng madaanan nila ang mga booth -- iba-ibang uri ngunit ang pumukaw sa kaniya ay ang marriage booth.

"SU ayos ka lang ba? Bakit tulala ka?"

Hindi na nagawang magsalita pa ni SU,itinuro na lamang nito ang marriage booth. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng luha sa nasaksihan. Lumapit siya para kumpirmahin kung si Manuel nga. Siya nga! Tumakbo siya palayo, sinubukan siyang habulin ni Manuel ngunit huli na.

Natagpuan niya ang sariling nilulunod ang sugatang puso sa napakalamig na alak, lasing na lasing na siya kaya hinatid na lamang siya ni Marie sa bahay nila.

Iyak pa rin siya ng iyak. Kinuha niya sa bag ang cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog. Si Manuel tumatawag. Sinagot naman niya.

"Hello"
"Sorry Su, patawarin mo ako hindi ko agad nasabi sa'yo"
"Babe bakit? Ibig kung sabihin bakit mo nagawa sakin yun Manuel? Ano bang mali sakin? Ano bang meron siya?"
"Isang araw nagising na lang ako gusto ko na siya, pero sinubukan kung pigilin. Dumating sa punto na minamahal ko na pala siya"
"Bakit si Zenki? Sana ibang babae na lang!"

Doon na naputol ang pag-uusap nila, ngunit hanggang sa panaginip ay nananariwa pa rin ang senaryo sa marriage booth. Tila umaalingaw-ngaw sa tainga niya ang mga katagang,
"Mahal kita Manuel"
"Ikaw na ang mahal ko ngayon Zenki"
Kasabay ng malagkit na tinginan at matamis na ngiti sa isa't isa ang pagkadurog ng puso niya at pag-guho ng mga pangarap nilang magkasama. Dahil iba na, iba na ang iniibig niya. Hindi na ako, hindi rin ang kung sinong babae kundi ang kabaro din niya.

Nahimbing na lamang siya sa pagtulog sa haplos ng mga luhang tila di nauubos at sa musika ng nagdadalamhati niyang puso.

Sort:  

Hi @rodylina, thanks for using @steemph.antipolo's services I give 75% upvote for this post thanks to : @rodylina

Ang galing naman. Napahanga mo ako @rodylina. Saan ba dumadaan si Manuel para maabangan ko siya sa Kanto hehehe. Ang ganda ng Kwento.

Thanks @juviemaycaluma , naku may bodyguard na papa si Manuel kasi Manuela na siya ngayon 😂

welcome .. OMG ahahahaha !!!!

Manloloko talaga ang mga MANUEL eh hahaha, Sarap kuyugin.
Clap,Clap,Clap for this pwede na itong i lathala sa pocket book.^^

Hahaha salamat po @mariejoyacajes . Pang pocketbook na ba? hayaan mo sa susunod, nawa ay makagawa ako ng may series na kwento :)

Maraming salamat @aboutart sa pag-reblog ng aking akda.

Ang galing ng iyong naisip na prequel ng tula @rodylina.

Napa bro-mance si Manuel hahaha ang sakit nga lalo sa babae iyon ang ipagpalit sya sa lalaki ng kaniyang sinisinta.

Napapanahon po kasi kaya ayun ang ginagawa ko 😊

Hahah kaya pala.

Nga pala congrats napili ko itong muli para sa arawang featured post. May mga komentaryo ako doon.

Tinatapos ko lamang.

Salamat pong muli @tagalogtrail 😊

napasigaw ako ng "Tanggalin ang sumpa kay Zenki! Tatanggalin ka ng lihim na espada! SUMPA! Dakilang Vadjula, palayain mo ang alagad na si Zenki!" habang binabasa ko ung katapusan ng kwento.
At dahil dyan, medyo 1week muna ako hindi kakain ng SUMAN. 😂
pero all-in-all nagustuhan ko ung gawa mo.
so for me, it's a yes. 👌😉

Hahaha tumatawa nga ako habang ginagawa ko ito, dahil sa SUman loveteam na naging Manki hahah.. Medyo minadali ko nga lang dahil ayaw ko na mahuli. Salamat naman at natapos ko siya ngayong araw

saan matatagpuan si Manuel!...
Ang galing grabe ..powers
Sana magkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng maikling kwento.
Mananalo ito.
I LOVE PLOT TWIST!!!!

Salamat sa suporta mo @beyonddisability . Mas magaling ka kaya sakin lalo na sa usaping likhang isinulat sa wikang Filipino.

Hindi ko alam kung nasan na si Manuel, malamang masaya na sa piling ni Zenki hahah

may naalala akong pelikula rito yung "Dalawang Mrs. Reyes.

Pasensiya na @beyonddisability hindi ko ata napanood yun

ang galing kahanga hangang kwento :)

This post has received a 6.53 % upvote from @boomerang.

We recommended this post here.

We are Discover Steem, if you like our work consider giving us an upvote. :) If you don't wish to receive recommendations under your posts and to be recommended, reply with STOP.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68208.95
ETH 3894.97
USDT 1.00
SBD 3.69