''Alaala''
Mahal naalala mo pa ba?
Kasi ako tandang-tanda ko pa
Ang mga alaala noong tayo pang dalawa
Mga musikang kinabisa hanggang ngayon tanda ko pa ang bawat letra
Sumpaan nating tayong dalawa hanggang dulo nasan na
Hanggang ngayon ay hanap-hanap Ang iyong mga yakap at halik sinta
Mula noong ako'y iniwan mong mag isa
Ang dating masiyahin ay nawala na nang ganang tumawa
Dating mga ngiti ay napalitan nang mga luha
Minsan nag iisip kung kamusta kana
Kilala mo pa ba ako o hindi na
Alaala ba natin ay iyong pang naaalala
Baka nakalimutan mo na dahil meron nang ibang nagpapasaya
Mahal saan ka man ngayon ikaw parin
Ano ba ang aking nagawa at lumayo ka sa aking piling
Pilit man kalimutan bumabalik parin ang nararamdaman
Kahit ilang beses nang sa iyo nasaktan
Sinubukan kong magpakalasing nagbabakasakaling kaya nito alisin
Ang mga sakit na sa iyo naranasan
Ngunit hindi dahil kahit anong gawin
Ikaw parin ang hinahanap nang puso't damdamin
Magkano ba ang pamasahe pabalik sa nakaraan
Dahil handa kong utangin ang kasalukuyan mabalikan lang ang nakaraan
Nakaraan sa iyo ay masaya at ako lang walang iba at upang akin malaman bakit mo ako iniwan
Iniisip ko ang mga ito habang pinagmamasdan ang ulan
Na paboritong mong tinitignan
Minsan talaga ang hirap mag move on sobrang sakit lalo na't ang ibang bagay ay laging nagpapa alala sa kaniya.
Nagustuhan ko po ang inyong tula
Pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"
Ika-Apat na Edisyon ni Tagalog Trail
Maari nyo pong bisitahin ang aking akda para makita pa po ang ibang magagandang likha na gawa ng ating mga kababayan.