Ika-Apat na Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago

Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.

Screenshot_26.jpg

Pinagkunan ng larawan




PAG-IBIG (TAGALOG POETRY)

Tila may mga paru-paro sa aking tiyan;
Na umiikot-ikot kapag ika'y nariyan.
Kumakabog - kabog ang aking dibdib
Di ko maintindihan kung ito ba'y pag-ibig.

Una sa ating sipi ay ang gawa ni @xorexman patungkol sa pag-ibig. Dito inilalarawan ng may akda ang pakiramdam ng isang taong tinamaan ng nasabing emosyon, Ang tamis ng unang pag-ibig




"Bakasyon"

Pero sana ang kaligayahan ay di mag wakas
Nakakalungkot isipin na linggo na lang ang binibilang
At pagkatapos nun tayo naman ay lilisan
Bakit kasi nauso pa ang summer dito?

Sumunod naman ay ang tulang patungkol sa bakasyon ni @racheleecious, patungkol ito sa mga alaala ng bakasyon na napakasarap balikan sana nga ay uso ang EXTEND BAKASYON tapos i send sa 8888 malay natin mangyari sa hinaharap.
Dalawang linggo na lang halos ang aking titiisin dahil makakapag laro at puyat na ako dahil wala nang pasok sa eskwela yehey!



<
💨🍃 HANGIN POEM 🍃💨

Bagamat di kita makikita
Ikay aking nadarama
Buong layang humahaplos
Dumadampi sa aking pisngi

Isang maiksing tula na naglalarawan sa hangin at kung paano nya naiugnay ito sa kanyang buhay. O hangin sana hangin ka nalang at hindi bagyo para naman makagala at makalaro si Toto doon sa may kanto.




''Alaala''

Mahal naalala mo pa ba?
Kasi ako tandang-tanda ko pa
Ang mga alaala noong tayo pang dalawa

Isang tula na alay sa mga alaala nang nakaraan. Minsan talaga napako nalang tayo sa nakaraan buti nalang at ang"love" love" na iyan bawal pa sa akin. Pero ang tulang ito napaka ganda talaga!




#Teardrops: A place called "HOME for the AGED"

Nuong tayo ay mga bata pa sila ang umaagapay sa ating paglaki, minahal at halos ayaw papadapuan ng langaw sa ating pag tulog at pag laki. Ngayon, nakakalungkot at nakahahabag isipin na ng tumanda sila na wala man lang mag aalaga sa kanila at makikita mo na lang sila sa isang kumunidad na tinatawag nating” Home for the Aged.”

Ito ang pinaka magandang akda na nabasa ko ngayong araw. Dahil sobrang nakaka antig sa damdamin ang mga pangyayaring kanyang naikwento at dahil sa ito ay Tagalog mas nagagawang maintindihan ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng akda.



Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito.



Mayroon na po akong account sa steemauto.com.



Piliin nyo lang po ang Curation Trail

At itype po ang aking pangalan tagalogtrail sa "trail name"

At pagkatapos po ay i click ang follow pag lumabas na po ang resulta

Pag inyo na pong nagawa iyan, awtomatiko na pong mag-a upvote ang inyong account sa sandaling ako ay nag-upvote na po ng mga likhang Tagalog dito sa steemit, ito po ay isang paraan para makita ng mga Tagalog na awtor na mayroon din siyang suportang nakukuha mula sa iba.


Muli ako po si Toto, isang alagad ng wikang Tagalog na nagpapasalamat sa inyong panahon at subaybayan nyo po ang aking mga susunod na edisyon ng Tagalog Trail.

Sort:  

salamat toto ! napakabuti ng iyong adhikain..natutuwa ako dahil sa isa ako sa napili :-)

maligayang bati rin sa mga napili :-)

mabuhay ang bansang pilipinas.

ipagmalaki ang sariling wika

Mabuhay ang Pilipinas!

Kailangan ulit maghanap sa steemit na likha.

Maraming Salamat sa pagpili sa aking mga tula, ako'y natuwa ng mapabilang ang aking mga likha sa iyong mga nagustuhan. Mas lalo ko pang pag-iibayuhin ang pagsusulat sa wika natin..

Salamat din po @racheleecious sa paglikha ng Tagalog na obra. Patuloy lang po tayo sa pagsusulat ng Tagalog 😍

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.12
JST 0.026
BTC 56905.21
ETH 2508.41
USDT 1.00
SBD 2.36