#Teardrops: A place called "HOME for the AGED"

in #teardrops7 years ago

19234748635460a47281e675.13353931.jpg

Nuong tayo ay mga bata pa sila ang umaagapay sa ating paglaki, minahal at halos ayaw papadapuan ng langaw sa ating pag tulog at pag laki. Ngayon, nakakalungkot at nakahahabag isipin na ng tumanda sila na wala man lang mag aalaga sa kanila at makikita mo na lang sila sa isang kumunidad na tinatawag nating” Home for the Aged.”

Sisimulan ko ang aking kwento base ito sa aking karanasan bilang caregiver sa isang kumunidad sa aming lugar, “Bahay ni Maria” Home for the aged for elderly people. Unang naramdaman ko sa panahon na yon ay awa para sa mga magulang na basta na lang inabanduna ng kanya kanyang pamilya.ibat-ibang rason kung bakit sila nanduon ,Sa hindi inaasahang mga pangyayari ay naiiwang mag isa sa buhay, ang iba naman ay hindi nabibigyan ng pag kakataon na magkapamilya , ang iba ay mismong pamilya ang nag desisyong ipasok sila sa kadahilanang hindi ito maaalagaan ng kapamilya, at meron din naman napulot sa lansangan at mismong home for the aged ang kumalinga. napakaraming tanong ang sumulpot sa aking kaisipan.bakit may mga anak, kamag anak na kaya silang iwanan basta sa lugar na yon. Nasaan na kaya ang mga anak?mga apo? Pamangkin o kamag anak na nakasama nila noong sila’y malakas pa, Nasaan sila?bakit di nila maalagaan ang kanilang mga magulang?

Nakakahabag isipin na ibang tao pa ang nagbibigay ng pag mamahal at pag kalinga na dapat sa mismong pamilya nya makukuha dahil noong siya ay malakas pa ibinuhos din nya naman ang buong buhay nya sa kanyang pamilya. nag hahanap sila ng pag mamahal sa mga kagaya kung dadaan lang sa buhay nila, pagkatapos ng aking on the job training ay alam kung masasaktan na naman sila dahil hulog na naman ang loob nila sa aming panandalian lamang sa buhay nila, ganon paman masaya ako na kahit minsan naging masaya sila sa panahon ng dapithapon ng kanilang mga buhay ay naranasan nilang may nagmamahal at kumakalinga sa kanila.

nakakaawa at ayaw kung isipin na mangyayari ito sa mismong mga magulang ko.parang binibiyak ang puso ko isiping kaya ng mga anak nila na di na muling makikita ang mga magulang na umagapay at nagbigay ng buhay sa kanila.sana sa lahat ng mga anak Mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang dahil di tumitigil ang pag ikot ng mundo, lahat tayo ay tatanda, may mga nagawang mali at kasalanan.walang taong perpekto , Yan ang realidad ng buhay. Wag natin iparamdam sa kanila na pabigat sila sa ating buhay dahil hahantong din tayo sa pagtanda. Kung ang mga magulang natin ay nakagawa ng kasalanan noong sila ay malalakas pa sana ay matutunan nating magpatawad at sana imbes na ilayo natin sila iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal hanggang sa kanilang huling hininga.


mahalin natin ang ating mga magulang dahil kukunting panahon na lang natin silang makakasama.

maraming salamat. god Bless us all!

DISCLAIMER: The content is original.

Join STEEMIT ACHIEVERS in Discord: https://discord.gg/ZtGXRcb

Please support the Smart Media Token @teardrop project by Sir @surpassinggoogle and follow https://www.facebook.com/teardropstokenson Facebook.

Please also support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box..

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Acknowledgment:@surpassinggoogle, @teardrops, @steemgigs, @ourmamaterry, @junebride for the gif, @g10a for the footer

I am a proud member and follower of

@surpassinggoogle

@steemitachievers

@steemitfamilyph

@teamphilippines

@steemsecrets

@steemdump

@philippines

@busy

Sort:  

Thank you for sharing this post. Thank you for extending your helping hands to the vulnerable sector. Thank you for giving your care and love to the elders. Truly you have a gentle heart. Followed you to hear and read more of your noble deeds and effort. Gave you an upvote for the selfless endeavor you made. Keep steeming.

Maraming salamat at naapreciate nyo ang aking munting likha para sa ating mga nakakaawang magulang.sana mag silbing pang gising itong gawa ko para sa mga naiwan pang mga nanduon na mabigyang pansin ng mga kamag anak.maraming salamat.

ang platapormang ito ang magsisilbing gabay sa pag gising nga mga natutulog na puso ng ating mga kababayan. Naway biyayaan pa kayo ng panginoon ng maraming grasya at lakas para ipagpatuloy ang maganda inyong nasimulan.

Ang ganda po! Kaya mas nais kong makabasa ng mga Tagalog na likha mas dama ang bawat salita, nakaka antig at nakaka habag talaga sa damdamin na ito ang nangyayari. Pangako ko kay Inay at Itay hindi ko sila papabayaan at ipapadala sa "Home for the Aged"

Labis ko pong naiibigan ang inyong likha

Pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"

Ika-Apat na Edisyon ni Tagalog Trail

Maari nyo pong bisitahin ang aking akda para makita pa po ang ibang magagandang likha na gawa ng ating mga kababayan.

Maraming salamat @tagalogtrail at salamat sa pag resteem para maiabot ang aking mensahe sa bawat pilipino.salamat

Sobrang Nakakaantig damdamin yung mensahe @gyn.

thank you @sweetnaomi05 para sa ating mga magulang :-)

Thank you sis😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 64834.92
ETH 2540.16
USDT 1.00
SBD 2.67